After that incident, I realize na:
-you must break your own principle in order to survive
-there will come a time that nobody will able to help you
Saturday kasi to.
Every weekends, pumupunta sila tita, mga pinsan ko at lola ko sa bulacan para samahan ang lolo ko na na-isolate dun. (kahit nung di pa kami lumilipat, ganun lagi routine nila). Eh may pasok kasi ako ng sat at tinatamad talaga ko umuwi dahil nakakatamad talaga. So, pag kumakain ako, either iwanan na lang nila ko ng makakain o bumibili na lang ako sa friendly karinderya.
First time dod. First time na kinorner nako ng tadhana para palitan na ang desisyon ko na hintayin ko na lang na mag asawa ako saka nako magsasaing. Balak ko pa nga, di nako matututo magsaing at sabihin ko na lang sa future asawa na:
“ako na lang maghuhugas ng plato, tapos ikaw nalang magluluto ah? Game?”
Pero hindi. Sa tv lang pala yun nangyayari. (weh?)
Gumising talaga ko ng maaga para pumasok ng maaga sa school. Akshalli, nagpakabibo talaga ko gumising kasi, lagi ako late sa subject na yun. At ang unang gagawin ni wei? Hahanap ng makakain sa labas.
Pagbukas ng pinto, pagbaba ng hagdan, at pagbaba pa uli, parang may nakita akong kakaiba. Ay hindi, normal na nga pala to. Kagigising lang, sorry.
Panic meets Wei. Gutom nako promise. At wala nako makain sa bahay. Tae, sayang naman yung gising ko ng maaga. Di nako makatulog, umiiyak na tyan ko sa gutom.
Anong ulam?
Hmm may baka na niluto dito. Pero masarap pag may kanin para busog
Ok.. noodols na lang tayo tols.
Wala pre.
Juice?
Wala din
Aha! May nakita akong yosi! Hooo~! Solb!
Pero dipala yun kadali. I need to decide:
A: ignore the pains. Immune ka na dito diba?
B: papakin na lang yung natirang ulam.
C: magsaing ka na para solb solb na talaga.
Syempre, matigas ulo ko, kaya A muna ginawa ko. But, after some minutes, I decided na magluto na. Do or starve lang yung choices, at wala akong balak mag diet.
First and last time na nagsaing ako eh highschool pa. At nasunog pa. Kaya, tinawagan ko na nanay ko kung pano magsaing. Hay, kaiyak.
…and then, while my mom is busy teaching me how to cook, Im busy looking for rice grains. Anong silbi ng pagtuturo saken ng nanay ko kung wala naming bigas?
Ma, nasan yung bigas?
Andyan, sa may cabinet sa baba.
Huh? Wala namang cabinet sa baba? Ahhh… muka namang walang bigas. Ay! Nakita ko na.
Tapos..
Tapos nun…
Ginawa ko naman yung tinuro ng nanay ko. Okay naman. Nalagay na sa kalan yung kaldero. At pinabayaan ko na lang siya maluto mag isa. Basta, ang golden rule na natutunan ko sa barkada ko nung highschool, pag naaamoy mo na yung kanin na nasusunog, luto na yun.
But I never expect it to be that tutong.
Siguro, kung busog ako nung mga panahon na yun, di ako magluluto, matutulog na lang ako uli at mananaginip na lang ng nilagang baka na lumilipad sa kalawakan.
Pero, may kung anong kapangyarihan ang gutom para maappreciate mo yung amoy at muka ng kaning tutong. Akshalli, naubos ko yung kanin with the ulam op course!
(last week post pa dapat to… and then, this weekend again, Nakasunog uli ako. huhu… i quit!)