“I push you away, but your’e the only thing i know….”
habang nakikinig ako ng madamdaming kanta ng alesana na not a signle word about this, naramdaman ko na naman ang pagnanasa ko sa isang sheters na babae na nakilala ko sa chat.
Kahit ilang beses ko ng sinasabi na “ok lang yun” eh parang di ko pa rin maiwasan na maging tao pag nakahiga nako sa kama o kaya pag nakaupo ako sa may efex. Di ko ma dissect kung bakit sa kabila ng kababawan ko sa kasiyahan, sa kabila ng hirap at pagdurusa ko sa paggawa ng linshak na plates na yan, di ko pa rin maiwasan na di ko siya isipin.
Lagi, nagtatanong ako sa sarili ko kung kamusta na ba yung ka chat ko ngaun na tawagin na lang nating Miguel(oo babae siya. Ang di maniwala, babarilin!) Siya yung pwede kong tawaging pinaka ‘adorable’ sa lahat ng naging ka chat ko. Pano ba naman, sa wakas, nakatagpo ako ng opposite gender ko na mas makulit pa saken, mas ‘green’ pa kausap at mas epal pa sa akin. Kung di ba naman tinamaan ng kakulitan eh…
Ilang weeks din kami nagbababad sa net para lang makausap ang isa’t isa. Sa isang araw, occupy ang six hours time ko para sa kulitan-asaran namin.. hanggang sa nagyaya siya na magkita na kami.
Miguel: kita tayo
Wei: ayoko
Miguel: bakit? eh same school lang naman tayo eh.. kita tayo sa may arch op the centuries para fair., magkabilang dulo lang naman building naten eh..diba?
Wei: may pimples ako eh.
Miguel: eh ano? tambay tayo quaipo, tapos nood tayo ng dvd.
Wei: ayoko
Miguel: bakit?
Wei: wala lang.
Mahabang paliwanagan yan.. the rest is hitory mga pare,. 1 week kami nagkulitan-asaran na magkita kami..hanggang sa huling pagtanggi, di ko na siya nakausap. Binura niya ko sa friendster niya at sa YM list niya… matagal na to nangyari, pero di ko siya makalimutan.
Kung bakit, kung bakit tanggi ako ng tanggi sa pagpapakita sa kanya eh I think, its not yet the time na magkita kami…pero alibi lang yun. Ang talagang totoo eh nahuhulog na loob ko sa kanya. Sa easy na salita, I am falling for her. Crush ko siya.. tapos bigla nalang ako na in love.. sakeYt noh? Hindi rin dahil natatakot ako sa sarili kong appearance dahil gwapo nga ako diba? natatakot lang ako kung anong mukang mahaharap ko sa kanya. Natatakot ako kasi baka makita niya na naiinlove nako pag kausap ko siya.
One time, nasabi niya saken na balang araw maiinlove ako sa kanya. Ewan ko lang ha?? ewan ko lang kung curse ba yun or what.. kasi bago niya sinabi yun, in love nako sa kanya.
Ilang kaibigan ang nagpapayo saken nung time na yun na magkita na kami; na pumayag nako sa proposal ni Miguel, tutal eyeball lang naman eh, no big deal. Pero saken, BIG DEAL yun, kasi maraming what ifs. Ayoko makita siya kasi baka magkainlaban kami..mahirap na. Baka di nako makapag focus sa priorities ko, baka puro siya na lang intindihin ko. Aside sa madaming flings.. ayoko muna magseryoso.
This is my first regrets.
Disyembre 14, 2007 bandang 1:57 hapon |
ah is she your sweetest downfall?
ouch ito pareng wei..
pero sayang talaga siya…
Disyembre 14, 2007 bandang 2:02 hapon |
sayang nga.. as in.. hahayyyzzz.. pero masya na siya ngaun. Di na nga niya ko naaalala eh… hehe.. kung pano ko nalaman eh alam mo naman, madami akong mata sa kanilang building
Disyembre 19, 2007 bandang 1:39 umaga |
parekoy, tingin ko wais na desisyon yang di mo muna pagpayag na magkita kayo (wala pa kong nakitang pimple treatment na ang effectivity eh parang visine na 60 seconds flawless na ulet)
mahirap na nga, nakakabaliw pag nangyari yon ahead of time. anyway, there;s no use crying over spilt milk… lalo na pag sa tae natapon. relax lang parekoy, take your time. sa plates ka muna magseryoso
Disyembre 19, 2007 bandang 2:03 umaga |
weee~ salamat dudes! tama nga.. medyo gumaan yung lungs ko sa sinabi mo na sa plates nga muna ko magseryoso..thanks ha
Disyembre 19, 2007 bandang 3:08 umaga |
sayang yung chic! dapat nakipag meet ka na..lost opportunity. sige pag igihan mo na lang yang plates mo hehe!
Disyembre 19, 2007 bandang 3:27 umaga |
oo nga eh..karne na nawala pa.. waaaa!!~ peace to all the meats^^
Disyembre 27, 2007 bandang 1:28 umaga |
who0o0w..grand..ang drama ng love story mo.. stock-up ako don… eng’g ka ba or architecture?
Disyembre 27, 2007 bandang 6:39 umaga |
ahahah! archi po mam
Enero 4, 2008 bandang 10:11 umaga |
hmp! miguel pa talga ha… ^^ bading !
Enero 4, 2008 bandang 10:31 umaga |
bading na bading! awww~!wahahah~ mishu pare..^^
Hulyo 25, 2008 bandang 10:31 umaga |
Lagi, nagtatanong ako sa sarili ko kung kamusta na ba yung ka chat ko ngaun na tawagin na lang nating Miguel(oo babae siya. Ang di maniwala, babarilin!) <<<< wahahahaha ganun???
-
wei: oo, ganun nga.. salamat sa pagdaan
Enero 18, 2009 bandang 11:28 umaga |
nakakatawa…habang nagbbloghopping e may makikita akong ganito..pareho pla tau..pareho pla kmi ni miguel na nagkukuwaring boy sa chat..pareho pla tau takot aminin na naIL tau sa kanila kc nga it’s so virtual yet so real..pasensya na nagddrama lng.BH kc..thank you..you just made me realize na it’s time to move on.
Enero 19, 2009 bandang 7:44 umaga |
ehh.. hehehe… yeah..move on na.. daliii!