Grabe, mukang matatagalan na naman bago ko magbabad sa net ng ganito (hehe) so post ko na yung expedition namin ng lolo papunta sa
simbahan ni santo singkong.
>>>Saktong 3:30am nung ginising ako ni angkong. Tamang tama para lang makapagbihis. Okay fine. Hindi pako nakakatulog ng mahaba this past few weeks but I enjoy being awake rather than sleeping so sinamahan ko si angkong.
>>>Hell, ang lamig. Buti nalang pinadala ni inang yung jacket ko kasi daw lalamigin daw ako sa daan. Akalain mo, maynila, lumamig? hahaha! Pero hindi pa rin fresh air pag umaga, ang baho pa rin ng kalsada.

>>>Ayan, santo singkong na kami. Buti na lang konti lang yung tao nung sinimulan ko na ang kahihiyan ko.
Angkong: dito ka sa north. Ayun oh!
Wei:ok. (while holding the incense sick) angkong, nga pala, ano sasabihin ko?
Angkong: Sabihin mo, diyos santo singkong, tuparin mo hiling ko.
Wei: ahh.. di na i-cchinese?
Angkong: ikaw.
O sige, at naghanda nakong lumuhod sa direksyon na sinabi ni angkong. Sincere akong pumikit at sinabi ng MALAKAS yung sinabi ng lolo ko na ganito:
Wei: diyos na santo singkong, ako po si wei.. please grant my wish, please please please…
limang beses ko to inulit ng MALAKAS bago ko narinig ang tawa ng lolo ko. Why?Why like that? I open my eyes to see that chinese guy and his lola looking at me. Patawa na sila. Nakikita ko. Mga shokoy! bat ganun? Tumingin ako kay angkong at nakangiti siya saken. Napatingin din ako sa mga tao at nakangiti din saken. potek!
Parang ngaun lang sila nakakita ng gwapo ah… hahah!
OO na, ang tanga ko. Di naman sinabi ni angkong na hindi dapat sabihin ng malakas noh?
****
Sige eto pa, sayang ang page eh.
Tinatawanan na naman ako ni angkong kasi DI DAW AKO MARUNONG MAGTUPI NG PAPEL. Simpleng tupi lang hindi ko alam? come on! in my case, wala pa yung sense of knowing ko ng ganun kaaga! ang dali nga lang, pero pano kung lumilipad na isip ko nun? hayyy naman… sorry naman. nagpapalusot lang.
Mga Marka: angkong, chinese new year, santo singkong, wei, wishes
Pebrero 10, 2008 bandang 1:22 hapon |
tsk tsk! napagtripan ka ni angkong mo! hehe
wei: ahehehe… ako lang talaga may kasalanan nun.. yung simbahan nila kumakain lang talaag ng tanga ..:D
Pebrero 11, 2008 bandang 5:01 umaga |
santong singkong?? kakaiba yun ah, pde ba makidamy ng wish???
wei: ahehehe..kung ako nga eh..nakapagwish ng malakas eh.. hehehe…
Setyembre 30, 2008 bandang 7:11 umaga |
wahahaha ang bongga wei sarap mong hampasin….if i knw sinadya mo kasi alam mo maraming cute na andun.
kung pumunta ka ulit dun pakisabit mo din ako kay santong singkong.
-
bwahahah~! mga istatwa lang mga cute noh?! at teka.. ako ata yun? lol. joke lang.. sure! isasabit na din kita ^^
Setyembre 30, 2008 bandang 9:10 umaga |
wei, hindi nadadaan sa palakasan ng boses ang pag darasal. anu ka? nagpapasyon?
sorry lumilipad din isip ko eh, wala akong macomment
-
nyahahaha~!! eh kasi, di naman natutupad mag sa isip ko lang eh… hehehe :p
Setyembre 30, 2008 bandang 9:16 umaga |
hehe parang na-imagine ko isang batang paslit na nagwi-wish ng malakas. togoink moment ni wei. hehehe
-
yeah… sarap batukan ng sarili ko..woooh~!
Setyembre 30, 2008 bandang 12:53 hapon |
bwuahahaha… sweet nyo mag-angkong ha..
wow.. na curious tuloy ako sa lugar..
btw, naalala ko tuloy pag nawiwish ko..
“sana matupad lahat ng wishes ko”
nyahahaha mas madali hindi ko na i-isa-isahin pa
\m/
-
hahaha~!! oo mahirap pag isa-isahin mo pa
Oktubre 1, 2008 bandang 5:15 hapon |
hakhakhak!!!
ui bat Pebrero 9, 2008??
-
kasi, sticky post lang to
Oktubre 2, 2008 bandang 9:08 umaga |
ahahaha… napahalakhak ako!!!! buti na lang di mo sinabi ng malakas yung wishes mo…
please, please, please talaga?
parang ang kwela ni angkong mo!!! wala kasi akong lolo eh, di ko na sila naabutan… ahehe, natatawa pa rin ako… naiimagine ko kasi eh
http://anakngpiso.wordpress.com/
-
yeah… nagmamakaawa nako eh.. lol. ^^
Oktubre 2, 2008 bandang 7:52 hapon |
http://alasais.wordpress.com/o-dyip/
Magugustuhan mo ito
Tem-i of Alasais
-
sige..tignan ko mamaya
Oktubre 3, 2008 bandang 11:22 umaga |
chinese k pre?…
lol… hahaha!!!
-
hindi..lolo ko lang
Oktubre 4, 2008 bandang 3:32 umaga |
may lahi ka palang chinese…hmm, mayaman siguro kayo, hehe.
-
hindi dude..promise
Oktubre 4, 2008 bandang 4:56 hapon |
busy ka pa rin?
-
medyo eh.. hehehe…
Oktubre 4, 2008 bandang 6:32 hapon |
gusto ko ngang makilala yang santong singkong? hahaha
chinese-chinese ka pala tsong. haha sa totoo lang hindi ka naman pinagtripan ni angkong kasi hindi naman niya sinabi na lakasan mo pagbigkas sa wisk mo…pero epektib ba yan? natutupad ba talaga wish mo?
peace!
-
lolo ko lang yun pare… step dad ng ermats ko… and yeah..effective..kasi hindi naman ganun kalaki mga hinhingi ko sa kanya.. mababaw lang eh…hahah!~