Mahirap talaga mag jogging. Promise. Nasubukan ko na mag jogging LAST summer nung wala kong mapagtripan samahan dahil pareparehas lang naman yung ginagawa namin: inuman. Ewan ko lang kung bangungot nga ba yung pagsama ko kay Brett o nagkataon lang na boksingero siya at lasing naman ako.
B: Pare, sama ka samen, Jogging tayo.
W: saan naman?
B: sa UP lang tsong… Maaga yun ah? 6am kakalabugin na namin bahay niyo…hahaha!
W: ahh okay.
B: Tara na…
W: huh?
B: jogging na tayo tsong!
W: okay
B: wala ka naman ginagawa dyan eh!
W: oo nga pupunta na!
At dumating na nga ang main event. Nakakaantok (syempre!) na nakakatamad (yown!) dahil 2 hours pa lang ako namahinga. Una, stretches (nga ba yun?) na kami. Okay naman. Asaran lang naman ginagawa namin sabay galaw galaw ng mga buto buto namin.
ROUND 1
Venue: UP
Ang aga sobra! pero tanghali na pala yun…sa kanila.
B: Taena ang bagal mo WEI!
W: pota naman eh!
B: wala pang isang kilometro natatakbo mo!
W: Pota! pano mo nalaman na 1 km yan?
B: Pano mo nalaman na abnoy ako?? ganun lang yun..
W: wooo~
Maya maya…
W: PoooOOOttanngggHHeeEnnnaa!!
B: Kaya pa?
W: ppoOOottaaaaAA!!
Ilang oras pa
W: *hingal..hingal*
B: Nakatatlong ikot nako oh!
W: ooooohhh weeehh aaannnoooo???!!!!
B: itigil mo na kasi magyosi…nakakasama sa kalusugan.
W: Tanngggeennnaaa!! batt yoossii koo naa naammann nakita mooW!
B: wahahah!!! grabe pawis mo oh!
W: oo lumabas na baga ko…
ROUND 2 (Hindi na nadala, may round two pa..)
Venue: UST
W: poot-taaahh!! pooott-taaahh!!
B: Sabi sayo itigil mo na yosi mo eh!
W: Pooottt–tang-Ina yan!
B: Buti kaya mo pa magmura! wahahahah!!
W: paaakk-kyu pa-re! paakk–yu!
B: ayy! hahaha! masama nga yang yosi sa health mo! takbo ba yan?!!
W: o-o, so-brang saa-maa, a-yoko na tumakbo!
B: wag ka susuko! kaya mo yan! bwahahah!!
W: fuuucckk-it-paa-reeHH!
ROUND 3
Venue: UP uli
B: oh! bat ka nag stop??!
*kumuha ng ’sang stick sa bulsa tsaka sinindihan*
B: puta! ang aga aga!
W: pagod na nga ko diba?!! ayaw mo ko mag yosi?!! ayaw mo??? ayan! nagyoyosi nako! wooo~ *sabay buga sa face nya*
B: lasing ka ba?!
W: praning na! uwi nako ah! BYE! *takbo*
B: KALA KO BA DI MO NA KAYANG TUMAKBO?
W: KAYA KO PAG MAY YOSI! WAHAHAHAHAAH!! GEH TSONG! WOOO~
B:GAGOOO!!
W: UNGAASSS!!
Mayo 3, 2008 bandang 10:11 umaga |
wei ok lang naman mag-yosi eh, wag lang sobra~ =) ibalance mo bisyo at exercise para aus~
-
waaa!!lizzz!!!! the problem is, di ko kayang i-balance lahat lahat.. haha! salamat sa pagdaan liz! =)
Mayo 3, 2008 bandang 10:16 umaga |
hahaha. lupet! di ko din kayang bitawan ang sigarilyo. pero..
tara, jogging tayo sa uste, ung kainitan sa tanghali, pagtapos nating uminom sa mayric’s para mukha tayong timang. hahaha. joke lang.
-
wei: wahaha! game!
Mayo 3, 2008 bandang 10:39 umaga |
member ka rin pala ng sunog baga gang? hehehe! tama yan… itigil ang jogging kasi nakakasama sa bisyo. hehehe!
-
ehehehe..binabalak na nga namin magtayo ng org sa school para ‘isulong’ ang YES smoking policy kahit sa tinoco park lang..hahah!
Mayo 3, 2008 bandang 11:34 umaga |
masarap magjogging pero mahirap gumising ng maaga…ahahah…
punta ka d2 laguna dun ka magjogging sa lake para makita mo yung pugot na snow white…:)
tagal mo bgo nakapagpost ulit ah..
musta ka nmn???
yosi yosi yosi break:)
-
okay na…masaya na..and yes1 masya pako mag yosi..bakit ko ititigil? =)
Mayo 3, 2008 bandang 12:07 hapon |
masarap naman mag jogging pero yoko ng umaga katamad…kaya pala tagal mong walang bagong post..hehh
oi update mo ako sa blogroll mo ha
-
yep..update ko na..bakit ka naman kasi umalis pa? LOL.
Mayo 3, 2008 bandang 2:04 hapon |
Hala. kaya pla lagi ka hinihingal pag nag aanu, tsk tsk tsk. bad yan sa health, mahirap mag-alaga ng may emphysema tsaka COPD, naku nman papahirapan mo nman ako pagtanda natin. natetense tuloy ako, bili mo nga ako isang stick.
-
matagal pa naman yun..tsaka alam ko namang di tatagal buhay ko noh? hehehe
Mayo 3, 2008 bandang 2:58 hapon |
dati, nagyoyosi rin ako. buti na lang naitigil ko nung nasesense ko na papunta na ako sa dependency.
mahirap talagang mag jogging ‘pag 2 oras lang ang tulog. hehe
-
wow! buti ka pa na sense mo… at oo ang hirap nga gumising pag idlip lang yung ginawa mo =)
Mayo 3, 2008 bandang 8:31 hapon |
wei lika, dito tayo sa may amin mag jogging; mas masarap ang tanawin dito at may beer sa goal, hehehe
-
waaa!! sa germany naman yan eh T__T pero di bale..makakarating din ako dyan tapos mag ja jogging para may prize naman yung goal =)
Mayo 4, 2008 bandang 12:24 umaga |
matagal-tagal ko ng inaasam-asam ang ang pagjogging eh.
matagal na nung last ako nakapagjogging.
ewan ko n lng ngaun kung kakayanin ko pa. hahaha!
sa tingin ko okey lang nmn yang yosi wag lang sobra at ke aga aga. hehhe
WapaK!
-
inasar ko lang si brett,. badtrip kasi yun eh..hahaha! kelan naman yung tagal na yun?
Mayo 4, 2008 bandang 5:56 umaga |
Minsan gusto mag-jogging pero inuunahan ako ng katamaran. Sige mag-yosi ka lang, wala kang maririnig sa akin.
-
yey!!! friend na kita =)
Mayo 4, 2008 bandang 6:24 umaga |
Sanayan lang yan! Tara magjogging!!
-
oo, sanay nako mag yosi =)
Mayo 4, 2008 bandang 8:00 umaga |
ingat sa pagjojogging tuwing umaga sa peyups ha.. maraming ano dun.. alam mo na.. haha!
-
ayy hehehe.. di nako mag ja jogging..di ko na babalakin uli =)
Mayo 4, 2008 bandang 1:57 hapon |
oi masama sa health yan..
ang bata mo pa para mamatay!
sabi dito sa hawak ko: SMOKING KILLS! ewan ko ba! tinatakot talaga nagyoyosi pare, dati kasi SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH LANG! ampt!
Mayo 5, 2008 bandang 4:07 umaga |
mahirap na nga gumising sa umaga, mahirap pa tumakbo. hehe! kaya yan wei! bawasan na kasi yosi para hindi nauuna yung baga mo sa paa mo. hehe!