Imma grown up kid now.
Nagbabackread ako ng mga post ko simula 2007 and beyond at nakita ko mga pesteng antics ko, mga walang kakwenta kwentang kaemohan at mga worries ko. Halos pulutan ko pala ung school, tas side dishes ko yung mga adventures ko sa labas ng bahay. Hahaha.
**********
I told my grandma that I will go to the non-territory of my family, which is Pampanga (as in wala kami kakilala dun) for an interview, at nung natanggap, kinilig ang pwet ko.
Op course, sure ball na bagong buhay ako dun. Para lang akong nangibang bansa na malayo sa family and friendships pero nasa Pilipinas pa din. I set aside my worries, kasi brave boy nako eh. Kaya ko na mag isa (hahahaha!)
Sa dalawang linggo kong tinagal dun, I think you should congratulate me: Marunong nako magsaing! Yeah!!!!di nako nakakasunog ng kaldero!!! At dahil dyan, narealize ko ung value ng kanin at lalo kong naging idol ung mga marurunong sa kusina.
And I’m thinking of my mom everyday.
-As in, Pag nagluluto ako ng prito at pag nagsasaing, lagi ko naiisip:
Shet! Parang masarap kinakain nila ngaun ahhh!
Namimiss ko na din siya awayin at namimiss ko na din ung times na pagkagising ko, may pagkain na agad, ready to serve my tummy.
Pero olats, nakakaubos ng oras magluto, magsaing, mag init ng tubig et al. Bonus na lang na mapapagod ka sa task mo sa bahay na akalain mo nga naman, 9am ang pasok ko pero 6am ako gumigising. Kamusta naman un?
Pag uwi ko naman,7:30 na magkakatubig kaya ayun, waiting in vain ako sa tubig. Minsan, tambay lang ako sa labas para pag uwi ko, makakahugas nako ng pinagkainan at makakapag saing ulet.
Sorry naman, di ko pa alam kung san pinakamasarap at malinis na karinderya eh. Medyo madaming arte ung tyan ko kaya hinahanap ko talaga yun…. At dahil wala pako nahahanap, eh tyaga tyaga muna ko sa mga prito kong canned goods. Haha!
I also learn how to budget and value money.
Dati kasi, splurge lang ako sa load at sa food and stuffs eh, walang basagan kung gusto ko tumawag ng regular load diba? Haha. Tsaka konting bawas lang ng pera ko sa wallet ngaun eh iniisip ko na kung makakauwi pabako during weekends pag gumastos pako. Paranoid lang.
And every weekends, lagi pala ko may baong pasalubong na labahin para sa nanay ko. Mahirap din kasi na magpalaundry dahil charge it to my classmates’ experience, she lost a lot of clothes nung nagpalaundry daw siya, kaya tyatyagain ko na lang din magbitbit ng labahin.
And don’t tell me to wash it myself huh? Mataas pa pride ko. Haha. (may automatic washing machine naman kami sa bahay so bakit hindi ko gamitin?)
So there, yan palang ang kaya ko. Next step, I’ll find a friend na pwede kong gawing tour guide sa Angeles
You’re back beybeh! I missed you! At nasa Pampanga ka na! ASTIG!!! Malapit na yan ng konti sa amin! Hahaha!
Malapit ka na bang mag-asawa? Natatakot ako sa pagkatuto mong magsaing e. LOL.
hahaha… hindi pa..di pako marunong magluto ng adobo… prito lang.tsk..talaga?mga ilang oras byahe? para dyan na lang ako makikain… hahahahaah
nakakatamad pala talaga magluto
Naalala mo nung bata pa tayo (ahem, ahem) sabi mo matututo ka lang magsaing kapag mag-aasawa ka na!!! homaygoodness! LOLOLOL
di ko alam ilang oras, pero malapit na yan, ahahahaha.
http://wvines.wordpress.com/2008/07/25/pag-mag-aasawa-na-ako/
naman…nako patay..malapit na ba ung mangyari????!!! wahhh… parang kinabahan na din ako ah. LOL. as of the moment, wala naman ako lovelife dito… at wala pako balak… wahhhhhh~!!! bata pa din tayo, tumanda lang tayo ng isang taon. ahahahha kakaiyak
welcome to the real world pre! masaya yang bagong experience mo. madami kang matututunan. haha!
medyo masaya at mahirap… at nakakatamad..lalo na ung luto luto?? nakow… hahahah..