share a payong win a friend

Mayo 13, 2008

Umuusok na yung uhog, plema at sipon ko sa galit nung nagising ako na walang kuryente kahapon. Na discharge na yung cp ko lahat lahat tapos strike pa! Eh may pasok ako kinaumagahan at nasa Bulacan pako! Siguro, kung pinili kong mag stay in sa bahay ng lolo ko sa Maynila para magbayad ng dalawang libo sa aircon uli eh mas pipiliin ko dun: Kesa naman mahirapan akong sumakay.

At dahil strike nga, hirap na hirap ako na sumakay papuntang Cubao. Nawalan na rin ako ng kasama kasi may pupuntahan siya kaya di na niya ko sinamahan mag mall tour sa gateway. Loner na naman ako.

At dahil strike nga, nakisabay nako sa mga naglalakad mula Farmers hanggang Macro. Konting lakad na lang makakapag mall tour na naman ako sa Megamall. Mabuti na lang na insert ng nanay ko yung payong niya dahil ang lakas ng ulan.

At DAHIL malakas nga ang ulan, hindi ko naman matiis yung katabi ko na hindi alukin ng payong DAHIL nga palakas ng palakas ang ulan.

W: Kuya, payong ho oh!

J: Salamat.

After long minutes of waiting:

J: Taga saan ka ba? Ano ba yung hinihintay mong sasakyan?

W: Esem Perbyu ho.

J: Taga manggahan ako.

W: Gusto ko na pong umuwi.

J: Kung gusto mo, sakay ka na lang papuntang Quezon ave. Marami dun!

W: Hindi po ako marunong sumakay eh…Baka lumagpas na naman ako…

J: Sige sasamahan na kita.

Sumama na nga ako. Kesa naman magpakatanga na lang ako dito at pagkamalan akong callboy, mas trip ko na lang sumama dun kay Kuya. Hindi naman umandar yung ‘radar’ ko sa kanya na baka ‘pagsamantalahan na lang yung katangahan ko sa byahe’ kaya feeling safe and secure naman ako.

W: magkano ho ba yung pamasahe?

J: 8 lang…ako na magbabayad. (sabay bukas ng coin purse na madaming coins)

W: Ahh sige kayo na nga lang…hehe

Nakarating na kaming Quezon Ave. Konting lakad lang at nakita na namin na madaming pasahero ang gustong sumakay… Syempre pa, para pamatay oras eh may konting chitchat din ang naganap.

J: Ano ba kasi ginagawa mo sa Cubao?

W: Summer po.

J: eh san ka ba talaga Nag aaral?

W: Sa U** po… Archi yung kinukuha ko.. eh kasi necessity din na kailangan namin matutong mag cad, nag summer po ako dun.

J: Ahh… pagpatuloy mo lang yan….yayaman ka talaga dyan.

W: talaga? eh puro pahirap nga po nakukuha ko eh.

J: haha! ganyan talaga…Bago ka yumaman, kailangan mong magpakahirap sa course mo ngaun. Bat hindi mo txt nanay mo?

W: Brownout po kasi kanina, discharge na cp ko pagkagising ko eh.

J: Alam mo ba number ng nanay mo? Tawagan mo na lang sa cp ko..

W: sige po..

Tinawagan ko na nga yung nanay ko. Nalaman ko na lang, nasa Maynila pala ang nanay ko! pota! Kung may cp talaga ko edi sana, nag SRT na lang ako hanggang Recto! Putangina talaga…. heniway, tuloy ang kwento.

Nagulat ako kasi pinahiram niya cellphone niya saken na 3G. As a complete stranger, no one will ever dare to share his cellphone to me. Nakakapagod nga talaga maghintay ng sakayan kaya nag aya si Kuya na mag MCdo na lang… na libre niya.

W: eh saan po kayo nagtatrabaho?

J: sa mercedes benz ako. Ako yung receptionist.

W: wow! talaga? benz po? Gustong gusto ko nga ung carshow sa world trade eh! kasama ko tito ko pag pumupunta ako dun!

J: haha! talaga? sa world trade nga kami nag ka carshow…pero di ba may bayad yung entrance dun?

W: Si tito na po nagbabayad. Pag nakatitig nako sa isang auto, sasabihin ni tito: “oh tama na uwi na tayo!”

Madami pa kaming napagkwentuhan. Karamihan eh all about me. Okay naman yun compare sa fries, nuggets at burger at sopdrinks na libre niya. Na kwento din niya yung tungkol sa trabaho niya, kung ilang taon na siya at kung pano siya nagpakasaya sa buhay binata niya bago siya mag settle down.

J: hahaha! Sa susunod ah… wag ka basta basta magtiwala kahit kanino. Pano na lang kung lokohin ka?

W: *smile na lang habang sumusubo ng fries*

J: Edi sa may Noval na uwi mo? eto bigay mo sa nanay mo, para di siya mag alala sa mga sinasamahan mo…

W: *kinuha ang calling card* naks naman kuya! ang ganda ng card! tatak benz!

J: haha! Pag nagtrabaho ka na, mas astig pa magiging card mo… Wag ka muna mag aasawa pagtapos mo…

W: opo naman!

Hinatid pa niya ko sumakay papuntang Noval. Nagpasalamat ako habang di pa tumatakbo ung sinakyan ko.

J: Pag yumaman ka na Wei, tsaka mo na ko ilibre…

W: Salamat po!! *with matching kaway kaway pa*


RUN! for your life!

Mayo 3, 2008

Mahirap talaga mag jogging. Promise. Nasubukan ko na mag jogging LAST summer nung wala kong mapagtripan samahan dahil pareparehas lang naman yung ginagawa namin: inuman. Ewan ko lang kung bangungot nga ba yung pagsama ko kay Brett o nagkataon lang na boksingero siya at lasing naman ako.

B: Pare, sama ka samen, Jogging tayo.

W: saan naman?

B: sa UP lang tsong… Maaga yun ah? 6am kakalabugin na namin bahay niyo…hahaha!

W: ahh okay.

B: Tara na…

W: huh?

B: jogging na tayo tsong!

W: okay

B: wala ka naman ginagawa dyan eh!

W: oo nga pupunta na!

At dumating na nga ang main event. Nakakaantok (syempre!) na nakakatamad (yown!) dahil 2 hours pa lang ako namahinga. Una, stretches (nga ba yun?) na kami. Okay naman. Asaran lang naman ginagawa namin sabay galaw galaw ng mga buto buto namin.

ROUND 1

Venue: UP

Ang aga sobra! pero tanghali na pala yun…sa kanila.

B: Taena ang bagal mo WEI!

W: pota naman eh!

B: wala pang isang kilometro natatakbo mo!

W: Pota! pano mo nalaman na 1 km yan?

B: Pano mo nalaman na abnoy ako?? ganun lang yun..

W: wooo~

Maya maya…

W: PoooOOOttanngggHHeeEnnnaa!!

B: Kaya pa?

W: ppoOOottaaaaAA!!

Ilang oras pa

W: *hingal..hingal*

B: Nakatatlong ikot nako oh!

W: ooooohhh weeehh aaannnoooo???!!!!

B: itigil mo na kasi magyosi…nakakasama sa kalusugan.

W: Tanngggeennnaaa!! batt yoossii koo naa naammann nakita mooW!

B: wahahah!!! grabe pawis mo oh!

W: oo lumabas na baga ko…

ROUND 2 (Hindi na nadala, may round two pa..)

Venue: UST

W: poot-taaahh!! pooott-taaahh!!

B: Sabi sayo itigil mo na yosi mo eh!

W: Pooottt–tang-Ina yan!

B: Buti kaya mo pa magmura! wahahahah!!

W: paaakk-kyu pa-re! paakk–yu!

B: ayy! hahaha! masama nga yang yosi sa health mo! takbo ba yan?!!

W: o-o, so-brang saa-maa, a-yoko na tumakbo!

B: wag ka susuko! kaya mo yan! bwahahah!!

W: fuuucckk-it-paa-reeHH!

ROUND 3

Venue: UP uli

B: oh! bat ka nag stop??!

*kumuha ng ’sang stick sa bulsa tsaka sinindihan*

B: puta! ang aga aga!

W: pagod na nga ko diba?!! ayaw mo ko mag yosi?!! ayaw mo??? ayan! nagyoyosi nako! wooo~ *sabay buga sa face nya*

B: lasing ka ba?!

W: praning na! uwi nako ah! BYE! *takbo*

B: KALA KO BA DI MO NA KAYANG TUMAKBO?

W: KAYA KO PAG MAY YOSI! WAHAHAHAHAAH!! GEH TSONG! WOOO~

B:GAGOOO!!

W: UNGAASSS!!


double dead

Abril 27, 2008

walang wala akong karapatang umatungal ngaun. Dati naman, nauubos namin ang six hours sa harap ng pc para lang kausapin ang isa’t isa. Dati nakong naging ‘apple of the eye’ nya dahil mas pinili niya kong kausapin kesa sa ibang nagpapansin sa kanya. Maski mga kaibigan ko, sawang sawa na sa kaka listen saken. Sorry naman, may chapter two kasi na naganap. Badtrip din, dahil ‘pinasalo’ niya ko sa barkada niya.

-

-

-

Mabuti na lang, may bago akong kausap…wahaha! I need beer… at siya napagtripan kong kausap. Okay ba yun? hernz?

-

wala ako sa mood ngaun. Praning na…


Art Zubiri

Marso 20, 2008

I almost forgot na meron pala akong ni promise kayMr. Val Zubiri, ang i-post ang kanyang links tungkol sa mga nude art and he want to share his art sa aten. Click lang ng click ng mga links dyan :D

setInterval(“setDateTime()”, 1000);

Thursday, March 20, 2008 | 20:48:30
You Last Forwarded on Tuesday, March 18, 2008 | 02:31:57

IP : 207.181.234.108

From : vzubiri334@aol.com
To : woomail.com/wvines
Post Date : Monday, March 10, 2008 | 03:58:10 AM
Sent from : landing page
Subject : hello from val zubiri
Reply Forward

Dear Anggulo, medyo formulaic itong sulat ko, cut and paste na lang muna, i’m just targetting some bloggers pero feel free to email me. xxxxxxxxxxxxxxx Medyo may good news ako, I want to share, but i don’t know how. I’m gay, in Chicago, and I’m also an artist. I made an ebook of my drawings, and on scribd.com in less than 30 days, naka-garner ako ng 500 plus visits, at the same time, yung rapidshare.com account ko also got 500 downloads, not to mention other websites are also sharing the file, so medyo marami ang nakakakita na ng art ko. Struggling artist pa rin ako, unfortunately, pero I’m trying to be out there. Can you mention me in your website and share this with your visitors? Bahala na kayong mag-spin. Salamat. I’m just happy, I don’t know if this is good news, especially, for Filipinos who want to pursue art. And once again, I’m gay. I think it’s important to be visible to push gay rights. Ito yung scribd.com link… makikita ninyo yung number of views has passed 500 and it keeps increasing.

 links

ito naman yung link to the rapidshare download.

link

Val Zubiri hindi ako kilala ng mga senator, i get a lot of that, pang showbiz lang ako lol. xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


signing out

Marso 1, 2008

At dahil mamamatay na naman ang blog ko ng mga ilang araw due to the sleepless hours of doing our final plates, reviewing our pakening lessons, and inuman sessions after our finals; I am satisfied sa nangyayari sa diary blog ko ngaun. Hindi ko kailangan nang blog stats o hits o kahit ano (wooo plastik! :lol: ), masaya nako dahil na insist ko na rin ang pagtatapon ng pera sa dota. Masakit sa bulsa yun noh? At least, pag blog lang na mga katulad nito, pwede ko siya i-open sa library o kaya tuwing computer lab namen.

At dahil wala din akong pambili ng mga babasahin(hindi porn mag ah?) sa bookstore, nag enjoy naman akong magbasa ng mga informative, true to life stories (o kahit gawa gawa lang) ng mga tao sa net.

Sa mga nagccomment dito sa blog ko tsaka sa gagitos, thank you. Pinapaligaya nyo ang araw namin :D (nagdrama? nyahahaha!)

geh, goodluck na lang sa buhay buhay…

wei, signing out m/


sumsakit ang panga ko! waaa~

Enero 6, 2008

pict0404.jpg

sumasakit ang ngipin koW!!! huhu…

Anong kinalaman ng picture ko ngaun sa post ko? easy. I can’t smoke well. Nagrereklamo na ang ngipin ko sa pinagagawa ko sa kanya for the rest of 3 years. Ang sumasakit lang naman talaga eh yung temporary pasta na hindi ko na pinapermanent due to kamahalan (800php) sa ever peborit kong dentista. Masakit, hindi lang yung ngipin ko kundi pati lalamunan ko. Parang may nakabarang yosi sa pagitan ng ngala ngala at bituka ko. (ilan kayang yosi yun?! wehehe)

Matagal ng naglalabas ng plema ang gums ko simula nung putukan. Hindi naman ako inuubo. Pero paggising ko, parang nagrready ng lumabas yung mga plema sa bunganga…badtrip. ano ba to? kailangan na bang magpatingin sa quakquak? nyemas… prelim week pa naman next week….


empty

Disyembre 25, 2007

ginising ako sa umiiyak na utol ko pala. Sinabi niya na namatay na pala ang boypren niya sa text… akala niya kakampihan ko ang kalandian niya pero nooo~ i stated my reasons why I laugh at her and she told me”di mo kasi kilala eh!” ..pero patuloy ang pagtatalo. Di ako nagpatalo kaya umalis siya. Di ko alam kung saan siya pupunta. Nabagabag ako sa ginawa niya dahil nabulabog na naman ang tulog ko. Taena. Pustahan pang malupit.. buhay pa ang gagong yun.

Inaya ako ng pinsan kong emoW na manood ng nakakapahindik balahibo ay!! nakakatawa pala na shake rattle en roll. Pers time ko sumali sa standing obation sa loob ng sinehan. Di ko kasi gawi na manood ng pasko eh…kaya ayun, naupo na lang kami sa maduming pasilyo ng esem. Mas natuwa ako sa pangsasadista sa mga viewers kesa sa manood ng shake en roll…

  • natapunan ko yung dalawang lovers in sinehan na katabi namin sa may pasilyo. Hindi ako nagsorry because they don’t deserve to have my ’sooorrryyy’. Ilang beses akong pinaringgan ng babae na may gusto ata sa aken…. Literal na spoiler ang ginawa ko kaya paglabas ng sinehan, tinwanan namin sila.
  • Ilang beses kaming pumila ng pinsan ko para sa ticket at sa pakening na popcorn na yan. Bakit ba kailanagan pumila kung pwede sumingit? ayon..dinaan sa ‘charms’ si ate na mukang may anak na kaya pinasingit naman ako. Turns out, it cost us 150 bucks para lang sa isang popcorn at dalawang can ng sopdrinks. hanubayannnn….!!
  • Natapunan ko naman ng popcorn ang isang babae na nagmamadali ata jumingle. Pasalamat siya popcorn lang kasi yung sopdrinks ay para sa couple na katabi namin kanina. katulad ng couples, hindi ako nag sorry. Siya may kasalanan eh..malay ko bang nagmamadali siya?!!
  • Dahil walang stable na mauupuan, nagpalibot libot kami ng pinsan ko hanggang sa makahanap ng pwesto. Nakatayo kami nun nung may sumigaw na: “excuse mee”..hindi ako tumabi…bahala silang tumabi… haha!
  • nakaupo kami bago magtapos ang palabas. Sa pagupo namin, nandun pala kami sa tapat ng aircon..hassle.. parang kinarma ako sa ginawa ko sa naunang mga characters.
  • Paglabas namin, na feel ko yung natuyong sopdrinks sa paa ko. Pota..kakabili ko lang ng tsinelas nabasa na?!!
  • Hindi ko naramdaman na may bits pa pala ng popcorn at piknik ang bunganga ko. .nakita ko na lang ito nung nakapasok nako ng restroom.

Umuwi kami ng masaya..at busog. Ok nako sa popcorn at sa starbucks at sa konting tawa na nakuha ko kanina. Tama din ang hula ko: niloloko lang siya ng boypren niya. Sayang ang luha…napahiya pa siya. (utol)


A message to wei: from an oyaye member

Disyembre 21, 2007

=blue= Says:
December 21, 2007 at 9:26 pm e….ayee!! danun kah nah vah ka keen obsErver pwah lhat ng maLiit nah bgay npapanzin mOh?? whoah!! eh anOh naun f danUn un way ng pag chat or pag ask nG tnUnG nUng mga oyayerz?? is dEr anY law which sates nah mLi un way nG pagchat nla?? i saLute u bro!! sobwanG perfEctiOnizt kah which is unUxuaL s isanG bOi..ooopzzz!! wEl, 4 ur info ndi pah nauzO ang oyaye..uzO nah un vah noh!! heller!! ancient tYmz kah vah pnanganak?? Lolz….ahaha xgeh LnG pagpatuLoi mOh lng yan…im xur dadami commenT d2…waahhhhhhhhh!!!! nEwEiz, bwt dun s hEar broken…buti nmn npanzin mOh!! ahahah npanzin q din yan eh un ntnUng yan..i gez ndi nmn cguwoh ipinanganak nah bobO un mga oyayerz dvah pwah ndi mgetz un kOnek nG heart s hear broken….maz bobo kah pah ytah s knila eh…mukang d moh aLam if anOh un tRend naUn..or bkah ndi mOh lnG mgetz un cnsvi nLa??uyyy amininin..ndi kah mkrElate noh?? …ahaha (lhat nG ito ay pwang kakagUhan lng..don’t take dz peRzonaLLy…naaaLiw LnG aq s site nah toh…kakawindanG!!)….tenchue!!

Di pa umiinit ang post ko dito, may i-ppost uli ako. Sa mga di nakakaalam, kasabwat din ako sa account na yun.. meaning, tinira ko din ang oyaye sa gagitos kaya doble doble ang tawa ko kanina. Di ko yan maintindihan eh…pero para sa ikakatahimik ng kaluluwa ko, matiyaga ko na siyang binasa….at hahatiin ko ang mga typo niya para ma lessen ang head ache.

….ayee!! danun kah nah vah ka keen obsErver pwah lhat ng maLiit nah bgay npapanzin mOh??

-kaya nga ‘keen observer’ eh.. need to explain more?

is dEr anY law which sates nah mLi un way nG pagchat nla?? i saLute u bro!! sobwanG perfEctiOnizt kah which is unUxuaL s isanG bOi..ooopzzz!!

Wala.But take note, words are created for communication..not just TYPING words for your own STYLE. And what about being a boy? unusual ba? haha! O ngaun mo lang nabasa/nakita manlait ang isang MALE NA Katulad ko?

wEl, 4 ur info ndi pah nauzO ang oyaye..uzO nah un vah noh!! heller!! ancient tYmz kah vah pnanganak??

haha! binasa mo ba talaga ang post ko? o scanned lang? Oyaye talaga pinagtripan ko eh, medyo effort pag naghanap pako sa kung saang lupalop ng site. Kung sa SMS lang ( o texting); for sure ..madami! pero tulad nga ng sabi o sa post ko, naiintindihan ko naman yung sa SMS, kasi may characters na hinahabol..pero sa internet…? hell no. Unlimited ang characters at spacing dito kaya don’t give me such lame answer..ok?

im xur dadami commenT d2…waahhhhhhhhh!!!!

oo..dumamai nga.. and look1 sumikat ka pa sa blog ko…:)

.i gez ndi nmn cguwoh ipinanganak nah bobO un mga oyayerz dvah pwah ndi mgetz un kOnek nG heart s hear broken….maz bobo kah pah ytah s knila eh…

hmm hindi pinaganak..pero na-insert ang kabobohan dahil sa environment na ginagalawan nila. And what about hear broken? we can define it as ‘deaf’ ..

.maz bobo kah pah ytah s knila eh…

di naman..haha! mas gago din ako sa inyo.

mukang d moh aLam if anOh un tRend naUn..or bkah ndi mOh lnG mgetz un cnsvi nLa??

ahh tagal na yang trend..simula ng mapadpad ako sa YM chat, talamak na yan. pero mas napansin ko KAYO eh.. kapansin pansin.. and why should I care to read YOUR post? dun sa oyaye?why should I care to read THEIR MESSAGE kung eyesore aabutin ko? better put it in a blog miss..then make fun about YOU.

lhat nG ito ay pwang kakagUhan lng..don’t take dz peRzonaLLy…naaaLiw LnG aq s site nah toh…kakawindanG!

na amuse din ako…kaya ang dami ko ng post about sa oyaye diba? pero walang tatalo sa comment mo.. joan; kailangan ko talagang basahin kasi message mo saken to eh.. sayang naman kung pagtatawanan lang kita sa malayuan.. hehe


Paskuhan: ilang oras na lang paskuhan na!

Disyembre 19, 2007

Palapit pa lang ang paskuhan.. ilang oras na lang magsisimula ang paskuhan na yan.. Kailangan matapos na tong research ko para wala na kong problema sa pasahan. Akshali, eto na lang problema ko: research na lang.. haha! niyayabangan ko nga kaninang umaga mga classmates ko na tapos nako mag render ng dalawang perspective…tapos  research na lang talaga kulang kaya andito ako ngayon sa harap ng pc: nagbblog. :)

paskuhan 2006

Mamaya, di ko alam kung kanino ako sasama. Kalat kalat ang barkada eh. Haha! Pero lahat sila may ka date. Kung hindi ka date, di ko na alam ang tawag dun. Mabuti na lang, may dalawang pasmadong kaluluwa ang naawa at sasamahan daw ako sa paskuhan.. Si akda na taga accounting at si Lou na utol ko.. sana nga maisip nila yung promise nilang yun kasi di ako pinatulog (ng utol ko) at tumabi pa saken ang hinayupak!

Sana nga matuwa ako sa paskuhan na to. Di ako nasiyahan sa mga christmas tree nila na mukang cone lang ngaun sa malayo, halatang tinitipid.Sa gabi, mukang bakanteng lote lang ang school kasi sinasara nila everynight ang mga ilaw–hindi katulad before na mas mayabang pa saken kung magbukas ng magagarbong ilaw. In fairness my spotlight ah?! sino naman kaya ang iniilawan nila dun?

Ilang oras na lang paskuhan na… woooo~ inuman muna sa mayric’s bago ang lahat para naman hilo hilo kang makiki party sa kanila.

Pota, 10:34 am na.. wala pa rin akong research. hahayyzz

(p.s. yung pic na yan eh hindi aken. Sa kaklase ko yan.. nihiram ko lang ^^)