sometimes…not.

Pebrero 25, 2009

I got a busy life that I almost forgot my own life…here. I have so many extra curricular activities that’s why I look like a 20 yrs something na. Madaming nakakairita, nakakatuwa at halo halong emosyon sa loob ng 30 minutes at nakakalimutan ko na magpost dito dahil wala naman nako pc sa Maynila. Nakakastress pa yung environment sa bago naming apartment. Hell, I just wanna quit  but I have to move on. Why? kasi ang yabang ko. Ganun lang yun.

eniway, ni-tag ako ni akda. at nuel  Tama na ang drama.

Rule : List down ten things about you. Nine should be true and one should be bluff.

1. Malandi ako. 

2. pag gusto ko, gusto ko. Pag ayaw ko, wag mo na pilitin

3. Mahilig sa chocolates and icecream

4. Hate the flowers

5. bading ako! bading!

6. Minsan masipag

7. minsan tinatamad

8. minsan cute

9. minsan gwapo

10. minsan pogi

ok game! makahula dyan may kiss! hahaha!


do you know him?

Pebrero 14, 2009

Malupit ang tatay ko totoo lang. Simula nung naaksidente siya nung grade 1 si wei, dun na nagsimula ang paghihirap ng pwet ko everytime na may nagagawa akong mali o kaya, pag may nangyaring pag aaway, iyakan, kurutan ng mga pinsan at utol ko nung mga bata pa kami. Syempre, ako ang panganay na apo sa lahat eh, kaya responsible dapat ako pag may nangyayaring iyakan nung unang panahon.

Dati naman, nung hindi pa naaksidente ang tatay ko, laging customize yung laruan kong trak trakan at bus. Mechanical Engineering ang natapos ng tatay ko kaya naman, puro scale model yung mga laruan ko nun (1:10 ata) .

Pag nag aaway kami ng erpats ko, bawal ako sumagot. Eh syempre, knowing na pag hidi ako sumagot, mapapalo din ako kaya sagot ako ng sagot sa kanya.LOL. highschool na nung natutunan na namen magmahalan. Ewan, siguro, kung hindi ako gagawa ng peace treaty eh kelan pa? Gusto ko din makilala ang tatay ko kasi ayoko matulad sa ibang anak na dinala yung mga palo ng tatay nila hanggang sa tumanda na sila.

Pang MMK ang drama ng tatay ko noon at hindi ko na lang sasabihin dito dahil hahaba na naman ang poste ko ngaun. Wag na.. tama na… dati pang kwento yun na pag binabalikan ko lagi, parang ayoko na makita yung tunay kong lolo. Basta hayun.

Malalaman mo na masama loob ng tatay ko pag nanahimik na at one liner lang yung sagot niya. Masaya naman ang tatay ko pag nakikipagbiruan sayo. Dapat nga lang, alam mo yung limits mo, ayun.

Maliit lang kaligayahan ng erpats ko kaya siguro, love na love siya ng mga sisterette niya and they stay close together. Minsan, di mo na kailangang mag pa impress pa dahil impress na siya sayo. Hehe, anyhoo.. wala pa naman sa mga barkada ko ang nakakita sa kanya kaya pag isa ka sa mga ininvite ko na makita tatay ko, It will mean that youre special. (bwahahaha!!)

Syempre, kung kilala ko tatay ko, dapat kilala din niya ko. Kaya nga wala akong tinago sa kanila eh. Im bad and they know it, wag lang nila isusumbat saken yun at makakatikim sila ng sikreto saken. Haha!

pangatlong birthday na niya ngaun na hindi namen siya kasama. To you erpats, I’m missing you na! :D


first and last

Enero 17, 2009

Kagabi, di ako nakapasok ng bahay! Basahin ang karugtong nitong lahok »


filthy story teller

Enero 4, 2009

Bwahahaha! It’s good to be bad.. wala lang.. listahan lang to nga mga nakaka iritate saken ngaun ngaun lang. Hehe.. Basahin ang karugtong nitong lahok »


H.N.Y.

Enero 1, 2009

New year’s eve, bigla akong trinangkaso pagkagising na pagkagising ko. Siningil na siguro ako ng mura at gwapo kong katawan sa mga kalokohan ko. Siguro din, na feel na niya na malapit na naman magpasukan kaya nag tantrums na siya.

‘time first! the whole year, di pumupunta mga germs saten kasi sabi mo nga, you need a healthy gwapo body para lang sa mga plates mo, sa paglalakwatsa mo and everything! pagbigyan mo nako kahit newyear lang!’ –> sabi ni katawan

Okay payn. Kahit naman di ako pumayag eh sinaktan mo na ang leeg ko. Ano pa ba magagawa ko diba? Ok lang din na tumayming na ko sa new year kasi, di ako mautusan nila ermats na bumili ako ng mga ingredients sa noche buena. Ayos lang din yun kasi naki new year samen si bitch tita kaya kahit pano, di ko siya ganong nakita. Nag tantrums lang ako when I receive the invitation from ‘A|X’ that I can come over to their house, watch movie at kumain ng niluto niyang ulam. As patay gutom, gusto ko talaga pumunta sa kanila. Gusto ko ng bagong environment pag new year, hindi puro nasa bahay lang ako at nagpapaputok na lang. I think I’m old enough to join my friends after mag celebrate ng new year diba?

Pero hayun nga, naging reason na nila bergee (ermats) at bal (tatay ko) na may sakit ako. At new year, baka mabaril na lang ako sa may kanto.

Syempre, disappointed ako. Ngaun na nga lang mag aaya eh… ahuhuhu

And what did I do? i just sang Narda of kamikazee with a growling epeks… wahahaha!! kakaines… di bale… gagaling din ako! gagaling din ako!!!

Anyhoo… Kulang na lang, hilahin na namen ng mga classmates ko ang oras kasi malapit na naman magpasukaaann!! ahuhuhu…Makikita mo na lang sa mga stats nila na: can you stop the time with a sad face, madami na namang gagawin, beat the deadline, and ayoko pa pumasok! – hahaha! Mga classmates and friends, galingan pa naten this sem! Dahil sa panahon ngaun, bawal ang bumagsak!


snores get T-H-I-S

Disyembre 27, 2008

oh well, tapos na pag eemo ko… (not again?!mag emo ka na lang wei..bagay! haha) The emo days are over! I can spell S-H-I-T backwards and ruin somebody’s life for fun! bwahahahaha!!! Di nga ako epektib mag soldier or sumali sa mga pa kontest ng bulaga kasi lumalaban ako sabay bawi ehh.. tapos laban uli.. tapos bawi uli…hmmm…

tapos…

tapos nun…

masaya naman pasko namen. Unlike before na bago mag alasdose ng gabi eh gagala na kami papuntang bulacan para makitulog or punta kami ng baguio para naman magamit yung vacation house (naks! may vacation house kayo? — deh. sa lolo ko yun) for 2 days.

Syempre, bago na lifestyle namen. Poor eh. At para fair kay erpats, tinanggal na namen ang tradisyon na yun at pinalitan ng noche buena  sa bahay. We just have to wait to our cousins and kamag anakins  in our house  para makigulo sa bahay. Yeah, I forgot my material problems… I enjoy the warmth of my family-kada and the smiles and the laughs and the jokes and..and…

okay…

Nagka slumber party sa bahay. Meaning, wala nakong matutulugan kaya no choice nanay ko; kailangan niya na mag share ng kama.

Ayaw niya ng may katabi. Ako din, ayoko. Pag meron kasi, lalo na pag scarcity ng unan, I had this habit na yakapin ng buong giliw at isampa ang mga paa ko sa katawan niya. Or, depende sa trip, tatabi ako sa kanya ng buong giliw uli sa may shoulder para lang ma feel ko na may katabi ako. Saya noh?? (hindeee! –sabi ni mommy)

Mommy: wag mo nga ko yakapin!!! di ako makakatulog!!

Wei: ako din eh.. di ako makakatulog ng walang yakap. (tatabi na… tatabi naa…)

Mommy: wei…hanubaaaa!!

Wei: maa…

Mommy: hindi ako ginaganyan ng daddy mo..

Wei: hindi naman ako si daddy…anak mo kooo!!!

Mommy: gusto ko matulog

Wei: gusto ko din matulog

Mommy: oh! ayan ayan na unan mo! manahimik ka na! patulugin moko!

Wei: okayy..

Akala ko, tulog na siya… kasi naghihilik na eh kaya sinampay ko ng buong happiness si kamay sa tyan niya… waw! buti na lang may fats! Hahaha!

Mommy: ayan ka na namannn!!

Wei: (nag pout)

Mommy: Dun ka matulog sa labas!

Wei: di na… promise!

Mommy: mag asawa ka na ngaaaa!!!

Wei: hindi na nga ehhhh…

at naghilik na naman… ayoko na mag joke time pero ang lakas talaga mag snore ni mommy.. Sinong talo? ako diba?! ako ako ako! wahuhuhu


novus ordo seclorum

Disyembre 21, 2008

Ayan…medyo tapos na ang delubyo. In-off ko na ang cp ko para maging kasapi na din ako sa liga ng mga solitary people or sa wikang tagalog: ermitanyo. Nakakasawa. Nakakatamad. Pagod nako sumagot sa mga txt tungkol sa problemang estudyante, problemang plates and everything. Pagod nakong makipagusap sa mga karpintero, sa mga pedicab drivers, sa mga elders at maski sa mga mas bata saken. Pagod na din ako umuwi sa bahay kasi nga masikip ang kwarto ko at lagi ko pang nakikita ang pinsan at nanay ng pinsan nya tapos, pag pumupunta ako sa sa bulacan, di ko naman mahanap yung tinatawag kong ’sanctuary’ or ‘comfort zone’. Yeah, I miss my  home.

Wag nyo na din sabihin saken na wala na tayong magagawa dahil binigyan tayo ng time to decide noon pa kung kukunin nyo ba ang bahay na yun. Or, kung sasabihin nyo sa harap ko na wala tayong magagawa dahil nangyari na yung isang event na pinagsisihan naten in the end. Too bad, nadadamay ako sa mga kalokohan nyo.

XoX

sorry naman, ang panget ng entrance ko. Pamatay ligaya kasi KJ ako ngaun. Pagod nako sa mga commitments at nakakawalang gana na. Nakakabadtrip din mga nangangaroling… nag ssounds ako tapos ang ingay ingay nila! pwede ba, wala kaming christmas lights kaya wag na kayo mag ingay sa tapat ng bahay namen! Grr.

XoX

Kaya ko pa tumawa. In my case, simpleng paglalandi lang ng crush ko eh parang ginseng na bumabalik lahat ng positive views ko sa world at napapakanta pako ng crush ni david arhucheta, crush ni garbage, at crush ni paramore. O diba? praning. Mababaw lang kaligayahan ko…at di yun maintindihan ng mga barkada ko.


kewl loWlaH!

Oktubre 27, 2008

WEI: ‘nang, di ka ba nagsasawa na lagi kang naglalaba, nagluluto, nagpaplantsa everyday?

INANG: bakit, gusto mo bang mag drawing habang buhay?

WEI: ehh..masaya naman ako mag drawing eh… ikaw ba masaya?

INANG: wala nako magagawa. Eto na ginagawa ko nung kaedad mo pa lang ako.

WEI: EHH.. gusto mo ialis kita sa trabaho mo? (wei smile na may pagkademonyo na naglalambing.. hahha!)

INANG: wala nakong ibang ginusto kundi makatapos ka. Sino na maglalaba ng damit mo kung aalis ako sa trabaho ko na to?

WEI: ehh.. hindi naman totally eh… I just want you to have fun. Lam ko, nakakapagod yan… ( =D)

INANG: hayy nako..tapusin mo na kumain dyan para mahugasan na. Matanda nako wei, siguro, ititigil ko to pag namatay nako.

WEI: nu kaba? kung yung pokpok nga, nakakaalis sila sa pagiging pokpok, ikaw pa kaya…

(wei smile na may pagkademonyo na naglalambing.. hahha!)

INANG: hahahaha!!! ikaw talagang bata ka oo! (ginulo na buhok ni wei)

…Simula nun… naging close na kami ng lola ko.

Lagi siyang updated sa mga nangyayari sa buhay ko. Siguro, nasa lahi na namin maging bampira na laging may energy 10pm to 5am ng umaga. 10pm, nagsisimula na siyang maglaba at ako naman, magsisimula na magdrawing. Nagkaroon ako ng studio last year lang sa second floor katabi ng banyo kaya yun na yung chance na mag getting to know each other si Wei at ang lola niya. Madami din siya nakwento saken, kung pano siya ginawang katulong ng second family niya (sa kanya lumabas yung bitch kong tita and of course, pangalawang asawa niya si angkong ko) at kung pano niya iniwanan ang nanay ko sa probins para pumasok bilang katulong sa lolo ko dahil na deadz yung unang asawa na tatay naman ng nanay ko. At bilang tagapamana ng usok at nikotina sa pamilya, natural na lang samen na nangangamoy yosi kasi lagi kaming magka jamming ng lola ko. One time, this sem lang, nung medyo nagpapaka nerd nako sa plates ko eh nasita pa ko ng lola ko:

INANG: oh? bat hindi ka na nagyoyosi?

WEI: uhmm diet po ako sa yosi eh. hehehe

INANG: talaga?

WEI: wala nakong pera kaya sacrifice muna yung baga ko.

INANG: hahahaha!!!

INANG: Sige na, gastusin mo na lang yan, kulang din naman yan pambili ng gamit mo eh. Bumili ka na ng sigarilyo mo. Bibigyan na lang kita ng dalawangdaan bukas.

WEI: Talaga po?? yeheeyy! :lol:

Syempre, pag inutusan nako eh GO na kagad ako. Gano lang ba kalayo yung ministop? Magkano lang naman yung marlboro lights diba? Wag nako mag west, mahal eh…hehehe. At sa sobrang excitement ko eh nabalita ko na din to sa mga friends friends ko na obviously, hindi naman nag oonline. Lol.

At syempre uli, nung nabalitaan to ng kontrabida kong nanay sa normal kong bisyo, napagalitan ang lola ko:

MOMMY: pinipigilan na nga namin siya mag sigarilyo tapos ikaw naman, binibigyan mo pa ng pambili ng bisyo nya!

INANG: Ikaw kasi, hindi mo alam kung ano yung pakiramdam nang walang sigarilyo habang may ginagawa. Alam ko yung pakiramdam na yun kaya binigyan ko siya ng pambili.

(at si ermats, nasupalpal.. kala mo Ma ah!  bwahahahaha~!!! sige, pigilan nyo ko, lagot kayo sa mga lola ko! wahahahah~!!!)

AT para sa birthday mo mi amor lola, isang matunog na kiss at hug ang ibibigay ko sayo kasi, alam mo na, poor eh!  :lol:


buhay baboy

Oktubre 22, 2008

Akala nyo gumagala ako noh? Akala nyo tambay ako sa kalye noh? Oh well, tama kayo dyan..heheh…

But the irony is,

I don’t stay long outside the house… compared to school days where projects and assignments are arising, I have this kind of adrenaline rush to go gala and gala and at the same time, finish those projects with a smile! Oh diba? baliw na? mwahahahah~!

Basahin ang karugtong nitong lahok »


si JP at ang icecream

Oktubre 20, 2008

oo, mahilig akong mag icecream..pero 1.7 liters??oh noooo~!! naubos ko nga. Sumobra ako sa dosage ng icecream na ginawang pampadulas ni JP para patuluyin ko siya sa bahay namen at i-welkam. Labag naman talaga sa loob kong kumain nang icecream eh. Mababaw lang talaga ako.

Tangina… hindi ko rin naman talaga gusto yung TU AMOR…(ampootangenang yan!) nagustuhan ko lang kasi pangasar yan ng crush ko sa isa nyang barkada eh…masama ba yun?masama ba yun?????

oo na..

matakaw nako

jologs pa

wahahahah!