Impressions worth lasting

Share ko lang ung mantra ko before: bakit ako magpapakilala? Ako dapat ipakilala nila!

Napakabrat! Haha! Naalala ko lang nung break time namen kahapon tas bumili kami ng makakain dun sa admin office. Syempre, 1st time nag gym ulit mga utak namen. Kailangan ng food for the brains.

Wei: walang coke? Nakakaiyak di masarap junk food pag walang coke. (Pa joke na tono to ah!)

M: si sir, di yun makakainom ng walang coke.

Wei: pano mo nalaman? Ang galing mo naman ngaun lang tayo nagkakilala alam na alam mo na kailangan ko ng coke

M: di mo nako naalala? (Insert construction firm here. Note that, di ako kasama sa firm nila, sa design firm ako)

Wei: (Nagulat ako mga 5  seconds) bat andito ka?

M: oo. Ikaw ung designer namen sa (insert names if projects here) pahinga lang po sir. Babalik din naman ako dun pero hindi ngaun…

O tapos, nagulat ung college classmate ko at nawindang naman ung mga tao sa opisina. Nachismis pa ko kung sino talaga ko-ng harap harapan! His eyes are shining kung ano anong trabaho ung ginawa ko with them. In his words,ako ung superhero nila. Haha!

Ayun, sinabi nya kung sino ako like:

Respetadong designer

Pinakamagaling na batang designer

Ginagawang tubig ang coke

Magaling sa pag handle ng time. Akalain mo nga naman, apat na local commercial building ginawa ko with the team bes! Plus one sa abroad. Hahaha.

Pinakaimportante, they are looking forward to work with me again.

Totoo lang, ngaun ko lang na realize na nagmarka pala talaga ang aura ko sa kanila. Why im sulking today? Forte ko nga pala is to manage time. Nag emote emote pako at nagpaka pressure na nawawala sarili ko at di ko na kayang i handle lahat ng nangyayare, ayan na si koya, dinescribe nya kung sino ako at sino ako sa kanila.

M: pag nagka license ka na, taob na mga kalaban. Haha!

Tumawa ako tas tinignan ko siya. Di niya sinabi na galingan ko. Wala din siya sinabi na maging top notcher ako. To his eyes, ako na ang superhero nila at pinakamagaling sa lahat.

Thank you. Kailangan ko nga ng mga sinabi mo ngaun.

 

 

 

Nai-post sa life | Mag-iwan ng puna

Seconds of Summer

Edit: Ngaun ko lang narealize na mukang kanta ung title.kanina ko pa iniisip pero tingin ko, ayos lang naman hehe.

Eto na naman tayo sa simula eh.

Kaya may tinatawag na ‘going out in the comfort zone’-kasi nakasanayan mo na diba? Yung iba, willing lumabas sa comfort zone. Like, magpapakasal na, change job, then change job ulit. Yung iba, pwersahan dahil kailangan. Mga ganun. Syempre, dun ako sa pwersahan. There’s no way but to move on and start again. And again. Ewan ko sa iba ah? Pero ako nagsasawa na.

Eto na naman Wei eh. Inaalat na naman ang mga pagkakataon saten. At tinatamad nako magsimula. Pero ano aasahan ko? Haha.

Ngaun lang kasi ako haharap sa licensure exam after 7 years. Okay lang kung mayaman ka. Pero sa katulad kong na feel ko ung verbal abuse na nakuha ko sa ermats at cast and crew ng pamilya, di ko kakayanin na mawala ang trabaho ko.

Medyo bago ung trabaho ko. Actually, ang tagal ko na ’employed’ sa kanya pero di ko maintindihan ung nature ng work ko. Sa supplier side na ko mga besh. Kung tatanungin mo work ko, di kita masasagot ng direct. Wei-on-call ako: meaning, di ko kailangan pumunta sa opisina unless tatawagin ako. Minsan inuutusan ako mag check ng items sa hk, minsan naman, kung ano ano lang pinapagawa saken. Ngaun nag rerebyu ako, di ko na makuha ung momentum ng rebyu. Actually, sagot ng boss ko ung review and everything.

Wala naman dapat problema eh. Kinakainggitan nga ako. Haha! San ka makakita ng boss na after review, pwede nako pumunta sa ibang kumpanya? Saya diba. San ka din nakakita na buo ang sahod kahit di naman ako magpakita ng isang buwan sa kanya? Ako lang talaga ang problema sa totoo lang.

O siguro di ko makalimutan ung ginawa saken nung dati kong kumpanya.

Siguro nga ganun. Nasasaktan pa rin ako for one and a half year? Its not gold and glory, and i gave up all my life for the sake of the company and the projects. Pero mas malakas parin pwersa ng mga talangka. At di ko matanggap yun? Baka nga un.

Sabi ng boss ko, you need to get back in your life. Meaning, what you are doing before all the fvks happened to you in that company. Kaya ayun, nagpakita ako sa mga prens, sa mga family…then slowly, it leads to boredom. Di ko na kilala sarili ko.

Sooo ayun. Obviously, utak ko lang talaga ang problema… i need to organize my thoughts again….at siguro, di ako nagkaroon ng time mag emote emote sa mga nangyari. Ang bilis ng oras, di ako makahabol. I think I need space.

 

 

 

Nai-post sa life | Mag-iwan ng puna

basket of stars

I just remember I had a blog when my 11 yr old cousin shared to me that she is writing a novel at wattpad! haha! its about romance…and she’s been bugging me this whole holiday on how she can play the characters. Malay ko ba dun? haha. But, for the sake of bonding, I gave her plot ideas that she agreed.

I am already 28.

Its good that my entries are still here. Parang old photos lang– yun nga lang, mas madetalye ang pagsusulat kasi, sinasabi nya ung feeling at moments mo.Ang saya kasi halata din sa mga entries ko kung pinipilit ko na lang maging masaya or I make fun of the negative issues. Wala lang. Mema lang. Haha.

Bad part is that, I cannot tell my adventures through writing now. Masaya ako after I wrote my previous post.( hello y! )Mahirap na masaya. I reached the peak of my profession now. And I am already grateful that God gave me a chance to design and build and prove to anyone that I am great-if not the greatest.lol.

Maybe if I could write again and tell you my story on how and what I did, I will get back to this blog again.

For now, I am thankful that my blog serves me as my time capsule, a gentle reminder of my past self.

also, thanks to those who care to comment when I am in my panic blog post. It helps me a lot-mga 10%. lol.

-wv

Nai-post sa life | 2 mga puna

It’s getting late…

Hi there!

Nagulat naman ako, ang dami na nagbago sa dash ng WP. Parang kelan lang nung ginawa ko tong blog na to kasi na burn out ako at napagtripan ko na gumawa ng journal sa influence nila Akda…. Akda, kamusta ka naman?! ahahaha

Nakakagulat din na maraming ‘unexpected’ thing ang nangyayare sa mundo ko ngaun. Minsan, umuubra pagiging brat ko eh. Feeling nila, ang cool ko. LOL. Pero in reality, dumadami lang insecurities ko, nawawalan ako ng self esteem, and eventually lalamunin nako ng so called “company world”.

Natutukso nako magpalit ng line of work… ang dami nagsasabi na pwede ako sa ganito ganyan at mas malaki pera dun. Pero, alam mo un? pride and passion na ung isusugal ko. And to think na, nagkanda-leche leche plan na yung nangyayare saken, pwedeng pwede nako umalis

Meron naman, in line nga sa work ko, and actually gusto ko un…kaso parang ang tagal? Naiinip nako o baka naman, ayoko na mag start ulet? Natatakot nako.

Sa totoo lang, ang labo na ng paningin ko sa future, hindi ako makapag focus ng matino.

Care to Help?

Nai-post sa go for the gold!, life | Tagged , | 1 Puna

redraft

1 year and 10 months nako dito sa Clark.

Can’t tell exactly if I’m really happy or I’m just slacking myself there.

Dati, syempre, masaya naman ako.

Sa totoo lang, nag run away lang talaga ko sa buhay ko. Yeah. May times talaga na gusto na lang maging loner. Sa buong buhay ko, wala nako ginawa kundi makipag acquaintance, acquaintance, at acquaintance ulet. Yung iba, nagiging friends, ung iba, passers by…na actually, lahat naman tayo ganyan gawain at naging exagge lang na ang dami ko na nakilala at ang dami ko na din na di maalala…wehehe.

Or maybe, I ran away because I just taught to myself that I’m just a loser?

If you know me, or you know part of me because of my blog, I was full of light and hope (ayun, exagge!!) at nung grumaduate, ayun, nagulat! hahah~!!

And in all fairness naman, ung mga naging depressions and anxiety ko, nawala nung tumakas ako. I am now in full recovery kaya eto, naghahanap nako ng paraan para makabalik sa tinakasan ko.

I’m missing my old life now…

I miss my friends. Friends, dyan pa ba kayo? sorry naman, ako ung hindi nagrreach out sa inyo and I know that you tried. I was just…you know….konti lang ang breads eh. Di talaga kaya gumala ng matindi every weekend tas wala na makakain every weekdays.

But I don’t regret that I shunned myself for 5 days a week na dorm-opisina lang ang trip ko. Gala na para saken ung pumunta sa esem kasi wala akong choice. I tend not to go to other places kasi, wala lang, katamad eh. hehe.

Di bale, i-reredraft ko ulit ung buhay ko. LOL. I gained my old confidence and I’m making sure that next year, I’ll be able to know my place 🙂

Nai-post sa life | 9 mga puna

puberty effect

Feeling ko mamamatay nako. LOL.

Kahapon kasi, nag PM saken ung isang barkada ko…

Jan: Woi!

Wei: o kamusta?

Jan: Wei? ikaw ba yan?

Wei: uhmmm oo..bakit?

Jan: Ngaun ka lang kasi nagsabi ng kamusta eh…

Ahahahah! Wala lang, natawa lang.

O tapos,

Kanina naman, naglinis naman ako ng workstation ko…isama mo pa ung side return at pati cpu monitor at mouse. I mean, nag general cleaning ako kanina kaya yun, nung may tumambay samen na ka opismate ko, pati ung katabi ko, nangati! wahaha! napagpag? ahahaha~!!!

At medyo bad vibes ako kanina…wala lang..sabi ko lang. hehehe.

Konti lang to sa minimal kong pagbabago pero mehn, nagbago talaga ko! I don’t know if its for good…or a bad thing. Di ako takot sa change…takot lang ako, how people would react into this. I mean, di lang ung paglilinis ko ng workstation ah..medyo iba eh… eto na ba ang puberty? ahahaha

Nai-post sa life | 4 mga puna

when we were so alive

I’ve just receive a phone call from my friend when I’m still working to ask me:

“anong pangarap mo?”

well, sa totoo lang, talagang na-shock ako sa tanong na un.Parang tinanong nya saken eh “who are you? really?” pero binary code lang ung ginamit.

I’m busy doing the reality stuffs for almost a year and i forgot how to dream!

at pagkatapos ng trabaho, not the usual na mkkipagchismisan pa at matutulog na lang after all of the days work, i recall all of the things that i really wanted in my life, pati ung mga drama na nanaginip ako ng lasing at nakatingin sa langit, kung pano ung scenery kung kelan din ako nananaginip. Am I an adult now?

 

Magaabroad ako. Kung di nako uubra maging freelance at medyo malungkot nga namanbuhay pag freelancer lang ako (ok to pag sideline lang lol…pero may bago nako plano ngaun dito…niwei…) Magaabroad ako, preferably, sa SG, kasi neighbor country lang eh, kaya keri lang na umuwi ng weekends. Twice a month lang lol! Ayoko magpamiss eh, baka masanay sila na wala ako. hahaha.

At pag nakaipon,  (medyo delecades to…di ko lang alam kung makakaipon talaga ko) rerekta nakong Spain. Yih. kapatid ng espanya sampaloc menila to caloocan. Closer to my heart. Syempre, di nako makakauwi nun twice a month kasi trip ko talaga mag aral dun. Wala lang, Basta. gusto ko dun.

at pagkatapos nun, syempre neighbors sila ng UK, so lahat ng mga trip kong banda pwede ko ng makita. YEY! hahaha~!! siomai, masasabi ko na na sobra sobrang fulfillment un pag nagkataon, at baka makalimutan ko na umuwi sa Menila. Sa espanya-sampaloc-menila-caloocan.

Di ko pa naman trip mag asawa, yumaman ng bonggang bongga, (o basta lang maka cope up ung pera ko sa lifestyle ko), o mahabang buhay (kaya di ako naniniwala sa healthy living). Ganun lang tamang trip ko mehn. Ganun lang.

*****************

Pero ngaun, inaamin ko, nandun na din ako sa point na nag-eenjoy nako sa ginagawa ko. Na, nakuntento nako sa sweldo ko na ginagastos ko talaga max na wala naman ako naiipon in the end. Na, kuntento nako na may mga kalandian lang ako at wala nako pakelam kung may kalandian pako bukas (?) Na, sa totoo lang, wala na talaga ko pakelam bukas.

Although everything has changed, magagawa ko un….syempre, knowing me, di makuntento sa panaginip lang. ahahahah~!!!

and by the way, thank you for reminding me who i am. 🙂

Nai-post sa go for the gold! | Tagged , | 4 mga puna