crying cow

yeah..I got the power… power na umiyak. Sa mga babae, ito yung mabilis na pang depensa para maawa kaming mga lalake. Akala nyo kayo lang marunong umiyak? ako din! Kung kailangan ipakita ang kahinaan sa audience, gagawin ko. Nangyari ito nung kausap ko ang dean ng college namin dahil sa hindi niya pag payag na malipat ang isa kong subject dahil pinagpipilitan ng major subject professor ko na ilipat ang kanyang naturang subject sa araw na yun. E masasagasaan nga yung isa? pano naman ako?

Di ko na napigilan. Nababadtrip ako na kung ano.. Basta umiyak na lang ako… as in, tumulo na lang ang luha kong iniingatan ng matagal na panahon. Don’t get me wrong, di ako bading. It’s just that iyakin na ko simula pa pagkabata at natutunan kong umiyak dahil nagsisisi ako na hindi ko man lang iniyakan ang aso kong namatay na. Paminsan minsan, kailangan pa lang umiyak para mabawasan na yung mga mabigat na dalahin sa dibdib at baga ko.

Dean: Bakit ka umiiyak? magagawan yan natin ng paraan iho

Wei: eh kasi po.. kasi po.. [sniff] kasi po naiinis ako.

Dean: bakit ka naman naiinis?

Wei: Eh kasi po eh… [lunok muna ng sipon at plema] naiinis ako kasi ok na yung schedule ko, tapos papalitan pa! tapos susungitan pa ko ng prof ko na si bulate* (di tunay na pangalan) pinagpipilitan niya na dapat ilipat na yung scheule ko.. or else daw… i’ll be the one to blame… waaaahuhhhuhhu~

Dean: ahahahahha

tumawa si dean… nakakatawa noh? para lang akong batang nagsumbong kasi inagawan ng candy. Nag smile siya pagkatapos. May sinabi siyang irrelevant na di ko na lang sasabihin. Nakaliumutan ko na eh. Dumaan ang regent. Nagtanong din siya kung bakit ako umiiyak; as usual, ganun ding linya ang sinabi ko (as shown above) .

Dean: di bale, magagawan natin yan ng paraan. Wag ka na umiyak iho…

Wei: (nag smile.. di na maka get over..) Ayoko po magdrop.

Dean: haha! wala naman akong sinabi nun

Wei: Kung yun na lang po ang paraan, di ako magddrop ng kahit anong subject

Dean: pero pano kung yun na nga lang.

Wei: basta po di ako magddrop. Di ko naman kasalanan yun eh. Kasalanan yun ni mam bulate*(di tunay na pangalan)

Dean: ahh sige..hahanapan natin yan ng paraan. Sa ngaun, kumalma ka muna. Wala pa naman yung head eh

Dumating ang head.. at nakita niya na may tulo pa ko ng luha at sipon. Tinanong din niya..pero si dean na ang sumagot. Sa wakas… na resolba na ang problema kong matagal ko ng inaasikaso… kung di pa ko umiyak eh… may mangyayari ba?

At sa pagsumbong ko na yun sa pagtataray saken ni mam bulate eh ayos lang.. at least nasabi ko na yung matagal ko ng kinaasaran sa sem nato. Salamat sa iyak, nasabi ko sa matataas na tao (hindi literal) yung kinaiinisan ko. May pasok ako sa kanya last friday, di niya ko pinansin. At kung reresbakan man niya ko, magsusumbong at magsusumbong ako sa dean,rector, at kay head..kala niya..

bullshit siya.

haha!

[wvines]

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in architorture and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

7 Responses to crying cow

  1. Louka ay nagsasabing:

    wahahaha!!!! naaalala ko…

    may sangtambak kang chocolate paguwi ko!!

    wahahahah… sabay sabing.. “lou alam mo ba??”

    hahaha LOL XD =P

  2. wei vines ay nagsasabing:

    hehe..naalala mo pa?=)

  3. beero ay nagsasabing:

    hahaha. iyakin ka pala pare. ahehe. pero ok lang yan. ala namang masama sa pag-iyak pag school matters ang pinag-uusapan.
    nung una halos maiyak din ako sa thesis at internship namin. ahehe.

  4. wei vines ay nagsasabing:

    that time.. yeah.. nagkaroon tuloy ako ngopportunity magpaawa…YUCK! mwahahahha~!! tagumpay naman diba? hehehe…
    lam ko daming umiiyak talaga sa school eh.. ako nga lang yung nagpausong umiyak sa harap ng dean..lol. =P

  5. apollo ay nagsasabing:

    nung high school ako, nakipag basagan ako ng mukha sa classmate ko. ndi ako umiyak. pero nung nasa faculty na kami at nainterrogate ako, saka ako umiyak. nyahaha! okay lang pre.. cute ang iyaking lalake. haha!

    hahahaha~!! parang pakonswelo na lang na cute ako ah..hahaha~! salamat sa pagdaan..oi di mo pa sinasagot kung ano blog mo..hehe 😀

  6. utakmunggo ay nagsasabing:

    haha da power of tears nga naman. katuwa ka naman wei. pakurot nga! hehe
    buti nalang e di pa ako nasumbong ng mga students ko sa dean namin dati.. sabagay, di naman kami ang may hawak ng schedules namin at di namin kayang palitan anumang oras. ang mahirap eh kung may nagbansag rin saken ng mam bulate. wahaha

    whew. buhay estudyante.. buti ka malakas ang loob mong magsumbong. kami dati eh umiiyak sa dilim (sabay ganon?) ahhaha.. bahag ang buntot ng mga sinaunang students, hindi pa kasi namin kilala ang “freedom of ispits” o “freedom of tears”.

    😀

    irregular kasi ako kaya may chance ako mamili ng sched ko. Eh nag attitude si bulate; gusto niya sagasaan yung oras na may klase ako sa ibang section kaya nagkaproblema…
    hehe, na practice ko na magsumbong ng kung ano ano sa nanay at tatay ko kaya di ganong problema saken kung magsusumbong ako if ever na violate nila ang rights ko. Napaiyak nga lang ako sa pressure 😆

  7. eloiski ay nagsasabing:

    hahaha!
    epektib talaga ang pag-iyak ano?
    hahaha!

    para naman mabawasan dumi! hek!

    pero ginagamit ko din yan para maawa sila sa akin.

    gamitin ko rin kaya iyan para makaiwas sa mga paktay na instructor!

    hahaha!

    pwede rin… hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s