tower of recto part 2

hayy ang saya! magka jo-win kami ng utol ko kahapon sa pagbisita sa recto. Sabi ko sa kanya, wag na kami magpunta sa dv, kasi madaming tao..mahirap tumambay sa isang stall para makapili. Kung hindi ka mababangga ng mga taeng dumadaan, baka madukutan ka pa. At least pag recto, walking distance na, makakalakad ka pa ng maayos.

Ang mission vision nga pala namin eh bumili ng pang regalo niya sa monito monita na above singkwenta pesos. Mahirap, kasi lalake nga yung nabunot niya. Kung babae madali lang yun diba? something red pa kaya nahirapan kami.

Nakabili na siya ng pangregalo, bumili na din ako ng cd.. soundtrip na naman ako sa aking kwarto… yung isang cd na hanggang track 18 eh sira.. so pinapalitan ko kaninang mga 11pm. Medyo bangag pako sa tulog kaya muka kong wasted kanina. Hinanap ko yung pinagbilan ko ng cd at pinagtanong tanong ko kung nasan na yung mamang kalbo na may nunal na tinubuan ng muka. Akala ko may sasagot saken ng matino.. pero akalain mo yun? tumatawa pa mga gaga. Hinanap ko siya hanggang sa mapagtanungan ko yung ale na nagtitinda ng mga pang morbid… este pang emo looks get up ng mga emo emohan.

Ale: ahh pang gabi lang siya nagtitinda iho..bakit mo siya hinahanap?

Wei: kasi po sira po yung cd na binigay niya..kagabi ko nga lang po binili eh..tapos sira yung track 11-18. May nightshift pala dito

Ale: ahhh.. mamayang gabi mo na lang balikan.

Wei: ok..sige po..salamat.

Nagpasya ako na bumili na lang ng panibagong cd sa recto. Akalain mo yun? habang naghahanap ako ng maaabusong cd sa cd player ko eh bigla naman nagkahulihan. Hindi ko pa natatanaw yung pulis pero pinatakbo nako ng ale. Sabi niya mamaya na lang.. takbo muna ko. Ano ko uto uto?! naglakad lang ako noh? pero di ako tumakbo. Wala pa yung mga buwaya eh…

Nakita ko kung pano sila magligpit. Automatic yung mga lalagyan nila ng cd.. parang papel lang na ginagawa nilang origamy(sfell check). Yung isang may dalang kariton, Dun nila nilagay yung mga paninda nila. Hanep! nung nilagay nila sa kariton,hindi halata. PArang karton lang yung nakalagay sa kariton.

Ngaun ko lang sila nakita na nagliligpit. Parang may power yung sinabi nung isang mama na “takbo!” tapos automatic na silang nagligpit ng mga paninda. Di naman ako inosente sa mga raid. Sa Quaipo, habang bumibili ako ng porn flicks eh nagkagulatan pa yung mga tindero tindera kasi nasa harap na sila ni mamang buwaya. Nagulat din ako, akala ko huhulihin na din ako… pero dahil gwapo, alam nilang inosente lang ako na bumibili/tumitingin ng porn.

May mga nakakalat na cd sa may daanan pero di ko pinulot. Di ko type eh. Kung 100bucks sana yung nakakalat eh pupulutin ko na yun. Kaso CD nga… nakakatakot.. baka pag pulot ko eh bigla na lang akong arestuhin kasi pinulot ko yung pirata na CD.

..wala pa naman akong dalang ID at selpon..kaya ayun…umuwi ako na walang binili ^^

*end na*

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in reviews, songs and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to tower of recto part 2

  1. August ay nagsasabing:

    wekekeke ok 2ng topic nya ehehe parang namamasyal lang

  2. wei vines ay nagsasabing:

    namasyal nga lang talaga.. as in, nag pagod dude. 🙂

  3. jude ay nagsasabing:

    hmmm… sayang nmn ung mga cds…. 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s