“when you know my whole life depends on you”
Lagi ko siyang pinagppraktisan ng kagaguhan ko nung bata ako; lagi ko siyang pinapaiyak tuwing nag aaway kami. At kahit kelan, di ako nagsabi ng ‘sorry’ sa kanya…hindi dahil sa pride ko o anupaman na pwede nyong isipin. Dahil alam kong ako ang tama.
Suwail na anak na pwede namang kagalitan na lang.
Mabuting ina na kahit kelan, hindi ako iniwan.
Ako ang nagpilit na i-enroll ako sa school na yon; kahit walang pera. Lagi siyang humihingi ng despensa pag 500 lang yung binibigay nyang allowance every week dahil alam niya, kulang yon sa akin.
You ask me if there’ll come a time
When I grow tired of you
Naiinis ako pag kulang ang pera ko. Sinusumbatan ko siya in a way na alam kong masasaktan siya. Kung yun lang ang paraan para bigyan niya ko ng pera eh… Kaya, dumami ng dumami ang utang niya pambayad ng 50k na tuition fee ko.
Nagyabang ako sa kanya na balang araw, yayaman din ako. Siya ang unang naniwala sa mga kayabangan ko na alam ko, mahirap abutin. Kaya nagsisikap siya…nagsisikap siyang makakuha ng extrang pera para sa tuition at luho ko kahit na, kahit na, wala na siyang maibili para sa sarili niya.
Minsan, nung kumakain kaming dalawa sa Wendy’s:
Wei: Ma, matulog ka naman ng 7 hours a day.
Mommy: Bakit? dahil iikli ang buhay ko ganun?
Wei: (nahihiyang tinignan si ermat) Opo.
Mommy: Ok lang naman yun saken anak. Ang inaalala ko lang eh si jp (bunos namin), hindi pa siya nakakatuntong ng college pero kayo ni Lou, nandun na.
Wei: Ma, kung mamamatay ka, sino magiging labandera ko sa Paris? Ahh hindi, di naman ako laging nagpapalit ng damit eh.. Pano kita mapapasyal sa Paris kung patay ka na? naman..kaya nga ko nangarap ng ganito eh. Hindi ka pwede mamatay. Kailangan mo pang makita magiging apo ko!
You say you fear I’ll change my mind
And I won’t require you
Tumawa lang siya. Di ako natawa. Kahit ano naman sabihin ko sa kanya na seryoso, tatawa na lang siya. Pano niya pa masasabi sa buong kamaynilaan na: “Ggraduate na ang gago kong anak!” ? kung deadz na siya? ahh hindi pwede. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ang nanay ko lang ang laging nasa likod ko..nakaalalay.
Kahit binabalahura ko na siya, di pa rin niya ko iniwanan.
Kahit punong puno ako bisyo at kalaswaan, tinatanggap niya pa rin ako ng buong buo.
You wonder if this heart of mine
Will lose its desire for you
Never my love
Never my love
Kahapon, pagkatapos magsimba sa Quaipo, nakasakay na kami sa jeep na walang ano ano na tinapik niya ko sabay bulong na:
“pinagmamalaki kita anak.”
Tinignan ko siya. Parang bata siya nakangiti sa akin… Hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa. Wala pa nga kong nararating, pinagmamalaki na niya kagad ako.
Birthday niya ngaun, kaya sinalubong ko siya ng yakap at panis na laway pagkagising ko.
uy.. infainess. natatz ako..parang ganyan rin ang gingawa ko sa mudang ko.. hehehe..
ahahaha! kahit ganito ko kagago..mahal ko naman siya.:D
awwww. . ngayun lang ako napasyal d2 π kala ko sa “kagaguhan” ka lang magaling, sa drama din pla Lols π joke..
alam mo, yung mga ganyan daw masarap magmahal sa nanay, yung patago at shy ipakita, wel, alam nmn ng nanay mo chak yun at ang nanay ke mahalim mo inde, mamahalin ka pa din nyan, pero it wudnt hurt kung maipapakita mo din na mahal mo talaga xa di ba? (pero prehas tau, ako din, shytype magpakita ng emosyon sa parents ko ) at yang mga sinulat mo,parang nakikinita kinita ko college days ko….
have a blessed 2008!!
panis na laway?
haha!!
love mo na love mo mommy mo ah.. π
Minsan mas masarap pang regalo ang panis na laway basta mula sa puso (tan-ta-na-nan!!! dramahan na to! π )
sweeeeeeet!
@repah-pre…haha!parehas pala tayo π
@koreanmine-oi di naman puro drama lang ginagawa ko dito sa blog na to..check mo yung iba.. mga corny naman π
@ginoong lapis- oi oi oi! yung may basketball team..waaa! salamat sa pag bisita!
@iceyelo-isipin mo yung panis na laway lumapit sa ilong ng nanay mo…ano kayang feeling??waaaa
@rem-omg! salamat sa pag bisita!ang saya naman..bumisita ang idol ko..huhu
aww..*punas ng luha*.. eye lab dis entry π .. sana mabasa ng mom mo π
*sniff* tisyu naman jan!!!
ganyan talga mga nanay…mga (martyr)..este, mapagmahal..*sniff* peste, di na ko matigil luha ko…jawa!!!
salbahe din kasi ako sa mama paminsan-minsan(??? -utot).
random-sus! ‘WEI’ of life na nga siguro yung maging salbahe…wahahahha!
(hinuhukay ang archives! haha)
nakakatuwa ka naman.. nakaka konsensya ang post na to! haha
haha! ayos lang yan… heheh…