prelim na naman…ouch!

17-12-07_224813.jpg

Prelim week na naman. Natatakot ako lagi pag yung mga ganitong malapit na naman ang habulan ng deadline, wala kong maisip na idea.

Kahit ilang beses akong umupo sa trono (read: inidoro,watercloset), wala kong maisip na idea kong pano gagawin ang facial shop! Anong malay ko dun diba? Hindi ka makakapasok sa isang pamosong facial shop kung di ka magbabayad. Wala na kong makitang available na libro sa library; at kung magbrowse naman sa net, kulang kulang, di ko ma gets kung panong design ang gagawin ko para sa 8×15sqm na facial shop.

Alam ko, matagal pa naman ang pasahan..pero nagpapanic nako dito dahil hindi ko ma finalize ang idea ko. Puro scribble lang ginagawa ko. Blurred din naman ang naiisip ko dahil hindi ko ma-imagine ang zen style facial shop. Sana boutique na lang..o kaya beauty parlor… at least, alam ko kung ano talaga itsura ng mga yon.

Hindi lang naman perspective ang kailangan diba? may floorplan pa tsaka swatchboard. Ang swatchboard dapat rendered. At dapat, i-justify mo kung bakit ganun ang gagawin mo sa pamamagitan ng pagtayo sa klase at pagsabi ng ‘uhhmmm…’ ng limang minuto. Madali diba? pero pano ang iba pang subject? Natural,yung mga written exams kailangan mo pang rebyuhin. Kailangan patunayan ko sa kanila na kaya kong maging superhero pagdating sa trabaho.

Na question mark ang trabaho sa isang subject. tae, kala ko ba pwede i-design ang floor lamp?! bakit question mark ang grade ko?! Punyeta talaga…kaya ang sistema..uulitin ko para ma achieve ko naman ang pinakaaasam kong dos.

 

At dahil wala pa rin akong maisip na idea; haharapin ko naman ang pinakaboring sa school life ko: ang mag rebyu. Bagong buhay eh! Hindi naman kailangan umasa ng umasa sa pagpapakapalan ng muka sa mga prof…dapat kumayod din ang green brain ko. Oh siya, ako’y magrrebyu na. Kung wala talagang papasok sa kukote ko, at least may bago na naman akong pagkakaabalahan: Ang magrebyu.

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in architorture and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

11 Responses to prelim na naman…ouch!

  1. jeckyll27 ay nagsasabing:

    ano bang course mo?
    namimiss ko yang ganyang gawain nung nag-aaral pa lang ako. im sure after all of your hardwork may mararating ka din. ganyang mga floor plan na project ang frustration ko.

  2. wei vines ay nagsasabing:

    archi ako ^^ hehe… yun nga din eh, akshali, pag bakasyon, namimiss ko gumawa ng mga floorplans and schematics, pero pag andyan na uli… napaparanoid ako… wahaha! paranoid na uli ako… wahahahaha!!!!

  3. jeniffer ay nagsasabing:

    saang skul ka archi? prelim nyo pa lang? midterm na kasi namin.. ayun.. :p

    may bago pala akong blog..

    http://superjen08.blogspot.com

    linked me up!!! tnx!!

  4. blue ay nagsasabing:

    bakit kaya ganon kapag nag aaral ka pa gusto mo na mag work, pag nag wo-work ka naman gusto mo bumalik sa pag aaral, wierd.

  5. wei vines ay nagsasabing:

    uy jen…sa ust ako ^^, wala kaming midterm eh… prelim tsaka finals lang

    blue- oo nga, ang weird noh? haha!

  6. iceyelo ay nagsasabing:

    Masarap na mahirap ang mag-aral, ako, pinapaaral ko na ang sarili ko, kaya puro hirap lang. hehehehe

  7. MisyeL ay nagsasabing:

    Musta ang exams? Ok ba ang result? Hayy, ang buhay estudyante nga naman mahirap na masarap!

  8. koreanmine ay nagsasabing:

    prehas pla kau tomasino ni akda,
    bigla ko tuloy na mis ang pisbol sa canteen at ang tinoko park 😀

  9. wei vines ay nagsasabing:

    korean:haha!di obvious noh?wahahahaha!!

    misyel: wala pang result..pero di ako natatakot: nag aral ako. 😀

    ice: what? ang hirap naman nun?

  10. camilleeee ay nagsasabing:

    wui, perspektib to ah! waaaa miss ko na gumawa ng ganito (in magikal way!) haha. watercolor din gamit mo for rendering?

    kakamiss ang college days. haayyy!

    arki ka pla 😉

    wei: mas challenging kasi pag water color rather than markers! pero mas maganda kung parehas gagamitin yung dalawa 😀

  11. camilleeee ay nagsasabing:

    ay agree ako, mas ok ang watercolors for rendering. kelangan lang magaan kamay mo para sa mga strokes.

    pasilip din ibang plates mo ha? kng ok lng nmn 😉

    wei: hmm sure… kung may time ako magyabang ng mga plates ko..i’ll do that ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s