courage is a virtue..pa nga ba?

wei: ang tagal namang kumulo! <<sabi ni wei habang tinitignan ang kaldero.

lou: hindi yan darating kung hihintayin mo yan.

[pause]

wei: parang ang daming meaning nun ah!

lou: oo, madami nga.

Ewan ko kung bakit na-utter na lang basta basta ng kapatid ko yun habang hinihintay kong kumulo yung pangsabaw ko sa knorr chicken noodle soup. Nakakairita na kumain ng porkchop na may gawgaw at noodles na may betsin. Masama na bang hintayin ang summer bakasyon? Hindi na ba darating yung pinakaaasam kong bakasyon para matapos na ang buhay ko? (???)

1 whole week, tinatamad nakong magdrawing. Kung pipilitin ko, wala naman ding mangyayari. Parang gusto ko na tuloy mag try ng budgee jumping (?)…para maiba naman. Ayoko naman magpakatanga dito sa may fountain of wisdom tapos magwwish na sana mamatay nako… hahayyy.

At pwede pa ba ko maniwala na courage is a virtue? Nakakatawa si mam, mas maganda daw sabihin namin yung feelings namin na nahihirapan na kami sa sunod sunod na deadline kesa sumunod na lang. Eh pano kami magrereklamo? hawak nila ang grades namen?!

Naalala ko yung kwento nung kaklase ko sa mga ka batch ko na may isang estudyante yung nagsumbong sa dean namin dahil terorista yung isang professor nila. Oo nga at ok lang, pero na tsismis na tinakot ni prof si estudyante na ibabagsak siya sa mga subjects niya.

Ano dun ang virtue?

Kung yung mga may ‘courage’ at ‘guts’ na sabihin sa madlang tao na may nangyayaring ‘hokus-pokus’ sa gobyerno eh iniipit, binabaril o kaya nale-label pa as missing, ano pa kaya sa school?!

ewan..ewan ko..

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in life and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

7 Responses to courage is a virtue..pa nga ba?

  1. linglingbells ay nagsasabing:

    tsk.. tsk.. lipunan nga naman..

    wei: wala nakong masabi..naubusan na bala ko..hayyy

  2. Geisha ay nagsasabing:

    ganun talaga! lahat tayo dumaan sa pagiging estudyante… wala tayong magawa kundi sundin lahat ng pinag-uutos ng prof natin…

    Courage is when you do those things without asking questions.
    But you will reap the fruits of virtue if you do things because its rightful to do it (like learning your lessons) than doing it for compliance!

    masarap din minsan makipaglaban sa teacher! try it! 🙂

    wei:ahhh ayoko. After nung nakikita kong ‘nakikipaglaban’ na mga ka batch ko dun sa prof namen, parang wrong move pa nga eh…, and what do they get? pinagiinitan na sila ng prof, bagsak pa sila… hayyy hayyy.. and asking questions (i think) is the beginning of knowledge. Syempre kailangan kong magtanong para matimbang ko yung tingin ko pang tama…

    salamat sapagdaan 😉

  3. Geisha ay nagsasabing:

    ganun talaga buhay estudyante pre…

    its like a bubble gum. (anong koneksyon?)heheh

    by the way, i’ve linked you up 🙂

  4. louka ay nagsasabing:

    Ang sabi ko po… “A watched pot never boils…”
    tsk tsk.. malamang di na nga un bertyu…

    wahhhh

    wei: ayy ganun..sorry po kapatid! pero tagalog kaya yung sinabi mo? napadaan ka tsong?

  5. randomdemeanor ay nagsasabing:

    siguro mas tamang sabihing Patience is a virtue..kasi mahirap na magpakatapang ngayon…tiis muna tapos pag good timing na, ayan, rakenrol at gantihan na!!

    ang totoong matapang, ginagamit ang utak…magpakawais! ganun.Wala pang maaagrabyado..

    yung mga ka-batch mo, ballpen lng ang pantapat ng prof mo sa kanila…samantalang sila, KINABUKASAN tol…tsk tsk..pwera nlng kung wa sila care ng palipat lipat ng skul…gudlak!

  6. jansen ay nagsasabing:

    i dont really know jjazsjh

  7. jansen ay nagsasabing:

    anyway .. in addition .. ang katotohanan ay ang courage o ang lakas ng loob ay kinakailangan sa lahat ng bagay, Ngunit sa isang banda, ang kalakasan ng loob ay dat nasa lugar at sa sapat na pag-iisip at kakayanan. remeber fortitude should in line with proper reason – that is , being prudent ,,, remember Sy. THomas Aquinas .. in his cardinal virtues – it suggests prudence is the first mong the leasts of cardinal virtues followed by justice, fortitude and temperance…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s