…For there is always tomorrow…

“Expect that our course is stressful, we need a lot of time to draw, research, and draw…”

‘so, buong buhay ko puro stress?ganun ba yun?!'< Sabi ko lang sa isip ko 2 years ago,habang nag oorient si mam tungkol sa course namen.

Hindi ko siya pinaniwalaan. Tumawa lang ako kasabay ng pagtawa ng iba kong kaklase. Ang corny noh?

Freshman years, may hang over pa ko sa highschool life. Hindi ako naging handa nung binagsakan kami ng trabaho nila mam at ser 2nd week nang pagiging freshman. Matagal naman yung mga deadline na binigay samen kaya ginagawa ko na lang yung mga homeworks ko a night before the deadline. Sailing smooth ang mga grades ko kaya papetiks petiks lang ako sa mga ginagawa namen sa classroom.

2nd sem freshman years: Tinamad nako gumawa ng plates. Binalik ko yung mga dati kong gawain nung highschool days: 2 hours late for a 5 hour subject, deadma sa mga prof, party til dawn, bisyo, gumagala hanggang mapagod. Kaya lang, kaiba sa mga estujents na party animal, nagpapasa ako ng mga kailangan kong ipasa pag deadline. Kampante ako na makakapasa ako sa mga subjects na yan. Mayabang eh! Binabalak ko na rin mag shift ng mga panahon na yun kasi hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari: Sacrificing my whole life in this pakening course. SInabi ko na to kay daddy nun pero ayaw nila. Katwiran nila, ako ang namili ng course at school ko kaya dapat ko lang ituloy…which is right diba? pero pano kung ayoko na?

main2.jpg

Bumagsak ako sa 3 majors ko at nagka INC (Iglesia ni Chris tiu! c’mon!) sa English ko. Lahat ng humanga saken at naniwala sa mga kalokohan pinagsasabi kayabangan ko sa kanila ay biglang nag evaporate. Buong angkan ko ang nagalit at nag alipusta sa buong pagkatao ko, at lagi nilang sinasabi sa daddy ko kung bakit ako pinabayaan sa gusto ko. Lahat sila, nagkapareparehas na ng muka. Lahat yun, hindi ko na pinansin. Tumawa na lang ako ng tumawa hanggang sa maiyak ako sa lungkot. Akala ko hindi ako maaapektuhan. Lahat ng defenses ko nagsimulang pumanaw. Hindi ko na kinaya… kaya binalak ko na magpakamatay.

Nahuli ako ng kapatid kong nagsusugat sa pulso doon sa dati kong kwarto. Actually, naiiyak ako nun kasi ang sakit pala pag sinasadya mong hiwain ng cutter ang sarili mo kesa sa aksidente ka lang na nahiwa ng kutsilyo. Ang panget noh? Nalaman ng buong angkan ko ang nangyari. I think yun ang naging ‘way’ para tigilan na nila pagpapanipula sa pagkatao ko.

Sa mga panahon na yon, nalaman ko kung sino talaga ang tunay na nagmamahal saken *sniff*. Si daddy, si tito, at ang utol ko. Nung araw na bumagsak ako, si daddy at si tito lang ang tahimik na nakikinig sa mga sermon ng lola at mga tita ko. Sila ang mas na disappoint dahil sila ang ‘nagtanggol’ sa decision ko na mag archi kesa mag nursing o tourism na lang. Binigyan nila ako ng second chance na makapagbagong buhay; na ituloy ko ang archi the second time around.

Natutunan ko mag analyze. Kung saan ako nagkamali at kung ano ba ang dapat kong gawin. Nag soul search ako kasama ang kapatid pati ang mga kaibigan ko. Inevaluate ko yung mga pagkukulang na ginawa ko, at kung itutuloy ko nga ba ang course ko ngaun.

Bonding moment nung nagtanong ako sa mga prof ko kung saan ako nagkulang. Tinanong ko din yung mga hindi ko maintindihan sa mga tinuturo nila and to my surprise, they were happy to teach me. They give me tips and techniques kaya simula nun, niyakap ko na nang buong buo ang course ko.

Architecture demands time and money. So, I had to give up all my leisures and time for my study. Seryoso na eh! Lahat ng kaibigan ko sa inuman, sa mga party at tambayan ay isa isa ng nawala. I learn that friends are different from acquaintances.

Full support naman sila daddy at tito sa mga ginagawa ko. Isama pa ang wala pa sa sampu na mga kaibigan kong nagccheer na ‘kaya mo yan tsong!’. Kaya pagdating ng grades ko, kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano i-rreact ko sa mga sandaling nalaman ko na uno ako sa major ko. Seryoso. Walang halong biro. Hindi ko inexpect na ganun kataas ang kayang i-achieve ng yabang ko kaya ngaun, kahit dos na lang ang inaabot ng grades ko sa mga majors ko, masaya nako. Napatunayan ko na:

  • Tama lahat ng sinasabi saken ni Zweii noon.
  • Hayaan lang ang pagiging ’emo’ paminsan minsan
  • Analyze your mistakes
  • move forward

I never regret my mistakes πŸ˜€

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in architorture and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

16 Responses to …For there is always tomorrow…

  1. Maldito ay nagsasabing:

    mistakes are part of our lives…..ok lang yun..;ako?hmm..walang paki magulang ko sa grades ko…..kasi alam naman nila namtino ako whenit comes to schooling,….hehhee..nag shift din ako..indi dahil bobo ako sa ENgineering..itoy dahil ayoko ng 5 years..madali akong ma bored..ahhehee…..anyhow….let us all move forward….i got what i sacrificed nung college ako..happy naman ako…no regrets too!

    wei: cheers! πŸ˜€

  2. cliogoddess ay nagsasabing:

    wow, im so touched and im so moved. heheeh. galing mo nman. pakasal kana. choze!

    wei:nyaaaahhh! baka patayin nako ng tatay ko pag nagpakasal ako kagad… anyhow, i need to fulfill my promises to them before settling down πŸ˜€

  3. cliogoddess ay nagsasabing:

    bwahahahah, uu nga nman, tutal pede naman premarital S** lang, hehehe. (anu ba pinagsasabi ko?)

    wei: lassshhiinngg kaaa…. πŸ˜†

  4. foobarph ay nagsasabing:

    bumilib naman ako sayo! keep it up! as long na merong hininga, dapat mag tootbrush! este, dapat mag move on. ahehe!

    plug: guys! available na yung kabanata 4 sa walang paglagyan series! feel free to bash in! http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2008/02/23/kabanata-4-walang-paglagyan/ (hehe, binago ko na rin yung header, lolz!)

    wei: ayyyy. πŸ˜€

    sige basahin ko…wooo~

  5. einn0c ay nagsasabing:

    i want to share this quote somehow sa tingin ko related:
    ” everything in life has a purpose;there are no mistakes; coincidences,events are blessings given to us to learn from it.”

    wei: yeah..and i think kailangan pang maiuntog ang ulo ko para lang malaman na may ‘blessings’ at ‘mistakes’ na dapat kong matutunan. Salamat πŸ˜€

  6. rain ay nagsasabing:

    naks… nakakaiyak…lols… ganyan tlaga…kailangan nating magsacrifice pra sa mga gusto natin…keep it up! idol na kta… πŸ˜€

    wei: ehehe, dati hindi ko parin maunawaan kung bakit kong kailangan mag sacrifice. And after that event, tsaka ko lang nalaman. weehhh… talaga? yes! may fan nako! lols πŸ˜€

  7. linglingbells ay nagsasabing:

    pag gusto mo, lahat gawin mo para makuha mo yun.. ako, hindi mayaman pero pinipilit ko na tapusin yung course kong pangmayaman.. gusto ko kasi talaga!

    wei: nakuha ko nga ang gusto ko..kaso di pa tapos eh.. kailangan ko parin siya gustuhin! (anudaw?anyway):D

  8. chalkdust ay nagsasabing:

    ang sarap talaga ng feeling kapag may dumadamay sa’yo, at hindi maganda ang feeling ng nagsu-suicide. we should never give up… for there is always tomorrow.

    wei: yung suicidal trip ko, galois lang talaga. Ang sakeYt eh…:lol: masarap talaga ang feeling, lalo na pag tatay πŸ˜€

  9. starwax ay nagsasabing:

    may friend din ako na ka-skul mo. mamomrblema siya ngaun sa mga plates. well, yan ang napili mong kors eh. good lak na lang.

    (btw, salamat sa pagsagot.)

    wei: sa una talaga, problema ang plates. Pero pag na manage mo na, ang sarap talaga gumawa ng plates πŸ˜€ thanks din sa goodluck πŸ˜€

  10. kwentongwalangkwenta ay nagsasabing:

    isa lang sagot ko diyan-hakuna matata.
    wag kang masyadong mag-isip tungkol sa buhay mo. yung mga existential na tanong-“why am i here?” what is my purpose in life?” “do i really exist?” etc. etc.- pabayaan mo na sa mga siraulo yun.

    wei: siraulo talaga ko.Pero di ko lahat naisip yan. Iniisip ko lagi kung ano lang yung mali ko. Ganun lang πŸ˜€

    pag nahilig ka sa mga soul searching, pag-aangas, at walang katapusang pagmomoda, hindi ka uunlad bilang tao. madedepressed ka lang kahit sa mga napakasimpleng bagay, hanggang maisipan mo nang magpakamatay.

    wei: graduate nako dun..and tama ka, pagkatapos kong mag soul searching, i’m back to reality. Really. πŸ˜€

    di ko naman sinabing wag mo nang pagplanuhan ang future mo, sakin lang wag mong gawing puno’t dulo ng lahat-lahat sayo ang mga planong yun. pag may problema, ang attitude mo dapat “gawan ng paraan na maayos.” pag may goal ka, ang atiitude mo pa rin “gawan ng paraan na matupad.” kung hinde mo kaya, “eh pasensiya na lang, iba na lang gagawin ko, pero hindi ako magpapaapketo ng husto dahil diyan.”

    wei: yan din sinasabi ng daddy ko πŸ˜€

    nagkaproblema din ako dati, law student ako, at umaasa ang parents ko na makakagraduate ako sa skul na yun. dun lang nila ako gusto grumaduate dahil daw sikat yung skul. pagdating ng second year, eto na, nabuntis ko GF ko, tapos hindi pa ako makaenrol dahil may bumagsak akong subject. hindi ko alam kung paano sasabihin sa magulang ko at kung pano ko lulusutan ang problema. pero ang attitude ko, “gagawan ko ng paraan.” kung maayos ko, eh di mabuti, kung hinde, bahala na, magtitiis ako khit gaano kahirap.”
    sa ganoong attitude, hinde halos ako nadepressed, nakangiti pa ako pag kinukwento ko sa barkada at MGA kaibigan ko ang problema. Pinakasalan ko ang Gf ko at agad akong naghanap ng trabaho. sinabi ko din agad sa parents ko at lakas loob na humingi ng tulong. yung enrolment ko sa law skul, kinapalan ko mukha ko, naki-usap ako sa propesor, dinaan ko sa koneksyon at kung anu-ano pang diskarte at sa bandang huli hindi ako nasipa, estudyante pa rin ako. kung nasipa man ako,hahanap ako ng ibang skul at doon mag-aaral kahit gaano pa katagal, o kung di man, ibang career na lang papasukin ko.

    wei: shet! ang hirap ng lagay mo tsong! itagao mo lang yang attitude mong yan. Golden rule nga pala talaga yung “be optimistic!” πŸ˜€

    mahirap pa rin buhay ko ngayon pero mas masaya. nagpaplano na ako ngayon, pero ang hakuna matata na motto, hindi ko pa rin inaalis sa akin.

    wei: same here πŸ˜€

  11. randomdemeanor ay nagsasabing:

    hahah..para atang narerelate ko to sa latest post ko ngayon…mejo lng naman…
    pssttt…wag maglaslas ng pulso, nakakasira ng skin yun..hheheh

    regards kay Zweii ah…tsk ganda talaga ng tunog na pangalan nya…

    parang…Zweii… my way…don’t come and gooohh..like you do..

    haha, napakanta pa ko…lolz!

    wei: napapakanta din ako pag sinasabi ko yung pangalan niya. DI ko na uulitin maglaslas ng pulso noh? masakeYt eh! πŸ˜€

  12. camilleeee ay nagsasabing:

    tama ka. it demands time & money talaga, kaya todo effort ang kailangan para mkapasa. di man ako ‘arki’ pero nakaka relate ako (medyo klasmeyt tayo ng kurso).

    life’s lessons are learned the hard way, kaya ok lang kung magkakamali tayo. πŸ˜‰

    wei: interior ba? hehehe..pero sabi nga ng iba, there’s no room for mistakes.. ang gulo noh?

  13. watusiboy ay nagsasabing:

    nabasa ko lang sa bus: God allows U turns.

    wei: maigsi pero madaming meaning… hayy.. salamat sa pagdaan πŸ˜‰

  14. camilleeee ay nagsasabing:

    bullseye wei! haha πŸ˜†

    wei: nag aaral ka pa? anong school? nyahaha

  15. koreanmine ay nagsasabing:

    miss ko lalo tuloy ang uste πŸ˜€ pang gabi kc ako kaya ganda ganda tingnan na puro ilaw πŸ˜€

    *** sabi nga, we only fail once we stop tryin’…
    winners don’t quit, wen God closes 1 door, he opens 2 windows..
    ( o yan, naubos na quotes na laam ko πŸ˜€ )
    congratzzz πŸ˜€

    wei: hehe masarap din tumambay..edi punta ka dito! pwede naman pumasok eh…

  16. nuel jose ay nagsasabing:

    ganyan talaga ang buhay. haha. at least ikaw natuloy mo parin ang arki.

    nakakamiss ang uste. haha ako nung bumagsak ako ng 9 units sa medtech, di ko na natuloy. ayaw ni dean eh. masyado kasing bitter mga taga pharma.. errr. sobrang nagsisi ako nun kasi uste lang talaga buhay ko. eh ngayon, no choice. publick skul. haha. good luck. ggraduate ka din! πŸ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s