plat(angina)o wraps

heheh… I’m back to my old self again! Gone are the emo days and moments in my bed! woohhoo!

At dahil dun, nagprisinta nakong pumunta at bumili ng sabon sa watson at SM Manila!

Ang layo nun para sa mahilig lang maglakad sa pupuntahan (purdoy ampf). Simula nung nabuhay ako at natutong maglakad, wala rin akong problema sa pamasahe sa school, sa fastfood, karinderya (yeah, walking distance lang lahat saken yun) at sa bibilan ng gamit. Kung sinabi ko sayo na traffic eh malamang na magdadalawang isip ka kung totoo, kaya kailangan maging creative kung mag iimbento ng bagong palusot. Sabi nga nila, I’m living in stressfree life…. Bago ako pumasok sa kolehiyo.

Oh hayan, andito na tayo sa Esem Manila. Konting lakad sa under pass at konting lakad lang uli sa sidewalk at crossroad at makakapunta nako sa blockbuster mall; ang Esem.

250 ang pinadala saken ni Mommy para sa kanyang sabon. Malaki na yun (syempre!) dahil buy 1 take 1 naman daw yung sabon niya. Pinabili din ako ng ear… ear… basta hindi yung cotton buds! panlinis ng tenga. Mura lang yun kasi 27 yung nabili ko, (sum: 77php) Kaya malaki ang kick back ko.

At dahil malaki ang kick back, excited naman akong maglaro sa arcade ng tekken 6. Huwaaa! I spend hours just to play this…Satisfied ako sa nangyari; nakalibre pa ng panonood mga audience ko sa palabas. Ayos… May 70pesos pako, I want to buy my mom something that she and I can eat kaya, sa paglalakad/pagmumuni muni ko sa higanteng fridge, Nakita ko ang plato wraps.

Wei: two ham and cheese regular please (wahaha! pa conyo ampf)

*sipat sipat sa cellphone, baka sakaling may nag txt*

*tinignan ang barya, tsaka ang pera*

*tinignan ang presyo–huwaaa?! 39 isa? akala ko… akala ko…. OHHH NOOO!!!*

Wei: uhhmmm Miss?! pwede isa na lang? wala nakong pamasahe eh? (nakikiusap..hehe)

Miss: huh? di na pwede, luto na eh! (taray!)

Wei: Wala nakong pamasahe… kung gusto mo, gawin mong 35 na lang isa, para makauwi pako. (kinapalan ang muka)

Miss: hindi pwede…ano tingin mo dito? palengke?

Wei: I’m just asking kung pwede. Kung gusto mo, di ko yan bayaran eh!

SIge…tarayan mo pa ko… harrr

Miss: hindi nga po pwede.

Aba! sarcastic pa ampf!

Wei: Magsalita ka ng maayos! hindi yung para kang timawa sa pera okay?!Madali lang akong kausap!

(pause)

Kasama ni Miss: uhhh…boss, naghahanap buhay kasi kami dito, hindi po talaga pwede na 35 yun tsaka di na po pwede yung isa lang kasi naluto na.

Wei: Kung talagang di ko yan babayaran, edi dapat umalis nako dito!!I’m just asking.

Shoot! Natameme ang dalawa. Di porket mas matanda sila saken ng madaming taon, hindi ko na sila aangasan sasagutin. Problema na nga lang nito, wala kong pamasahe.

Plan A: Lalakad ba pauwi? kaso pugon naman sa labas eh… baka magka sunburn ako ng wala sa beach. And besides, ayoko nga maglakad sa tulay?! ang baho noh?! Restroom na yun ng iba, ayoko lang dumaan.

Plan B: Wish ko lang, na sana di topakin yung cellphone ko.

Habang nakaupo ako sa park at nag wwish na sana may magabot saken ng siyete pesos pauwi, I txt my mom…

Ma, wala nakong pamasahe pauwi! and2 pko s my park…huhu

and my sister..

lou, saan ka? daanan mo naman ako sa esem, wala akong pamasahe.

Oo na, alam kong mababaw lang angproblema ko. Pamasahe lang diba? Pwede naman mag 1-2-3 kay boss driver. I can, but I won’t do it. Kung sinisipag sipag lang ako, pwede ko naman lakarin yun pauwi: wag lang yung hindi magbayad sa PUV. My dad experience how to be a jeepney driver nung college life nila: na walang baon na mabigay sa kanila and since, si erpat ang eldest sa magkakapatid, he sacrificed his leisure time driving.

Senior highschool ako nung nagsara yung kumpanya nila. Isa siya sa nasipa kasi, bukod sa matanda na(35 ata siya nung sinipa sa kumpanya) eh hindi na pantay yung paa niya. (aksidente, nung grade 1 ako) Kasali pa siya sa union nila noon kaya karamihan ng nasa samahan nila, sinipa na.

Kaya nung nawalan ng trabaho si daddy, pikit mata uli siyang bumalik sa pagiging jeepney driver. Alam ko, ayaw na niya bumalik sa ganung trabaho kaya minsan, pag walang pasok at nakatengga lang naman ako sa kusina, sumasama ako sa kanya para naman may kaasaran siya sa biyahe.

(nakahanap ng tabaho agad si daddy abroad–nung 2nd yr college nako)

May mga nag wa one-two-three din samen. Di yun maiiwasan weh. Pero dahil alam ko yung hirap at yung 110 na kita (minsan, barya lang) sa pasada, hindi ko gagawin na mangloko ng drayber: bus, padyak man o jeep. That’s why I texted my mom. (ang haba ng kinuwento eh..noh?LOLs)

Phone rings* Yey! tumawag na si mommy!

Wei: ma! help meee..

Mommy: hahahaha!

Wei: Mommy naman…seryoso ako sa text ko.. huhu

Mommy: Haha! sige, abangan nalang kita dito sa labas. Txt mo ko kung malapit ka na.

Wei: ok po.

Mommy: wahahaha! (sabay baba ng phone)

Malapit nako sa bahay at ni-txt ko na si ermat. Di naman ako sinisita ng drayber. Palibhasa, punuan, hindi niya napansin na hindi pako nagbabayad hanggang sa nagpara ako.

Wei: Boss, di pako nagbabayad. Wait lang ah?! WAIT!ayan na si mommy! (sabay baba sa jeep)

Drayber: (huh?!)

Wei: Eto bayad ko oh! pakiabot na lang. Salamat!

Tawa ng tawa si mommy habang inaabot niya yung pambayad ko. Ano kaya nakakatawa?! (tangina, muka na ba talaga kong clown?!!) Masama pa nito, nakita niya na tumatawa yung mga pasahero. Kahihiyan? ewan. No Big deal naman yung ginawa ko. Yun lang, pers tym ko lang talaga nawalan ng pamasahe.

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in life and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

33 Responses to plat(angina)o wraps

  1. dave1112 ay nagsasabing:

    hahaha….galing mo…di ko kaya yan dude..

    wei:yung pagsagot sagot sa tindera o yung pagsakay sa jeep ng walang pamasahe? πŸ˜†

  2. Pingback: plat(angina)o wraps

  3. koreanmine ay nagsasabing:

    peborit ko yan, lalo na yung sa wheat bread pero ang gus2 ko eh yung chunky chiken πŸ˜€

    kaya nek tym magbibilang muna ng pambyad, buti ng buti kung may pang txt ka p kay mami πŸ˜€

    wei: akala ko kasi 35 eh… 39 pala yun…huhuhu…

    yeah, nexttime magbibilang muna ko ng pambayad bago mag angas πŸ˜†

  4. batabatuta ay nagsasabing:

    ..hahaha..apir tau jan..kakatuwa nmn po experyens nio..hehehe..mnaranasan ko rin po yang nawalan ng pamasahe at nagtext kay ina..at nag-abangan…pati ung pagtawanan..hahahaha…apir po tau!!!!ang importante…nagbayad pa din..heheheh!!!! πŸ™‚

    wei: apir!! πŸ˜€

  5. Geisha ay nagsasabing:

    OMG! hindi ko kaya yan.. grabe di kaya ng pagtataray ko yan! madalas kasi hindi na ako nagsasalita.. minsan nga eh binabagsakan ko na lang ng pinto ang mga efex dahil hindi ako sinuklian… pero naglakad na rin ako one time nang dahil sa .50 cents! oo 50 cents dahil kulang pamasahe ko ng 50 cents!

    kaw kasi kinukupitan mo pa kasi datong mo.. lol

    wei: wahahah! salita ka minsan… kung mapapahiya ka, poise pa din πŸ˜†

  6. dave1112 ay nagsasabing:

    both dude…both…hahaha.. πŸ˜€

    wei: wahahaha!! πŸ˜†

  7. repah ay nagsasabing:

    heheh… I’m back to my old self again! Gone are the emo days and moments in my bed! woohhoo!(nosebleed hehehe)cguro ang ganda ng kutis ng mommy mo.. ang mhal ng sabon nya ha…

    wei: nosebleed ba? eto oh…napkin! πŸ˜€

    di naman… 25 pesos isa kasi buy one take one.

  8. Maldito ay nagsasabing:

    he he he..ang saya naman nyan…okey lang yun…atleast naging honest ka…may medal ka ba galing kay mami?

    wei: uhmmm…medal na ba yung napatawa siya???heheh πŸ˜†

  9. pEyt ay nagsasabing:

    hahah..buti na lng anjan c mommy..
    nangyari na rin skin yan..
    {pEyt: mommy pauwi nko..
    mommy pEyt: cge nakahanda na pamasahe mo}
    lols…

  10. linglingbells ay nagsasabing:

    naranasan ko na din yang isang beses! at ang ginawa ko: naglakad ako pauwi.. hehe!

  11. MisyeL ay nagsasabing:

    Hirap nga yan, hmmm kasi naman check maige yung hawak na pera o exact price ng bibilin mo bago ang lahat. Di tuloy naiwasan matawa ni mommy. πŸ™‚

  12. angel ay nagsasabing:

    ayos ah.. Aheheh buti na lang nandyan si mommy para i rescue ka..

    Ang kulit ng mom mo ah.. πŸ˜€

  13. bomberoking ay nagsasabing:

    adik din ako sa plato wraps..!
    miski yun siguro kainin ko sa loob nang …
    isang taon kaya ko..!
    at kaya ko ring mag 1-2-3..!
    lalong lalo na kung no choice..!
    pero…
    tama ka..!
    nag hahanap buhay din ang mga dryber…
    kaya…
    konsensya nalang nang pasahero noh..!
    natawa ako doon sa style nang pag bayad..!
    parang bata lang na…
    “sinalo nang mommy”..!
    ka aliw..!
    pero honest ka ha..!
    while others would perhaps…
    pretend to have paid na…
    you opted to tell the truth..!
    siguro kung…
    isa ako doon sa mga pasahero…
    baka pag baba mo..,
    iisipin kong…
    “how honest naman this child”..!
    “he will go to heaven”..!
    hehehehehehehehehehehehehehehhehe..!

  14. wei vines ay nagsasabing:

    @ peyt- hahaha!! buti na lang to the rescue nanay naten..haha! woi..link mo?add kita ^^

    @lingling- buti di ka napano… ^^

    @ Misyel- oo nga, titignan ko kagad yung presyo bago umorder…salamat sa pagdaan πŸ˜€

    @angel-buti na lang din may load ako pang text..pano ang future ko kung wala? hahaha! salamat sa pagdaan πŸ˜€

    @ bomberoking-baka maumay ka kung puro plato wraps naman kakainin mo? ahh sabagay, mahal ng bigas ngaun (?!) hehehe..salamat sa pagdaan πŸ˜€

  15. gasti ay nagsasabing:

    hanga ako sa tatay mo masipag sya. bihira na ako sumakay ng jeep ngyon pero sinusigurado ko naman na may pambayad ako bago sumakay..hehe! di ko pa nagawa yang ngyari sayo. pina antay yung daryber..hehe! pero oks na rin yun kesa naman mag 1-2-3 ka. good boy! yung tarayan sa tindera hanep lupit mo. ako hindi na nakikipagtalo pag ganyan.

    wei: naks! asensado ka na pala tsong..hehehe (oo nga pala, may auto ka pala πŸ˜€ ) Minsan, try mo… saya! πŸ˜†

  16. Prinsipe ng Pangarap! ay nagsasabing:

    anak nang hindi ko kakayanin yun… lam mo ba dati nalakad ko mula sa Buendia hanggang sa Quiapo just to get home dahil (hayskul ako nun sa PCA) nawalan ako ng pamasahe. hehehe! takot ako sa kahihiyan eh…

    wei: grabe naman yun! buendia to quaipo? oh noo.. mag mmountain hiking na lang ako noh?! haha! sabagay, malulupit DAW mga drayber dun eh, nanghahampas pag di nakabayad πŸ˜†

  17. eloiski ay nagsasabing:

    mas mabuti na lang na pagtawanan ka atleast nagbayad ka!
    Kesa naman konsensyahin ka buong buhay mo!

    wahaha! natawa nman ako dun sa plato wrpas na etching na yan!

    wei: ahh…wala akong conscience eh, kung meron man, edi sana, matagal na kong ginugulpi pag nanghihingi ako sa lola ko ng pangtuition/pang allowance…hehehe…. salamat sa pagdaan πŸ˜‰

  18. beero ay nagsasabing:

    haha πŸ˜† nakakatuwang adbentyur yun ah. hehe. kung di ka sana ng naglaro ng tekken eh di sana nangyari yun. pero di kita masisisi. ako man eh adik sa tekken. LOL.

    naalala ko tuloy yung pinakabwisit na araw nung intern pa ko sa isang radio station. biyernes na nun kaya medyo konti na lang allowance ko. kelangan kong magreport nang live kaya nakigamit ako ng payphone. ayun, sobrang haba ng balitaktakan sa radyo kaya naubos din pera ko sa pagbayad ng phone. dahil nga alang natira sa pera ko, naglakad na lang ako pabalik sa istasyon. LOL.

    now you know na may mas malas pa kesa sayo. hehe πŸ˜†

    wei: oo nga, edi sana may natira pa; edi sana, na ‘moderate’ ko yung paglaro ko sa arcade… πŸ˜†
    ang saklap naman nun! nawalan ka na ng laway, naglakad ka pa… LOL

  19. aKDa ay nagsasabing:

    hahaha! sanay din ako sa walkathon. pero yung ganitong niluluto ka nung mayabang na si haring araw, di ko din kakayanin. pero pre, saludo ako sa mommy mo, pinagtawanan ka niya! hahaha!

    eniway, next time, icheck muna kung magkano yung bibilhin ha ine?! nyahahahaha….

    ^_^

    wei: yun nga eh… laughtrip si mommy…huhuh…sinumbong pa ko kay daddy! ayun! laughtrip sila parehas… pang asar noh? πŸ˜† opo AKDa, nexttime titignan ko yung pera ko sa bulsa tsaka price list na bibilhin ko πŸ˜†

  20. ginoong lapis ay nagsasabing:

    wuhu!
    saya ng experience na un ah…
    medyo naiyak nga lang ako sa
    kwento ng papa mo…

    wei: di yun iniiyakan..ginagawan yun ng paraan πŸ˜†

    pede sa wish ko lang.. nyehe!
    pero astig kasi sumasama ka
    sa byahe para lang mang-asar.
    bka naman kumikick back ka din
    nun… nyaha!

    wei: hahah! ayos na saken yung kickback na meryenda noh?at oo, yun ang lagi kong trabaho kay erpat πŸ˜†

    ang lesson: bumili muna ng plato wraps bago mag-arcade.. πŸ˜€

    wei: hindi! wag na bumili ng plato wraps para maka arcade pa πŸ˜€

  21. ginoong lapis ay nagsasabing:

    nyehe!
    astig talaga!

    tama un.. wag mag 1 2 3 sa mga pampublikong sakayan..!!

    wei: hehe πŸ˜‰

  22. y ay nagsasabing:

    astig! tama lang yung ginawa mo. wag kasi ubusin ang kickback sa arcade. hehe!

    wei: dun ako masaya eh…:(
    salamat sa pagdaan πŸ˜€

  23. islander ay nagsasabing:

    hahah…natatawa ako sa adveenture mo pero mabait ka na bata ha!

    wei: minsan lang ako nagiging mabait..hehe.. salamat sa pagdaan πŸ˜€

  24. jeeper ay nagsasabing:

    Naalala ko ang aking kabataan sa post na ito. Di rin ako nag wa-1-2-3 dahil nag-drive din ang aking ama ng pamapasaherong dyip dati. Except yung one time nung college. Hehehe. Cute ng dialogue nyo nung saleslady.

    wei: hindi sya cute…peace sa kanya πŸ˜€
    hirap ng buhay ng jeepney driver noh? πŸ˜€

  25. kulasa ay nagsasabing:

    “…Masama pa nito, nakita niya na tumatawa yung mga pasahero… “—nagmukha ka sigurong mama’s boy dito… πŸ˜›

    nice adventure, na-try ko nang mag 1-2-3 pero may paalam sa drayber…like: “manong, pwedeng libre?..”

    -pumapayag naman sila eh…makapal lang talaga ang mukha ko kaya ganon… hahaha

    wei: oo..yun nga yung masama.. nagmuka nga kong mama’s boy.. πŸ˜†
    wow! astig ka man! πŸ˜€

  26. kulasa ay nagsasabing:

    add po kita sa ink ko huh… ?.. πŸ™‚

    wei: sure! no prob πŸ˜€ ano link mo?..salamat sa pagdaan πŸ˜€

  27. cliogoddess ay nagsasabing:

    Bwahahaha, naawa nman ako sayo, sana ako tinext mo para sinundo kita, tapos nanood pa tayo ng sine kung gus2 mo, bwahaahhh. naalala ko naman si ate na inestafa ko ng 10 pesos sa jeep, na guilty na nman ako, hindi ko nman talaga gawain yun, nagkataon lang na nawalan ako ng sense of life. bwahaha.

    wei: naalala ko nga din yung post mo eh. Yung naestafa mo accidentally…hahaha!! Ano kaya nangyari dun? sana nagba blog din siya noh? para makita natin yung side nya…hahaha! ok lang yun, nakauwi naman nako eh. πŸ˜‰

  28. amoyong ay nagsasabing:

    wahahahahahaaaaa! ang cuuuuuuuuuuuuuuuuuteeeeeeeee nmn nung drayber! pina .. huh?! pa talga…

    amf. ^^

    hehe..nasa likod lang ako ng drayber kaya narinig ko yung gulat nya πŸ˜€

  29. tin ay nagsasabing:

    wahahahaahha.wahahahahah…wahahahahahhaha..
    you made me laugh..really really laugh…whahahahaha.at 2 in the morning ako lng isa humahalakhak..astig ka! gusto kita maging BFF!

    hahha! sure! friends na tayo ^^

  30. anakngpating ay nagsasabing:

    wahahah
    ang kuleeet
    nagulat si manong driver at talgang tuwang tuwa sayo si mommy
    hehe

    haha! nagulat sa tuwa :D..woi, salamat sa pagdaan..matagal na to ah! hehe

  31. anakngpating ay nagsasabing:

    and yu know what favorite ko ang plato wraps suk ako ng plato wraps sa sta.lucia mall
    ang sunget nmn ng tindera jan sa esem manila hehe

    oo..sunget nga…nagmamaganda kasi eh! hahaha! yeah..fave ko rin yun dati.

  32. truebelievers ay nagsasabing:

    Pa Englesh Englesh ka wala ka namang pang bayad ng Fud hihihihihi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s