share a payong win a friend

Umuusok na yung uhog, plema at sipon ko sa galit nung nagising ako na walang kuryente kahapon. Na discharge na yung cp ko lahat lahat tapos strike pa! Eh may pasok ako kinaumagahan at nasa Bulacan pako! Siguro, kung pinili kong mag stay in sa bahay ng lolo ko sa Maynila para magbayad ng dalawang libo sa aircon uli eh mas pipiliin ko dun: Kesa naman mahirapan akong sumakay.

At dahil strike nga, hirap na hirap ako na sumakay papuntang Cubao. Nawalan na rin ako ng kasama kasi may pupuntahan siya kaya di na niya ko sinamahan mag mall tour sa gateway. Loner na naman ako.

At dahil strike nga, nakisabay nako sa mga naglalakad mula Farmers hanggang Macro. Konting lakad na lang makakapag mall tour na naman ako sa Megamall. Mabuti na lang na insert ng nanay ko yung payong niya dahil ang lakas ng ulan.

At DAHIL malakas nga ang ulan, hindi ko naman matiis yung katabi ko na hindi alukin ng payong DAHIL nga palakas ng palakas ang ulan.

W: Kuya, payong ho oh!

J: Salamat.

After long minutes of waiting:

J: Taga saan ka ba? Ano ba yung hinihintay mong sasakyan?

W: Esem Perbyu ho.

J: Taga manggahan ako.

W: Gusto ko na pong umuwi.

J: Kung gusto mo, sakay ka na lang papuntang Quezon ave. Marami dun!

W: Hindi po ako marunong sumakay eh…Baka lumagpas na naman ako…

J: Sige sasamahan na kita.

Sumama na nga ako. Kesa naman magpakatanga na lang ako dito at pagkamalan akong callboy, mas trip ko na lang sumama dun kay Kuya. Hindi naman umandar yung ‘radar’ ko sa kanya na baka ‘pagsamantalahan na lang yung katangahan ko sa byahe’ kaya feeling safe and secure naman ako.

W: magkano ho ba yung pamasahe?

J: 8 lang…ako na magbabayad. (sabay bukas ng coin purse na madaming coins)

W: Ahh sige kayo na nga lang…hehe

Nakarating na kaming Quezon Ave. Konting lakad lang at nakita na namin na madaming pasahero ang gustong sumakay… Syempre pa, para pamatay oras eh may konting chitchat din ang naganap.

J: Ano ba kasi ginagawa mo sa Cubao?

W: Summer po.

J: eh san ka ba talaga Nag aaral?

W: Sa U** po… Archi yung kinukuha ko.. eh kasi necessity din na kailangan namin matutong mag cad, nag summer po ako dun.

J: Ahh… pagpatuloy mo lang yan….yayaman ka talaga dyan.

W: talaga? eh puro pahirap nga po nakukuha ko eh.

J: haha! ganyan talaga…Bago ka yumaman, kailangan mong magpakahirap sa course mo ngaun. Bat hindi mo txt nanay mo?

W: Brownout po kasi kanina, discharge na cp ko pagkagising ko eh.

J: Alam mo ba number ng nanay mo? Tawagan mo na lang sa cp ko..

W: sige po..

Tinawagan ko na nga yung nanay ko. Nalaman ko na lang, nasa Maynila pala ang nanay ko! pota! Kung may cp talaga ko edi sana, nag SRT na lang ako hanggang Recto! Putangina talaga…. heniway, tuloy ang kwento.

Nagulat ako kasi pinahiram niya cellphone niya saken na 3G. As a complete stranger, no one will ever dare to share his cellphone to me. Nakakapagod nga talaga maghintay ng sakayan kaya nag aya si Kuya na mag MCdo na lang… na libre niya.

W: eh saan po kayo nagtatrabaho?

J: sa mercedes benz ako. Ako yung receptionist.

W: wow! talaga? benz po? Gustong gusto ko nga ung carshow sa world trade eh! kasama ko tito ko pag pumupunta ako dun!

J: haha! talaga? sa world trade nga kami nag ka carshow…pero di ba may bayad yung entrance dun?

W: Si tito na po nagbabayad. Pag nakatitig nako sa isang auto, sasabihin ni tito: “oh tama na uwi na tayo!”

Madami pa kaming napagkwentuhan. Karamihan eh all about me. Okay naman yun compare sa fries, nuggets at burger at sopdrinks na libre niya. Na kwento din niya yung tungkol sa trabaho niya, kung ilang taon na siya at kung pano siya nagpakasaya sa buhay binata niya bago siya mag settle down.

J: hahaha! Sa susunod ah… wag ka basta basta magtiwala kahit kanino. Pano na lang kung lokohin ka?

W: *smile na lang habang sumusubo ng fries*

J: Edi sa may Noval na uwi mo? eto bigay mo sa nanay mo, para di siya mag alala sa mga sinasamahan mo…

W: *kinuha ang calling card* naks naman kuya! ang ganda ng card! tatak benz!

J: haha! Pag nagtrabaho ka na, mas astig pa magiging card mo… Wag ka muna mag aasawa pagtapos mo…

W: opo naman!

Hinatid pa niya ko sumakay papuntang Noval. Nagpasalamat ako habang di pa tumatakbo ung sinakyan ko.

J: Pag yumaman ka na Wei, tsaka mo na ko ilibre…

W: Salamat po!! *with matching kaway kaway pa*

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

17 Responses to share a payong win a friend

  1. kengkay ay nagsasabing:

    nagpapatunay na may mga mabuting tao talaga sa paligid natin, kaya dapat, ikaw naman mag share ng load mo at maglibre sa mcdo sa sunod πŸ˜€

    yeah, sa susunod, ako naman magshare ng mcdo=)

  2. sikrEtOngbLog ay nagsasabing:

    ang bait nman ni kuya..sana dumami pa ang tulad niya.

    “J: Pag yumaman ka na Wei, tsaka mo na ko ilibre…”
    ako din wei pagyaman mo…hehehe…

    naman…dumadami na nga utang ko as time goes by… maybe..someday.. somewhere…lols

  3. tapsiboy ay nagsasabing:

    ang bait naman, pero next time ingat ka rin sa tao sa palgid mo. πŸ™‚

    sabi nga ni ermat…baka nexttime daw makatyempo ako na ‘salisi gang’ eh hindi nako pakawalan…lol =P

  4. cliogoddes ay nagsasabing:

    sweet namn na kuya, pero wag mo na gagawin yun baka makidnap ka, next time tapos ibenta ka sa hapon, bwahahah.

    bigay mo nga number ni kuya gus2 ko shang maging daddy. bwahahah

    ayy..may asawa na siya eh =) and yeah, salamat sa payo =)

  5. dave1112 ay nagsasabing:

    πŸ˜€ ambaet lang..

    nyaks

  6. gasti ay nagsasabing:

    ayos ka wei..akalain mong ililibre ka pa ng meryenda eh pinayungan mo lang..teka nga at makabili na ng payong..haha!

    mabuting mabata ka wei at natyempuhan namang mabuting estranghero din yung pinayungan mo kaya safe ka. goodlucks a pag aaral ng autocad yung kapitbahay naman nakapag abroad na dahil dyan.

    oo nga eh…nagulat talaga ko..hindi lang meryenda, pati pamasahe! waaaa!! I told him na may pera ako but he insisted… salamat sa goodluck πŸ˜€

  7. koreanmine ay nagsasabing:

    wow. sarap nman.. kaya di p rin dpt mawalang ng faith sa tao…

    kaso sa panahon ngayon, talagang mahirap magtiwala so dpt extra ingat pa din…


    i think we both trust each other.. pero tama ka, ingat ako nexttime… kung bakit nman kasi gumana instinct kong payungan siya…

  8. ifoundme ay nagsasabing:

    pwede bang makishare a payong with you pag full pledged architect ka na para libre mo rin ako? masaya na ako sa french fries. LOL!

    haha! maybe… pag nag cross path tayo, siguro lang… =)

  9. koreanmine ay nagsasabing:

    inde kaya dhil type mo kc xa? πŸ˜€ at in peyrnez, type ka din nya! hehe joke laang πŸ˜‰

    waaaaa~~ naawa lang talaga ko.. kasi na experience ko naman yun dati.. lakas ng ulan tapos titignan lang ako ng mga bobo.. hahayyy…

  10. beero ay nagsasabing:

    huwaw! pag gumawa ka talaga ng good deed eh, babalik din sayo yun. hehe. it’s nice to know na may tao pang katulad nun.

    nagulat din ako.. as in 0_o

  11. dakilang islander ay nagsasabing:

    aba ayos yan ah mcdo at libereng pamasahe katapat ng payong mo…

    haha! sobra! =)

  12. hener ay nagsasabing:

    HMMM! Buti hindi ka nireyp! butas pwet mo kung sakali! BWAHAHAHAH

    pero ang galing noh… baet.

    oo nga eh…ang dami nya pang words of wisdom.. lols

  13. y ay nagsasabing:

    sinamahan ka na, nilibre ka sa pamasahe, pati pa miryenda. naku wei, hindi kaya….hehe! lakas ng appeal mo ke kuya ah!=D

    hahaha!! hindi ko alam… siguro lang, natuwa siya kasi pinayungan ko siya..pero sabi nga niya, wag ko na daw ulitin kasi baka kung ano na isipin saken at gahasain na lang ako…lols

  14. linglingbells ay nagsasabing:

    minsan na lang ako makarinig ng mga ganitong kwento, madalas kasi e panggagantso… ang bait niya ah.. nung una, akala ko, may hidden agenda siya kaya nilibre ka niya at kwinentuhan ka ng kung anu-ano pero ang ending, mabait pala talaga siyang tunay.. πŸ˜€

    hehe nagpasalamat nga si nanay ko sa kanya eh..baka kung saan saan na naman ako makapunta kung di niya ko sinamahan =)

  15. Parati ka ng absent parekoi…forfeited na danggit mong pasalubong…bibigay ko na kay akda..

    anong pasalubong?its okay =)

  16. Abad ay nagsasabing:

    parang meet cute.

    huh? ano yun? tv show? πŸ˜€ salamat sa pagdaan ^^

  17. macros ay nagsasabing:

    wow… the things one learns. And here I thought I knew it all, lol.
    Thanks for sharing!

    hehe..thanks for dropping by^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s