“Tita ber-gee…Si kuWa Wei at ate Louu…may Fah-Yer!”

Dahil walang katulong ngaun si tita, dito natulog yung mga pinsan ko sa sala. Sakto naman, nag llaughtrip kami ni Lou kaninang umaga (2am) sa pagkalkal namin sa GP kaya di kagad kami natulog. May softrdrinks, chicha for midmorning snacks and yosi for dessert habang mahimbing namang natutulog sa sahig ang ever favorite kong pinsan na si Ditch (that’s his real name…ang cruel noh?).

Ayan, tapos na naming kainin lahat ng pagkain sa harap ng monitor at yosi na lang ang pwede naming tirahin. Syempre, ano pa ba gagawin namin sa yosi kundi sindihan?

Ditch: kuWa Wei, Ate Lou..

Wei: *tago ng yosi sa gilid ng monitor*

Lou: Oh? *Binigay saken ang yosi niya para itabi sa gilid ng monitor* Bakit ka naman nagising?

Ditch: Milk please…

Si Lou na nagtimpla ng gatas habang ako naman…

Ditch: Look! smoke! * pointing his fingers dun sa nakikita niyang usok*

Wei: huh? anong smoke? you’re dreaming!

Ditch: hindi… yung smoke ohhh!!

Wei: walang smoke!

Alam ko, tatabi na siya saken kaya napatakbo ako sa may pintuan at napalabas ako…dala dala yung walang kamalay malay na yosi. Alam ng ermats ko, pero syempre, ayoko namang malaman ng 4 yr. old pinsan na hindi kami naiiba sa mga lola at tatay namin.

Ditch: Bat labas kuWa?!

Lou: Huh? Lumabas? natutulog na kaya?!

Ditch: Labas siya!

Lou: hayy nakoo… matulog ka na nga!

To cut the long dialog short, nakatulog na siya at pagkagising, nagsumbong na nga sa nanay namin.

Mommy: Kita nyong may hika yung bata, ang lakas pa ng loob nyong manigarilyo dito sa bahay! pano na lang kung atakihin yan? wala pa naman yang gamot!

Wei: ma, were not taking cigarettes noh?!! he only said fah-yer..so we cannot assume na yosi nga yun!

MommY: pANO MO naman ipapaliwanag saken na umaarte yung bata na nagyoyosi?

Wei: eh adik yan eh! inaamoy yung yosi sa tindahan!

Lou: katol lang kaya yun!

Mommy: woo~ katol lang! ditch! yosi yun diba?

Wei: To ditch: sabihin mong yosi yun uupakan na kita!

Ditch: * hindi alam kung sino kakampihan kaya umalis na lang sa kusina para maglaro dun sa kwarto*

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in life and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

24 Responses to “Tita ber-gee…Si kuWa Wei at ate Louu…may Fah-Yer!”

  1. batopik ay nagsasabing:

    nyahahahaha! ayus si Ditch ah [filing close?] hahaha! buti na lang marunong at hindi niya naisiwalat ung yosi. ahahaha! XP

    buti na lang.. mas close siya saken kesa sa ermats ko ^^

  2. louka ay nagsasabing:

    kua wei… ate lou….

    may fah yer oh….

    naalala ko lang nung magyoyosi na ko sa banyo.. haha

    ate lou… asan na yung fahyer mo??

    oh xa.. w8 lang… tnkkatawa talaga mga naganap

    may fah yer nga eh..kaya nahuli tayo… =))

  3. eloiski ay nagsasabing:

    wahahaha!
    ang cute naman nung kuwa wei at ate lou!

    sumbungerong bata! pero ang cute nya!

    sumbungero nga..mana saken… hehehe

  4. Geisha ay nagsasabing:

    ayan! di ka kasi nag-iingat!
    atribidang bata! sarap batukan! hehhe joke! πŸ˜‰
    cute nya!
    nung bata ako mas cute ako sa kanya! πŸ˜†

    musta wei ?

    hehe..mas cute ako..lols.

    eto..ayos naman.. surviving ^^

  5. cliogoddess ay nagsasabing:

    bwahahha, bad ka kuwa wei.

    di naman =P

  6. aKDa ay nagsasabing:

    haha. kawawang bata. sabi sayo, gayahin mo ko, sa si-ar.! para ikaw na lang masuffocate. hahaha.

    di ko naman na expect na magigising si ditch sa yosi.. lols

  7. TON ay nagsasabing:

    kala nyo mauuto nyo yung bata ah! BWAHHAAHA

    hehe,….lumusot ako noh? katol nga eh…KATOL!

  8. y ay nagsasabing:

    pwedeng hingiin ko na lang si ditch? hehe! kagwapong bata! pag sinapak mo yun…hmp! papa-hunting kita. haha! bawasan na kasi yosi. mamya nyan baka makita mo na lang pati si ditch nakiki-puff na sa’yo. haha!

    hmm.. hindi niya alam yung sinabi kong “uupakan na kita!” ang alam niya, galit ako nun.,. tsaka alam ko din na saken siya kakampi eh…wahahaha! mana sa panganay niyang pinsan *ehem*

  9. wei vines ay nagsasabing:

    …and NOO! kunin niy0 na lahat ng baby cousins ko wag lang siya! wahahahaha!

  10. ifoundme ay nagsasabing:

    ang cute naman ng batang yan… pwede bang hiramin? hindi ko na rin isasauli.

    hindi pwede! hmpf! hahaha!

  11. koreanmine ay nagsasabing:

    berigud eksampol ka πŸ˜€

    ahahahah!

  12. Maldito ay nagsasabing:

    sabing sa cr manigarilyo eh!..tigas ng ulo..ahehhee…tara yoosi tayu!

    kakasawa naman kasi sa cr eh.. ahayyy.. sige..yosi..kelan naman?! =P

  13. kengkay ay nagsasabing:

    huli! kaya itong si kengkoy parati ko ring sinasabhin na wag maingay kapag andyan mga bata kasi minsan super manlalait din yon e, mahirap ng ulitin ng mga kids, hahaha

    hahaha! tama tama ^^

  14. dakilang islander ay nagsasabing:

    ang tagal kong inisip kung ano ibig sabihin ng fah-yer…heheh hina ng pick up ko..

    ok lang.. di lang naman ikaw eh ^^

  15. Aling Baby ay nagsasabing:

    lagot ka kuwa wei hehehe….ang kulit! πŸ™‚

    buti na lang at nakalusot pa yung katol hehehe….pag hindi na bulol si ditch, hindi na kayo makakalusot. πŸ˜€

    hmm hindi niya kasi alam tamang term s ‘yosi’ eh..at ayoko malaman yun! at least.. kung FIRE nga naman..pwedeng katol,kandila..o lighter..wahahaha!

  16. tim ang ay nagsasabing:

    natawa ako sa pangalang ditch.

    son of a ditch?

    yun nga ata history kung bakit ditch pinangalan sa kanya ng erpat niya..hayyy

  17. walongbote ay nagsasabing:

    ang kyut naman nya.. mana sating 2 hahaha.. dinamay ko pa sarili ko.. πŸ™‚

    ayus lang πŸ˜†

  18. linglingbells ay nagsasabing:

    hahaha!! hangkyut ni ditch!! mahirap talaga pag ang witness ay isang bata.. tsk tsk

    hehe..madali lang..kung siya..pero pag iba kong pinsan…hirap..haha!

  19. neex ay nagsasabing:

    ahaha.. marunong na magsumbong. walang kawala

    kaya pa lumusot πŸ˜†

  20. beero ay nagsasabing:

    hahaha. kawawa naman si ditch. bat di mo pa kasi inamin na yosi nga yung nakita nya. sya tuloy ang nahirapang sumagot sa ermat mo. meron ka pa bang yosi dyan? penge naman. LOL.

    ehh sumbong ng sumbong eh… kaya ayan… ayan nangyari…heheh… yosi?teka kuha ako =P

  21. emoterang nurse ay nagsasabing:

    kawawa naman si ditch, hindi alam kung sino ba sa matatanda ang kakampihan…

    baka sa susunod na makakita yun ng yosi ang sabihin katol yun, at pag nakakita ng katol sabihin nya yosi yun…hahahahaha…

    lahat naman ng may fire… FAH-YER na eh.. hahaha! salamat sa pagdaan ^^

  22. lyingwithclotheson ay nagsasabing:

    blog hopper.. ang cute cute nga nya.. hehehe.. at ang taray, ma cellphone.. hihihi.. ilang taon na yan..

    yung isa kong inaanak.. dirk ang pangalan.. at meron pa akong kilala, shrek naman, anak ng kaklase ko nung college..

    may fay-yer.. πŸ˜›

    4yrs old… hehehe… grabe naman yun! SHREK! sabagay..siguro paglaki ni shrek, di na uso yung shrek ^^…salamat sa pagdaan

  23. Neex ay nagsasabing:

    ampness.. napabasa tuloy ulet ako nito. πŸ˜†

    hahahah!!

  24. fhranz ay nagsasabing:

    ang galing naman ni baby ditch..

    hahaha

    natakot lng kay kuwa wei kaya di nakapg sumbong..hahahaha

    galing galing

    ganun talaga..pwede ko pa i-manipulate mga utak nila ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s