haha! leche!

I.

nakakasawa na rin pumasok. Bakit? kasi sa araw araw na nabubuhay ako dito, yun at yun pa rin ang nakikita. Ang building ko! Taena, kung di pa ko inugat dito eh ewan ko na lang.

II.

petiks pa rin pero kabado pa rin ako kasi alam ko, tatadtarin kami ng plates o kaya, sabay sabay ang deadline. Na trauma na rin ako dyan nung freshie pa lang ako kaya ang saya ko naman dati nung irreg ako.

III.

Okay naman ang environment. Same old like me. Madaming freshie na nagkalat sa mga kainan ng noval kaya medyo nagulat ako. Dati kasi, pag dadaan ako, feeling sikat kasi madaming bumabati saken. Ngaun, hinaharap na nila thesis nila kaya bihira na lang kami magkita kita ng ka batchmates ko..hayyy…

IV. PUTANGINANG KEEP BLEEDING YAN!

IV. Cramming

wala pa naman kami sa stage na to weh. Pero nag ka cramming na utak ko kung pano ko paghahati-hatiin ang oras ko sa lovelife, social life, and oh-so-many-lives na hindi matutulala. Oo, sakit ko na yun kung minsan lalo na sa mga friends ko sa college at maski sa professor ko. Syempre, hobby ko na magpa good shot lalo na sa mga prof ko. In fairness, nagsawa nako sa panlalait ng mga prof ko at pagsita nila sa ugali ko nung freshie pako kaya inayos ayos ko buhay ko (in short: nerd!) whenever i step in our building. Paglabas, pag kaharap ko na mga friends ko sa ibang building, pwede nakong mag ingay! yey!

V. Pagod

Nakakatamad na rin mag pc pagdating sa bahay. After school, (kasi wala pa naman masyadong ginagawa eh. discussions pa lang. nextweek na yung deadline. =)) gumagala nako. Either nasa trinoma ako,nasa bilyaran, inuman, o simpleng tambay lang sa school (pag walang pera); pag uwi ko, matutulog na lang ako. hayyy…

VI. Pulubi

Literal. Nagkalat na naman sila para makakuha ng pera mula sa allowance namen. Taena, ang maynila, buhay na buhay sa mga estudyante! wala lang, napansin ko lang…

VII. no id. FRESHIE!

tangkena, ewan ko ba kung pano nawala ID ko eh alam ko nasa bag ko lang yun! wooo~ badtrip, ayaw nakong pakuhanin ng ID kasi nag apply na daw ako last year…eh pota! kung nawala nga uli diba? leche nila… mawawalan din sila ng ID!

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in life and tagged . Bookmark the permalink.

15 Responses to haha! leche!

  1. dakilang islander ay nagsasabing:

    ayus lang yan…gusto ko nga balikan yung time na yan eh kasi wala kang pinoproblema tanggap lang allowance weekly..ehhehh

    sabi nga ng prof ko…mabuti pa daw kami pwede mangupit…mas malaki kick back pag thesis na…samantalang sila daw, di daw nila makupitan mga misis nila πŸ˜†

  2. watusiboy ay nagsasabing:

    naalala ko tuloy ang college days. ganyan talaga tyagaan lang. mamimiss mo rin yan pagraduate mo i’m sure.

    regarding dun sa pulubi, ang mga binibigyan ko yung mga hindi ‘paawa epeks’. naiinis ako kapag may effort magpaawa. walang dignitiy. hehe.

    hehe…kaya nga im savoring every moment pag nahahassle nako eh… ^^
    hindi talaga ko nagbibigay sa pulubi…kahit sino…smile na lang ako sabay sabi na “nanghihingi lang din po ako eh” πŸ˜€

  3. tim ang ay nagsasabing:

    keep bleeding keep keep keep.

    tama ka wei. putangina ang kantang yan.

    apir!

  4. geisha ay nagsasabing:

    hahahahaha goodluck! πŸ˜€

    thank you! ^^

  5. utakmunggo ay nagsasabing:

    namnamin mo ang mga huling taon mo sa kolehiyo, dahil pagtapos niyan, hindi na allowance ang ibibigay sa iyo ng parents mo, kundi “dirty looks”.. lalo na kung petiks pa rin after graduation. haha

    (payong ate lang..)

    πŸ˜€

    hayyy..kelan bako lalaya? πŸ˜†

  6. Aling Baby ay nagsasabing:

    uki lang yan wei, mami-miss mo rin ang college layp pag may work ka na. kahit dami irap, masaya naman hehe…saka nakakasira ng lablayp ang pag-aaral haha jowk!

    haha! in my case..yeah… demanding yung college namen sa oras hehehe… kaya nga nagpapakabibo nako para ma enjoy ko lalo yung college year ko..hehe.. salamat sa pagdaan ^^

  7. aga ay nagsasabing:

    kaya mu yan!! asust πŸ™‚

    oo kaya ko..thanks πŸ˜‰

  8. Maldito ay nagsasabing:

    bleeding?kantaba yan ni leona lewis…e enjoy mo yang buhay mo na yan habang estudyante ka pa…

    patay ka na if nag wowork ka..walang ng lakad lakad…hu hu hu

    pano ko i-eenjoy eh tinatambakan lang kami?huhuhu…

  9. Jeck ay nagsasabing:

    IV. PUTANGINANG KEEP BLEEDING YAN!
    —hahahahaha! dito sa pantry namin laging pinapatugtog yan. napamura din kami kasi nagka-LSS na kami ng mga opismeyts ko. bwahahaha! isa pang mura – tangina! keep bleeding, keep keep bleeding love…haha!

    sa tingin ko number V na dapat yung cramming. lols

    hehe..sadya yan eh. Kasi wala nakong maisip na word to elaborate that fucking song… napapamura na talaga ko pag naririnig ko yung dumudugong pag ibig na yan πŸ˜†

  10. batopik ay nagsasabing:

    “IV. PUTANGINANG KEEP BLEEDING YAN!”
    -hahaha! nakakainis din yang kantang yan paminsanminsan eh.. palaging lamn ng mga radyo amp! hahaha! =P kaya yan kuwa wei.. hehehe..

    kahit anong iwas ko sa keep bleeding, sinusundan ako hanggang classroom 😦

  11. dave1112 ay nagsasabing:

    bleeding love?? naging LSS mo na ba?? haha…sabi sayo e, patulan mo na si khia…haha.. πŸ˜†

    pareho tayo ng sa #5 hayyyysss… 😦

    hahaha! wag ka malungkot..sarap naman gumala eh… πŸ˜†
    ayoko nga… baka maging emo ako kay khia πŸ˜†

  12. aKDa ay nagsasabing:

    hahaha. ampanget ng bag nila ngayon. MADILAW~! nyahahaha. ay, sori, baka may masaktan, o well, basta, mas ok ung last year, at siempre, ung samen, at yung kulay cream na bigay mo saken, may picture kasi ng arch yung senyo e. lupet. ^_^

    haha! mas muka pa ngang senior samen yung mga freshie eh..heheh… basta..yun na! πŸ˜†

  13. kamotenista ay nagsasabing:

    masaya pa rin maging student…mayaman kasi maraming baon pag nag-work ka na isa ng PG…wahaha

    enjoy lang para pag ouot of school kana hindi mo sasabihin sa sarili mo “sana noong student plang ako- – – -“maraming sana….hehehe

    hehe… ineenjoy ko hangga’t maari πŸ˜€
    kasi, pagka graduate ko, ako na gagatasan ng nanay ko..huhu..hahaha
    salamat sa pagdaan πŸ˜€

  14. jeeper ay nagsasabing:

    Nung estudyante ako, sawang-sawa din ako pumasok kasi gusto ko na rin mag-work agad. Pero ngayon, gusto ko na la ng mag-aral ulit. Maniwala ka sa akin sa sinasabi ko na mami-miss mo rin yan pagdating ng panahon.

    hehe..naniniwala naman ako..akshalli, wala pakong balak grumaduate, kasi maski prof ko, parang warning na sinasabi saken na “Just be a student, and you will pass the subject” kaya i’m a student lang πŸ˜†
    salamat sa payo…i’m still enjoying this life with my plates πŸ˜€

  15. Chaz ay nagsasabing:

    stress reliever ang number 7. WAHAHA. nice! masaya ang naging una kong pagbisita. mabuhay ka! πŸ™‚

    hahaha.. tatlong beses na kasi akong nawalan ng id.. at isang sem lang ang pagitan ng mga pangyayari.. ewan ko ba gustong gusto nila mukha ko dun kaya siguro kinukuha id ko.. tsk..
    salamat sa pagbisita:D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s