…And I thank you

Habang dumadaan ang mga araw na nabubuhay ako; muntik muntikan nakong hindi maniwala sa Lolo kong chinese na non bio-degradable o yung non biological grand pa ko na step dad ng mommy ko. Syempre, pure chinese, he believes in ancient times. Ibig sa meaning, naniniwala siya sa mga kung fu, fung shui, at fung shui pa. At dahil nakatira ako sa kanya, hindi rin maiiwasang hulaan niya kung ano kapalaran ko.

Okay naman. Kaya nga pinabayaan niya nanay ko na mabuntis kasi pinanganak ako sa panahon ng dragon. Sa katunayan nga, nakakalimuntan ko yung certain gap namen pag nagkkwento siya tungkol sa buhay kabataan niya. He told me his own adventures; kung pano siya naging member ng akyat bahay sa mismong bahay na inuupahan pa rin namin ngaun (niloko kasi siya na ibebenta na sa kanya yung apartment) dahil daw UMAGA na siya nakauwi ng bahay; kung pano siya natutong magtagalog for the sake of communication na self study pa, at kung bakit kailangan niya pang umakyat ng bundok para sa mga saging na ibebenta niya kasi kailangan niyang mabuhay.

He told me stories na hindi kapani paniwala pero naniniwala naman ako. In all fairness and all catholics, mas trip ko pang magsimba at magsindi ng ensenso sa templo niya kesa lumuhod, tumayo umupo at matulog sa simbahan. Don’t worry GOd almighty, nakikita ko si Jesus at mama Mary sa templo nila.

—-

Sabi niya pa, dumadating si santo singkong pag namumula siya. Kagulat nga eh. Naabutan ko one time na namumula si Santo singkong at feel na feel ko na nakangiti siya saken na pilyo. Sabi ko na nga, may kamalasan na nangyari saken–nawawala id ko sa bag! Pero sabi ko na nga din, araw araw pa rin ang blessings na binibigay niya saken: I still have friends, families and even my teachers in highschool na pag nakikita ako eh napapagastos sila ng pagkain kaya hindi pa rin mawawala ang smile ko sa tiyan.

Nung isang beses na natakot ako kasi may bumulong saken habang umaakyat ako ng hagdan…

Angkong: chinese ba sabi?

Wei: Opo. Di ko nga masabi kung ano sinabi niya eh, kasi chinese!

Angkong: Si santo singkong yun! wag ka matakot, swerte yun.

–at naniwala naman ako.

Pag umuuwi ako sa bahay, hindi na mawawala yung punchline ni angkong na: “kumain ka na ba wei?” at di na rin mawawala ang walang kamatayang pagsagot kona: “opo, kasama ko mga kaibigan ko eh, kaya napakain ako. Akyat na po ako ah! *mwah!*” At di na siya makakasagot. Ngingiti na lang siya saken at tatango para paakyatin nako sa taas.

Pag umuuwi ako na halos babagsak na luha ko, alam na niya na may problema na naman ako sa school. Ewan ko ba, pag nakikita ko siya, automatic na babagsak na luha ko at magmumukmok sa tabi niya habang nagbabasa siya ng dyaryo. Pagkatapos kong ngumawa ng mahabang dialog, ilalagay niya yung kamay niya sa ulo ko tanda ng pagiging immature ko at parang robot ako na automatic na ding tatahan.

Pinapakilala niya ko bilang apo. Bilang kadugo. One time nga, pinagtripan ko na hindi magpaalam sa kanilang lahat at umuwi ako ng ala sais ng umaga. Bakit? wala lang. Gusto ko lang silang galitin. Hehe… Kung saan saan daw ako hinanap at pinagtanong tanong pa sa manager ng mayrics kung andun daw ba ako. Syempre, kung magpapahanap ka ba, dun ka magtatago? Akala ko, magagalit siya……akalain mo nga namang, niyakap pako at sinabi in chinese na: “you’re home!”

Wei: angkong, promise mo dapat makita mo muna magiging apo ko bago ka ma-deadz ah!

Angkong: hahahaha!

Wei: seryoso ako.

Angkong: Baka hindi na kaya ng katawan ko.

Wei: ahh sige…pagpasalamat na lang kayo kay santo singkong kasi naging apo niyo ko!

Angkong: hahahaha!

Wei: seryoso…

Angkong, lam kong matanda ka na at na achieve mo na yung contentment na hinahanap mo. hindi pa rin naman obvious na 80 something ka na eh, kaya sana, if ever na kaya nyo pa, turuan niyo naman ako makapasok sa bahay ng walang susi. Salamat.

Salamat na din na hindi naging iba yung tingin niyo samen although hindi talaga tayo magkadugo. Lam niyo po, mas naging lolo ko kayo kesa sa lolo ko in blood. Salamat talaga. Pano kung wala kayo? edi hindi ko sana nakilala si tito at si santo singkong. Love you! Happy father’s day!

Hugs and kisses,

xoxo

wei=)

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in family and tagged , , , . Bookmark the permalink.

16 Responses to …And I thank you

  1. cliogoddess ay nagsasabing:

    aaahhh, ang sweet mo nman,.

    heheh,

    sana apo narin kita,

    hehe

    hmm.. after life? =P

  2. Aling Baby ay nagsasabing:

    ang drama naman nitong entry mo wei. pero lam mo ramdam ko yung sincerity ng pagpapasalamat mo sa kanya kahit na me pahabol ka pang kalokohan sa huli hehe…ang swerti ni angkong kahit na makulit ka haha, sana mas matagal pa kayong magkasama. πŸ˜€

    hahahah! sana nga…. πŸ˜€

  3. kengkay ay nagsasabing:

    hay, masarap pala maging apo si wei πŸ˜€

    awww..hehehe… di naman…di siguro..baka naiirita na saken si angkong πŸ˜†

  4. utakmunggo ay nagsasabing:

    *nawala raw ang poise ko*

    punyemas naiyak ako dito.

    wala kong masabi..tahan na… πŸ˜†

  5. Maldito ay nagsasabing:

    lumaki ako ng indi masyadong kilala ang mga lolo ko.sruict ang lolo ko sa paders side…kasi kastila…indi ko trip ang mga ganun…parati nalang ako pinapangralan..

    mabuti kapa..may bonding moments kay lolo.

    hehe…gulat nga ko eh..kasi yung adventures nya saken lang sinabi… naks naman kastila! kaya pala habulin ka ng chicks πŸ˜†

  6. ladyracer ay nagsasabing:

    namiss ko tuloy lolo ko. wala na akong lolo eh on both sides. anyway, dragon din ako eh πŸ™‚

    hehe…talaga? hindi pala tayo magkakasundo πŸ˜†

  7. Geisha ay nagsasabing:

    hindi ako maka relate!
    cgro pag buhay pa yung mga lolo kasabay ko yun magyosi! πŸ˜†

    buti na lang patay na sila pareho.. heheh my bad!

    hehe..its okay
    malamang! tobacco kanila sayo naman yung pang sosyal talaga diba?hehehe

  8. Geisha ay nagsasabing:

    “pwede na kita maging apo 67 years old na ako”, Clio

    ayan nakikicomment!

    solb na sa kin kahit tabako wei.. papel nga hinihithit ko πŸ˜€

    hahaha! sige po mga lola πŸ˜†
    naku…deresto bituka ata yung papel eh…=P

  9. beero ay nagsasabing:

    bigla ko tuloy na-miss ang mga lolo ko na parehong wala na sa mundong to. hehe. di ko man lang naranasang makipag-inuman sa kanila. tsk, tsk, tsk…

    naku.. mahihirapan tayong i-convince mga lolo naten makipaginuman…hehe…baka pag inaya naten atakihin pa sila πŸ˜†

  10. kamotenista ay nagsasabing:

    buti ka pa may lolo…huhuhu
    ako sa pictures ko lang sila nakita…
    kakainggit naman

    pagdasal na lang naten sila πŸ˜€ malay mo ginagabayan nila ikaw πŸ˜€

  11. batopik ay nagsasabing:

    huwaa.. answeet.. my hugs and kisses pa.. natawa lang ako dito.. “if ever na kaya nyo pa, turuan niyo naman ako makapasok sa bahay ng walang susi” hahaha! xP namimiss ko tuloi lolo ko..

    hehe… seryoso yan… πŸ˜€

  12. mang BADdoy ay nagsasabing:

    haizzzzz…. nakaka-iyak nga… wala nako lolo e patay na sila pareho… sana LOLO na lang kita! joke!!!

    ayy… hahahaha!!! sure… ang kaso di uso saken ang galangan πŸ˜†

  13. gugmagiatay ay nagsasabing:

    hmm lolo’s boy ka pala. ako sobrang lola’s boy ka naman. kakainis nga eh 1 month before i graduated sa college na dedo sya. sayang di nya tuloy nakita paano ko i- french kiss si Oble! ehehehehe

    nice blog dude

    hahaha!! sayang naman…for sure, nandun siya nung ni-french kiss mo πŸ˜†
    salamat sa pagdaan…penge link ^^

  14. taps ay nagsasabing:

    year of the dragon ka?

    naku ka-swerte mo.

    if mapunta ka sa mga chinese countries, like hong kong and singapore, hindi ka mawawalan ng trabaho.

    pag aagawan ka. :-]

    weh talaga? hmmm… hehehehe…

  15. angel ay nagsasabing:

    uyy parehas tayo, dragon din ako eh.. hehehe.. Hindi daw naghihirap mga dragon! huwaw!

    Ang sweet mo naman sa lolo mo.. AKo din minsan trip kong galitin yung mga tao dito sa bahay.. heheh pero minsan lang talaga yun promise! πŸ˜€

    naku..sana nga hindi naghihirap mga dragon… (sa pera) hehe…siguro nga di ako naghihirap kasi maraming nakaalalay saken.. πŸ˜€
    oo, saya noh? πŸ˜†

  16. tin ay nagsasabing:

    angkong, kongkong, konga, goakong, angkz, whatever we call them, they’re still the best! ni men te angkong ren hen hao…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s