familiar (not so) strangers

Note: Updated na yung blogroll, pakicheck na lang para ma edit ng mas maaga yung mga names nyo sa link..hehe… salamat ^^

One more thing, kung maghahanap ka lang naman ng buhay arki sa blog ko eh click nyo lang yung categories dyan para di kayo maligaw. OK? k. Sayang naman yung pagod ko kakaclick ng categories kung di mo man lang ginagamit. HMPF!

Wala pa naman yung ‘season of suck’ sa buhay estufuckingjante (e.g. deadline) namen at kung meron man eh kayang kaya talaga ng isang upuan yung pinapagawa. Sa katunayan nga, bumabalik na naman yung mga bisyo ko na dapat sana eh tinanggal ko na ngaun pa lang (inom,gala,babae) para mas lalong ma concentrate ang buhay ko sa apat na sulok ng classroom. Sabi nga ng professor ng kapatid ko: Just be a student and you will pass the course-=> kaya binalik ko yung dating bisyo ko. LOL.

Ewan ko ba kung anong ‘enerhiya’ ang meron sa building namen at parang nawawalan ako ng ganang magdaldal pag nasa building nako. Hindi ako makulit sa mga classmates ko. Hindi din ako masyadong nakikipagcommunicate sa kanila depende na lang pag absent sila at nagtatanong ng assignment although, 3yrs ko na sila kasama (yung 1 year, na first year ako eh iba pa classmates ko). Pero pag kaharap ko na yung mga classmates ng kapatid ko at barkada, lumalabas yung mismong AKO. Bakit ganun? Sabi nga nila, baka iba ang level ng utak nila sa utak namen. Galing noh? weehh…

Heniway,

Walang kaso naman saken kung ngumingiti yung mga hindi ko kilala sa daan kaya magrereply naman ako ng smile. Minsan pa nga, nung umulan at bumaha sa school, may nagsampay din ng medyas niya at sapatos dun sa may aircon. Ngumiti siya, at ako naman, nagtago. Baket? Nahiya ako eh. Kakaintimidate talaga yung magaganda at nagpapaka friendly sa harapan mo tapos ikaw naman, di mo alam kung ano i-rreact mo. Di bale, pag ngumiti ka uli saken, hindi lang smile ang reply ko sayo. Dadaldalin pa kita ^^.

Kakagulat lang kasi may mga bumabati din saken na hindi ko talaga kilala. Katakot Kasi nagkalkal pa ako sa utak ko kung saan ko nga ba sila nakilala (although wala nga kong makalkal)

x: si wei oh!

wei: (narinig ang pangalan,lumingon naman kasi alam ko, ako lang yung ‘wei’ sa archi eh) oh! hi! (kunyari kilala)

x: musta?

wei: ahh eto, papasok pabalik balik sa 2nd floor. Hirap hanapin ng prof namen eh.

x: sino bang prof?

wei: si sir ____ andun na daw sa kanya yung libro.

x: ahhh

wei: ikaw? musta na?

x: eto, doing plates pa rin..hahaha!!

wei: what’s new?

x: wala masyado..kasawa na rin..hayy.

wei: ano ba, bond paper size na lang yan! magreklamo ka kung 20×30 yan with extension!

x: hahahah!

wei: cge cge!

x: sige..

…at nakalimutan ko na itanong ang pangalan niya. Kahiiiyyyyaaaa!! Sa totoo lang, di ko siya kilala. Ang ganda ng smile nya saken kaya nag smile back na lang ako. Sorry miss. Di bale, pag binati mo uli ako eh itatanong ko na ang pangalan mo at makikipagkwentuhan pa sayo ng matagal. Sorry talaga.

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in life and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

16 Responses to familiar (not so) strangers

  1. jhamy woops ay nagsasabing:

    aba at arki ka pala.. hehe.. madami den akong fwends na arki back when i was still in college.. ahihi.. pero IT ang cors ko..

    pang anung design mo na ba?

    uy, nga pla pwede bang i add kita sa mga links ko? salamat..

    bisita ka na lang sa page ko.. πŸ™‚

    secret..hehehe… oo sige, ayos lang na i-add mo ko thanks ^^

  2. Geisha ay nagsasabing:

    pare musta? πŸ˜‰
    mukang busy ka ngayon sa studies mo ah.. tama yan for future purposes.. hehehhe πŸ˜†

    at may time ka pang mambabae sa lagay na yan!

    hehe..busy nga…at nagkakaroon pa ko ng oras maglandi…hehehe

  3. mang BADoy ay nagsasabing:

    salamat sa blogroll!!! add kita mamaya na ha asa opis ako e… check ko din yung entry mo sa lunch break baka masesante ako e… petiks na nga work ko nag nenet pa.. πŸ™‚

    thanks for visiting my site.

    hehe..kahit di na… πŸ˜€

  4. lyingwithclotheson ay nagsasabing:

    ay! sikat!! ako rin, di ako magaling sa names, memory gap to the max ako πŸ˜€

    ay natuwa naman ako, nasa blogroll mo ko. ahihih πŸ˜€

    hehe..yung kinausap ko.. di ko talaga kilala. Matatandaan ko naman siguro sa muka eh..ang kaso di ko talaga kilala… hehehe… salamat, natuwa ka πŸ˜€

  5. lizlizliz ay nagsasabing:

    cute naman! pag nakasalubong mo ulet kausapin mo naman~ haha malay mo diba . . . ;p

    Sabi nga ng professor ng kapatid ko: Just be a student and you will pass the course–> kaya binalik ko yung dating bisyo ko. LOL.

    BENTA! hahaha

    hehe…kilala mo siya tsong.. nasa 2. Nahiya ako eh… as in. πŸ˜†

  6. didee ay nagsasabing:

    haha mag-aarki din sna ako nung pa-college pa lang … pero ewan at bakit komsci ang chineck ko sa list hahaha πŸ˜€ kay heto buhay computer ako.

    salamat sa pagbisita sa blog ko πŸ™‚

    comsci? di nalalayo ah! hindi talaga! hehehe… pero buti di ka nag arki..butas na butas bulsa mo… lols.

  7. utakmunggo ay nagsasabing:

    wei,

    siya si…

    sadako.

    nyaaaaaarrrrgggghhhhh!!!!

    *takbo!*

    waaahhh! di siya kamuka ni sadako..ganda ni sadako noh?lols πŸ˜†

  8. emoterang nurse ay nagsasabing:

    wahaha…may ganyan din akong incident…di ko din maalala name nya pero binati nya ko dhil naging classmate ko sya..wahaaha

    sna lang maalala mo na name nya sa susunod…

    archi?uste?hehehe…
    thnaks sa pag add sa link i’l add you up…

    ahahaha!! ‘gang ngayon di ko pa rin maalala… di ko siya naging classmate, di ko rin nakainuman, wala talaga eh..huhuh….

  9. Aling Baby ay nagsasabing:

    aba naman hindi ko alam na shy type ka pala hahaha…kase hindi halata!

    minsan kasi wag ka naman autistic, makipag-prenship ka naman hehehe…:)

    tatanda ka agad nyan. πŸ˜€

    hehe.. sa loob lang naman yun ng building.. hindi ko feel eh…ewan ko ba…pero pag nasa labas ako ng building namen and I am talking to my friends in different colleges, normal naman ako…haha! πŸ˜†

  10. linglingbells ay nagsasabing:

    okay lang yun.. di naman niya ata nahalata na di mo siya kilala.. haha!

    haha! pero pano next meeting? sabagay, mukang hindi nga niyahalata πŸ˜†

  11. koreanmine ay nagsasabing:

    ako din , pag binati ako at kinausap na parang magkakilala kami, khit di q xa matndaan eh shy ako itanong kung cno xa at mega nakikipag usap ako as if kilala ko din xa πŸ˜€

    hehe… ang hirap noh?waahhh~

  12. kengkay ay nagsasabing:

    ay ako lahat bespren ko, pang miss universe yata ako, ahahaha. nung isang araw nga sunod sunod yung kaway ng kaway sa akin, sempre kaway din si kengkay. nainis na yung mga little kengkays, sabi nila, kilala mo ba silang lahat? sabi ko, hinde! ahahahaha

    hahah!!! ang dami mong fans ate πŸ˜€

  13. anjel ay nagsasabing:

    Hi.. cute ng blog mo..haha πŸ™‚

    wala lang.. pag di ko kase kilala, nginingitian ko lang..haha!
    ayon,pag may ngumingiti naman saken, nginingitian ko din kaya kala nung iba pag guys type ko.amf!at nakilala ko yung isang nguminigti saken and may gusto daw pala cya saken… un lang!hahaha.. πŸ™‚

    hahah! akala nila may gusto ka din sa kanila..nexttime simangutan mo na πŸ˜€ salamat sa pagdaan πŸ˜€

  14. sa saliw ng awit ay nagsasabing:

    ahaha, aliw naman ‘to. hello, wei! ba’t nga pala walang bagong post? busy you? πŸ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s