Pag mag aasawa na ako

Wei: Ma,lutuan mo nako ng dinner please.

Mommy: Bakit hindi ka pa kasi matutong magluto haaa?!!!

Wei: sabi ko nga, pag magaasawa nako.

******

Friend: kelan mo naman tatantanan yang bisyo mo?!!

Wei: pag mag aasawa nako.

Friend: (pause) kelan mo naman balak mag asawa??!!!

Wei: yun nga, imposible pa sa ngayon πŸ˜†

******

Akda: buti pinapayagan ka ng nanay mo na hindi magsaing…

Wei: eh sabi ko nga sakanya, matututo lang ako magsaing pag mag aasawa nako. hehe

******

Oh well, masyado na yata gasgas yung reasons ko na yun: Pag mag aasawa nako. Syempre, kung magrreason ka lang naman eh malapit na medyo malayo sa reality. Diba diba? Pero pano nga pag dumating na yung time na kailangan ko nang mag asawa at kailangan ko ng tigilan magbisyo, matutong magsaing at kung ano ano pang pangako ko ngaun? titigilan ko na nga ba? matututo na nga ba ako?

At sabi ko nga, magaaral muna ako. hehe.

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in family and tagged . Bookmark the permalink.

32 Responses to Pag mag aasawa na ako

  1. apollo ay nagsasabing:

    hmm… ok na palusot yan bosing. haha!

    wei:yeah..kaso nakaksawa na rin pag yun at yun lagi palusot ko.. πŸ˜†
    link mo pre?? add kita πŸ™‚

  2. nuel jose ay nagsasabing:

    never ko pang ginamit na palusot yan. pa-try ha. :))

    tama yan. mag aral ka muna. hehe.. πŸ˜€

    wei:sige, gamitin nyo lang πŸ˜€

  3. kengkay ay nagsasabing:

    ako ganyan din dati, mag aral lang mag saing at magluto kapag may asawa na. o ayan, nung dumating ako dito sa alemanya di ako marunong magluto. mabuti marunong si kengkoy. nung nabuntis ako at naghanap at nagcrave ng todo sa pinoy food — ang puntahan ko? mdco! natuto bigla akong magluto kundi gutom ang bebi ko sa tyan… minsan naka overseas call pa ako habang nagluluto dahil si nanay ko tinuturuan ako, waaaa

    wei:haha! apir! hayaan mo na muna yung future, atupugin muna yung present πŸ˜€

  4. Geisha ay nagsasabing:

    dami mong palusot!
    batugan ka lang talag.. hihihihihih πŸ˜›

    oi kahit naman hindi ka mag-asawa you need to learn the basics of survival, lalo na pagsasaing! pano kung mag-isa ka na lang or may asawa ka na…?

    dapat marunong ka na ngayon pa lang πŸ˜€

    wei: yun lang ang mahirap noh? kapag magisa lang, hirap kumain ng totoong pagkain..pero syempre, dahil tanggap ko na yung consequences, alam ko na yung hirap nun.=->kaya bumibili na lang ako ng pagkain sa labas πŸ˜€

  5. iskagero ay nagsasabing:

    hmm.. masarap din pag may asawa na.. believe me.. pero syempre, aral ka muna.. πŸ˜€

    yeah..aral muna πŸ™‚

  6. Maldito ay nagsasabing:

    tangena…ako nga wala pang nalalaman kahit na isang putahe..o magkompuni lang ng gamit sa bahay…inutil..

    pero indi ako tinatanong ni nanay..

    indi naman ako nakatira sa isang bahay lang eh..ahahaha

    wei:haha! kaya naman pala eh πŸ™‚

  7. utakmunggo ay nagsasabing:

    haaayzzz
    totoo yan kapatid. haha
    magpakasawa ka sa buhay mo habang wala pang nakakabitag sa iyo.
    dahil kapag nagasawa ka na, wala nang kawala!
    para kang may ka-housemate na dementor at sisipsipin lahat ng kaligayahan mo sa buhay. (ganyan ang pagdescribe sa akin ni sarge.. isa raw akong dementor.)

    if you want to be happy for the rest of your life, never get married. tamo si hugh hefner. haha

    wei: akshalli, di ko alam kung anong sense ng pagkakaroon ng asawa..pero dahil yun ang hindi nalalaos, i’ll be ready naman to face the challenge..hehehe… πŸ˜†

  8. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    parang nai-reason ko na rin yan so many times. kaso nga lang minsan napi-feel ko rin na It’s time change things, it’s time to move on and it’s for clear” na kailangan ko matuto dapat lang.

    hirap din na di ako marunong magluto, kinakantyawan ka na eh paano na lang kung wala magluluto for you. tas mahirap din na mag-comment na di masarap yung food, boomerang lang!

    hayuun nag-iisip pa rin ako kung paano ako matutoto hehehe.

    wei: so far, hanggang isip na lang din ako πŸ˜†

  9. Aling Baby ay nagsasabing:

    haha! yan din sabi ko sa nanay ko na sobrang kunsumido sakin. lulusot ka ngang talaga.

    wei: wahahahha!!!

  10. cliogoddess ay nagsasabing:

    WEi, hindi pedeng porket marunong ako magsaing eh sakin mo na iaasa yun. geeezz

    nagbublush tuloy ako pag binabanggit mo pag-aasawa. diba usapan natin di pa tayo ready. hehehe.

    teka, iba nlang gawin mong excuse! try mo “next time nlang pag me anak nako”

    im sure mababatukan ka bigla. hehehh

    wei: waaahhhh~ nagiisip ako ng ibang excuse pero baka mabatukan nga ako ng nanay ko πŸ˜†

  11. mang BADoy ay nagsasabing:

    puro ka na lang palusot wei! nabuhay ka ilang linggo ka rin walang post… busy busyhan ba? heheheh! cheers…….

    wei: hindi naman, nakakapagbasa pa nga ako ng post niyo eh! di lang ako makatamabay ng matagal sa pc πŸ˜€

  12. aga ay nagsasabing:

    asust! pasaway!

    wei: di ahh πŸ˜†

  13. kukang sweet ay nagsasabing:

    tama, mag aral ka munang mabuti, para magkaruon ng magandang trabaho, pwede ka ng mag hire ng maid para magluto.kung gusto mo, pakasalan mo na rin yung maid. ano sa tingin mo?

    wei: hayy nako… KUKANG! wag mo nga ko itulak sa maid mo!

  14. jeeper ay nagsasabing:

    Pag nagasawa? Hehehe. Ako kahit yata magasawa di ko pa rin gagawin yan. Kailangan mo ng butihing asawa. Hehehe.

    wei: hahaha! tama tama πŸ˜€

  15. akosimakoy ay nagsasabing:

    oo korek. mag-aral ka munang mabuti… saka ka mag-asawa… para hindi mo gawin at tigilan ang mga bagay na ayaw mong gawi at ayw mong tigilan… teka tama ba? hehehehe!

    wei: yep! tama πŸ˜€

  16. angel ay nagsasabing:

    nice nice.. heheh gagawin ko din yang palusot minsan! hehe

    wei:yeah! umeepek siya..hehehe

  17. kamotenista ay nagsasabing:

    uy effective na reason yan pwede rin kaya yan sa boss ko?….wahahaha

    ang sarap mong hampasin hijo….wahaha

    wei: wag po! wag po! πŸ˜†

  18. faith ay nagsasabing:

    pano kaya pag nag-asawa kana? ano naman excuse mo? “mag-aaral ako ulit” hehehe

    WEI: sabhin ko naman: pag nagkaanak nako…hehehe

  19. thelostme ay nagsasabing:

    hari ka ng palusot, idol wei.

    wei: hahahaha! thanks πŸ˜†

  20. ifoundme ay nagsasabing:

    waaaahhhh!!! ginamit ko na rin ang palusot na yan sa lahat ng bagay at ang takot ko ay malapit lapit na… ano ba yan? pwede bang palusto ang PAG LOLA NA AKO? hehehe!

    wei: haha! naman! tapos pag naging lola ka na… ano naman palusot mo? hahahaha

  21. space cadette ay nagsasabing:

    I like that.
    I should use the same excuse.
    A bit different though.
    “Kapag me batong pamukpok na sa ulo ko”
    aka the engagement ring

    tama tama! πŸ˜€

  22. gugmagiatay ay nagsasabing:

    hay naku wei tinutupak ka na naman sa katamaran! join din ako dyan!

    wei: haha! tara! πŸ˜€

  23. Jhaynee ay nagsasabing:

    apir tayo sa pagkatamad mo wei.. ganun din ang rason ko sa bahay.. hahaaha!!! pero tamad na antural lang talaga ako eh.. hehehe.. umeepek naman diba? kaya’t sa susunod na natin pag-aaralan yan.. enjoy muna

    wei: yeah! akala ko ako lang gumagamit nyan..may kasama pala ko! apir!:)

  24. beero ay nagsasabing:

    ayos na palusot yan wei! pero ngaun pa lang dapat marunong ka na sa buhay. ahehe πŸ˜† dahil isang paraan yan para makabingwit ng chiching. ahehe

    wei: hahaha!! hindi ko yun alam ah…hmmmm πŸ˜†

  25. yhen ay nagsasabing:

    hehehe… darating ka din jan… unti unting matututunan ang mga bagy bagay!

    matutuwa ka lang balang araw at lagi kang nireremind ng mga pipol sa plaigid mo kahit naging pasaway ka… hehehe

    napadaan lang po…

    magndang araw!

    wei: hello! hehe.. wag naman ganun.. baka mag headset na lang ako kung lagi ako paparinggan nila..bwahahaha!!! salamat sa pagdaan ^^

  26. rimewire ay nagsasabing:

    yaya

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    wei: elyen din! πŸ˜€

  27. ifoundme ay nagsasabing:

    eto ang next ko na palusto: GAGAWIN KO PA BA YAN LAHAT EH MATANDA NA AKO? hehehe!

    wei: oo nga noh? tamang palusot! gayahin kita ah? πŸ˜€

  28. jhamy woops ay nagsasabing:

    hahah.. ayus sa reason ha..baka naman bigla kang pilitin ng mom mong mag asawa nang maaga nyan? πŸ™‚

    wei: hindi.. matatakot siya pag nagpaturo nako magpaluto πŸ˜†

  29. Lenggai ay nagsasabing:

    onga naman… ako nga, hanggang ngayon yun pa rin ang rason pag tinatanong kung bat di pa ko matuto ng gawaing bahay… lol!

    wei: matakot sila pag nagpaturo ka na πŸ˜†

  30. emoterang nurse ay nagsasabing:

    sa tingin ko gagawa ka na naman ng reason at sasabihin mo…
    gagawin ko na lang yun pag may apo na ko…hahahahaha

    hahah! tama ka dyan! sumakto ahhh

  31. koreanmine ay nagsasabing:

    pag mag aasawa ka na. magiging andres de saya ka na,, kc karma! lols

    joke lang, mr, archi!;)

    bwahahah~ subukan niya lang… wahahahah!

  32. mumusakanto ay nagsasabing:

    lanya sa palusot ah πŸ˜† apir nga! mula ngayon ikaw na ang mentor ko πŸ˜† hahaha

    wahaha! wag ako.. iba na lang..lols.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s