When the body gives up and your mind is exhausted….

Last last year, first time kong hinimatay sa loob mismo ng school habang naglalakad ako papuntang car park. Badtrip yun, kasi wala kong kasama na magbubuhat saken and also, a certain feeling of giving up. Mabuti na lang, may dalawang gago ang tumulong saken habang unti unti akong bumagsak sa mainit na semento. Sabi sa inyo eh, tayo tayo na lang mga gago ang nagtutulungan kaya ayun, nadala naman ako sa health service.

Mga tinuturong dahilan:

  • Dahil hindi pako natutulog nung mga panahon na yun
  • sabaw lang ang kinain ko at sopdrink at nagyosi na din
  • Tirik ang araw nung naglalakad ako

Mga tinuturong dahilan ng nanay ko:

  • Baka lumala na daw ang sakit ko sa atay
  • Kakainom ng sopdrinks at hindi umiinom ng mainit (e.g. kape, hot chocolate) pag lutang (o bagong gising)

At inakala ko naman, hindi na mauulit saken ang pangyayaring yun.

2nd round: Hinabol ang kama

Nung nakaraang linggo, Bago ang general assembly (for engineering students; and obviously, hindi ako qualified as eng); tinapos ko muna yung plates na ipapasa ko next week para naman wala nakong iisipin pag gumala na ako. 1 week, hindi nako nakakatulog nang maayos na okay naman, ganun naman talaga yung nangyayari sa apat na taon ko. Nung nakaramdam nako ng gutom, syempre, tumayo nako para makahanap ng malalamon. Badtrip uli, kasi medyo nahihilo nako sa pagod, puyat at gutom ko na naman!.

Nakababa nako, wala kong makitang pagkain kaya lumabas ako sandali para bumili na lang sa convenience store na literal namang nagbubukas 24/7. Wala kong nakitang gustong kainin ng tastebuds ko kaya nag mushroom soup na lang ako 😦

Habang umiinom nako ng mainit na sabaw, na feel ko na lang na umiinit na (o lumalamig?) yung dulo ng paa ko papunta na sa tuhod ko. Alam ko na yun, mahihimatay nako kaya hinabol ko ang kama…

at naging succesful naman. Dun nako hinimatay sa mismong kama kaya sinabayan ko na ng tulog. Heheh.

3rd round: My lolo, the hero

Eto naman, nung nakaraang linggo lang to at may pasok ako that day. Nagising naman ako ng 6am pero diko naman inexpect na gigising ako na sumasakit na naman ang sikmura ko; kaya pumunta ako sa kwarto ng utol ko kung saan nandun yung gamot na pinapahid.

Ang problema…

Naramdaman ko na naman na kinukuryente na naman mga tuhod ko kaya patakbo na naman akong pumasok sa kwarto para lang himatayin ako with poise. amfUCK na yan! Hindi ako umabot! huhuhuh… kaya hayun, ang ending, sa sahig pa rin ako hinimatay.

Mabuti na lang, paakyat yung lolo ko para magdasal (nasa 3rd floor kasi yung altar niya) at nakabukas naman ang pinto ng kwarto ko kaya kagad niya kong nilapitan para sumaklolo. hinilot naman nya yung mga paa ko kaya heto, buhay pako πŸ™‚

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in life and tagged , , , . Bookmark the permalink.

21 Responses to When the body gives up and your mind is exhausted….

  1. otep ay nagsasabing:

    hakhak.. mommy ko din, pagnagkakasakit ako yan din sinasabi sa’kin, ke-hindi daw ako nag-aalmusal.. ke-laging nagpupuyat.. ect..

    with pangangaral na ke-malaki na daw ako (hindi halata) kaya nagagawa ko ng gawin lahat ng gusto ko, pero pag nagkasakit sa magulang pa rin ang bagsak ng prolema (hehe nag share na sermon)..

    pero wala na talagang tatalo sa praying power ng Lolo mo.. naks lakas manalangin..

    pa check up ka na! lolz… πŸ˜€

    \m/

    haha! mukang parehas tayo ah.. kahit ano mangyari.. taena! sesermonan at sesermonan nila tayo kasi lam nilang inaabuso naten yung mismong katawan naten! huhuhu.. oh well, i think, yun yung di nila kayang iwanan na responsibility saten πŸ˜€

  2. aLps ay nagsasabing:

    Nahihimatay ka? Pacheck-up ka kaya!! xD

    Wag na kasi yosi.. [-(

    wei: kung..kung lifeblood ko na ang yosi… pano yun? wahuhuhu

  3. Geisha ay nagsasabing:

    hmmmmmmmmm imbis na maawa ako sayu natatawa tuloy ako sa himatay na may poise! hahahah
    wag mong habulin ang kama mo pag hihimatayin ka bka matuluyan ka!

    pa check up ka na.. if you felt manhid prior to unconsciousness bka kulang ka sa potassium. yan ang kinamatayan ko dati..lol

    ingat wei! alagaan ang health para di kami makapag alay ng wreath! (oi rhyme.. πŸ˜† )

    yun lang.. pero kasi.. pano pag sa sahig? pano kung sa stairwell? oh well well..natatakot ako magpacheck up..baka bilangin na lang kung kelan ako mabubuhay. Lol.

  4. nuel jose ay nagsasabing:

    tsk… papakabait ka kasi. haha.

    wag mo abusuhin yung katawan mo kuya.. πŸ˜€ bad yun.. saka pacheck-up kna.. at bawasan na yosi! (bawasan lang.. wag itigil. πŸ˜† joke!)

    ingat ka ha! sna wala na 4th round!

    wei: ahhh..yun lang… di ko kayang bawasan.. kung babawasan ko eh dapat mag tabacco nako para solb for the whole day! πŸ˜†
    ayoko magpa check up..baka sabihin na naman ng nanay ko:
    “baka pagkagraduate mo patay ka na?!”

  5. Maldito ay nagsasabing:

    kumain lang ngsaging…mahina pala ang tuhod mo…indi pwede sa santong paspasan…lols..

    kaibigan ko ganyan din…bad trip nga..

    nahimatay sa gitna ng kalye..

    sana naman sinagasaan na..

    may atraso pa yun sakin.amputaness.

    ang sama ko. Oh!

    Sori na.

    ayyy.. bat ka nagssorry? ayos lang yun..may utang naman pala eh.. wahahahah~!! santong paspasan ba? ayos lang yun.. wag lang ako mahimatay uli:lol:

  6. dakilang islander ay nagsasabing:

    ngee..katakot naman yan at marami pang beses!! patsik ap mo na yan!

    hindi nakakatakot pag maraming beses na…lol. hayyy…
    sige na nga…
    nakakatakot na nga 😦

  7. BADoy ay nagsasabing:

    kumain ka kaya or maglagay ka na lng ng dextrose sa katawan para kahit di ka na kumain pwede… ok ba yung idea ko?

    pwede! kaso hassle naman yung may dadalhin kang dextrose.:lol:

  8. beero ay nagsasabing:

    naku po. kakarelate ako sa “himatayan” stories eh.

    nung bata ako nahimatay rin ako dahil sa sobrang init. ngayon naman halos himatayin ako pag umaatake food allergy ko. minsan naman nahihimatay dahil sa sobrang kalasingan. hehe.

    wag ka kasing magpapagutom. saka bawas-bawasan consumption ng yosi. hehe

    hahayy..heatstroke ba yun? parang yun nga din nangyari saken..hehehe… at hala.. may food allergy ka pala, kaya ingat din sa paginom ng beer (?)
    kaya ko to.. ako ata si…
    si..
    superwei! πŸ˜†
    putangina..
    corny na
    soorry naman

  9. Emil ay nagsasabing:

    hahaha..ayos….kakatawa!!!

    ehe =)

  10. Aling Baby ay nagsasabing:

    nakupp naman wei, mas important ka pa rin kesa sa mga plates mo. aanhin yun ng nanay mo kung may sakit ka naman? 😦 pasaway ka talaga. sana wag mong dedmahin yang madalas na panghihina ng tuhod, paghimatay mo with poise at pagsakit ng sikmura mo…obviously there’s something wrong. wenewento mo palang parang nag-aalala na ko…*kapatid ba kita?? haha.

    pagaling ka. πŸ™‚

    pwede ba edit comments mo para naman maiba? wahahah~ lol. Salamat sa concern ate πŸ™‚

  11. nuel jose ay nagsasabing:

    ayos yung idea ni BADoy! tama! magpaswero ka! haha KCl in D5NS (Potassium chloride in 5% Dextrose and Sodium chloride) lang katapat niyan!

    gusto mo ako maginsert ng line?! πŸ˜† para kahit lamayan mo plates mo eh alang problema. haha

    gags…baka ma singko ako pag may swero na..at kung ikaw pa mag insert ng line..waaaahhh~ baka kung saan mo itusok yan lalo kong himatayin? πŸ˜†

  12. utakmunggo ay nagsasabing:

    halaka wei?? HOOOOOYYYY!!!! anuba magpatingin ka nga sa okidokidok at magpablood test ka na rin.. baka mamaya eh simpleng lunas lang pala ang kailangan para di na maulit pa yang fainting spells mo.

    umayos ka nga, wei. eh pano kung sa next time mauntog ang ulo mo? sus! patingin mo yan wei anubah. marami na akong nakitang nag-faing, wei. trust me, hindi cute tingnan lalo na kapag naka open ang mouth. wa poise talaga. bawas sa pogi points.

    uuuuuyyy patingin ka naaahhh anubahhhh

    oo nga…mabuti hindi nauntog ulo ko nung 3rd round..katakot… hahayyy… at oo.. hindi cute tignan kasi ang lahat nga nakatingin saken, pero hindi sa admiration;
    dun sa situation ko 😦

  13. cliogoddess ay nagsasabing:

    anu ba wei, alagaan mo sarili mo, ayokong ma biyuda ng maaga.

    tsaka aanakan mo pa ako.,

    may turkish boy ka na ate πŸ™‚

  14. kamotenista ay nagsasabing:

    may poise pang kabaliwan na nalalaman ito!
    gusto mo ng poise? mas magandang himatayin sa airfield tapos may magta-touch down na helicopter.o di ba may special effect pa?
    kumain kang mabuti hindi maganda ang parating ganyan at pag may oras kang matulog matulog ka hijo….kaw din rumeresbak ang mga yan!

    natatawa ako waaaahhhhh~!! hahaha~! pwede din para tuloy na sa cremation… o di na kailangan? πŸ˜†

  15. naglalambingnacute ay nagsasabing:

    naku naman wei.. take care of yourself ..

    makinig ka sa nanay mo paminsan minsan..

    buti nalang at may tumutulong sayo pag nahihimatay ka… minsan di masamang maging health concious.. pa check up kana!

    hihi parang nanay ah… πŸ˜‰

    oo..pasalamat na lang ako.. ang swerte ko talaga! hehehe… natatakot lang ako.. kasi lam ko, may pagbabawal at may pagbabawal saken pag nagkataon na nagpacheck up ako ^^

  16. vanny ay nagsasabing:

    goodluck naman sayo! buti na alng ako di pa hinihimatay kahit more than 48 hours straight walang tulog. :p

    nakikihop hop lang sa blog.. πŸ˜‰

    swerte mo nga πŸ™‚

  17. akosimakoy ay nagsasabing:

    ui grabe naman. lage kang hinihimatay. baka kung ano na yan. ako one time pa lang. dahil yun sa walang tulog sa trabaho, maghapon magdamag na nakatutok sa pc… at kumain ng tatlong nilagang itlog paguwi ko. ayun hinimatay ako. hehehe!

    gags..baka dahil sa itlog na tatlo noh? baka expired na yun? πŸ˜€

  18. kukang sweet ay nagsasabing:

    mag aral kang magluto para pag ginutom, may makakain, tamad!

    sorry naman… nakakaluto naman ako eh..pero puro prito na lang 😦

  19. beero ay nagsasabing:

    haha. heat stroke nga tawag dun.

    superwei? haha. ang bagong superhero na pwedeng arkilahin! ahehe

    hahaha!~ parang rent a dvd lang ah?! wahahaha~!

  20. Jeck ay nagsasabing:

    huwaw. himatayers ka pala. dapat sa iyo laging may dalang kutson pag hectic ang sched. hehe. joke lang.

    haha~! pwede din, para pag na feel ko na babagsak na ko, ilalatag ko na lang din yun… good idea πŸ™‚

  21. eloiski ay nagsasabing:

    buti naman at hindi pa ako nahihimmatay!

    hahaha!

    kasi wag ng magyosi eh!

    tapos kumain ng almusal…

    ayan parang nanay tuloy…

    sorry ate.. hayy..salamat sa pag comment..di ka sinipag ano? ;))

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s