price to pay

I can’t post ‘good things’ right now. Back to old business, Back to my problems. At kung hindi ko naman ma solb solb yung problemang yan eh magpapalusot na lang ako na: “IT’S REALITY…kaya di ko ma solb okay?” And hey! I am starting to feel angry right now albeit this scenario is ‘normal’ to our house:

my grandpa’s daughter: Oh! san ka na naman kumuha ng pera para sa mga pasalubong mo?

wei: sa lola ko. (nanay ni daddy)

my grandpa’s daughter: may gana ka pa magbigay ng pasalubong eh ni rubber shoes mo hindi ka makabili!

**********

my grandpa’s daughter: oh san ka na naman pumunta?

wei: trinoma

my grandpa’s daughter: pang tuition mo nga nanghihingi ka nga lang tapos ipang-ta trinoma mo?

wei: …

my grandpa’s daughter: oh?san ka kumuha ng pera?

wei: di naman ako gumastos eh. Ginastusan ako ng mga barkada ko kasi…gusto nila ko kasama eh…

my grandpa’s daughter: ang kapal talaga ng muka mo!

okay okay. Alam ko naman yung joke sa hindi eh. Pero pag yang ANAK NG LOLO ko yung nagsalita; Nakakasakit, tumatama hanggang baga ko. Pano ba naman, parang nilait na buong pamilya ka. At sino siya para magsalita? isang social climber na kung titignan yung sweldo niya eh di na tumaas taas since nung nagtrabaho siya. At ako? ako naman? kung bibilangin mo yung mga PROPERTY OF WEI eh malamang, hubad nako ngaun! (Yikes!)Β  Sorry daddy, alam ko, binabasa mo ‘tong blog ko pero di ko na mapigil. Galit ako DUDE!

Eto pa, aalis na kasi kami sa bahay namen after 50 years of existence ng pamilya ng lolo ko dito. Yep, inugat na kami dito and this is the time na dapat na kami magimpake dahil sa mga rights rights na yan ng landlord at nung sublease namen.

Bakit ako nagagalit?

Kasi, ako, alam ko na yung mga nangyayari bago pa kami paaalisin at ngaun, sasabihin niya saken na hindi raw niya alam? hindi raw niya alam ahhh?? eh kasi naman, kahit kelan eh wala na siyang naging pakelam sa bahay nato tapos sisigaw sigawan ang LOLO ko na hindi raw niya inisip yung iba?

GAGO BA SIYA?

KELAN MO INISIP YUNG IBA?

TANGENA. Nung nagpapaliwanagan pa lang tayo TITA nung mga panahon na naghahanap tayo ng solusyon sa problema kung saan tayo mangungupahan uli ng bahay eh lagi mong iniisip yung IKAW at yung ANAK MO. Wag mo sabihin saken na may trauma ka sa pambubugbog ng ASAWA MO kasi sa pananalita mo palang eh iniisip mo na kung sino mag aalaga sa ANAK mo in caseΒ  na maghihiwahiwalay na tayo ng bahay.. Kasi nga naman noh?nakakalibre ka nga naman sa LOLA ko.

“Ash to ash, dust to dust,
We’re all gonna die so we have to
trust in something”
But it’s probably nothing
There’s gotta be something

-mattresses underwater by colour revolt

May araw ka din…SWEAR! – – -si wei… nag a-attitude na. πŸ˜†

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in life. Bookmark the permalink.

17 Responses to price to pay

  1. aLps ay nagsasabing:

    Chillax ka lang dude.. And take one problem at a time okay? πŸ˜€

    Sama ako pag gugulpihin mo na tita mo.. (Yayks, that sounded so unproper.. Haha..)..

    Pero may threshold naman kasi lahat ng tao diba.. Just don’t let her hit you below the belt.. πŸ˜€

    yeah…i think i need someone na maghahawak ng kutsilyo para saken. Lol. salamat tol! πŸ˜€

  2. utakmunggo ay nagsasabing:

    nakakapanginig naman yung poem sa bandang huli.
    hindi ko sayo sasabihing “easy ka lang” dahil alam na alam ko yang pagkayamot na nararamdaman ng isang taong pinakekelaman ng kasama sa bahay. mahirap na isyu ang makisama sa ibang tao sa iisang bubong, lalo pa’t asal sukang paumbong ang isa.

    ang masasabi ko lang, wei, ay huwag mong antayin na sumabog pa yang kalooban mo ng dahil sa galit dahil kapag pinaabot mo pa sa ganon, yung lalabas sa bibig mo hindi mo na mkukontrol, at makakasakit ka lang.

    idaan mo sa sulat kung di mo kayang harapin ang tita mo. hindi porke bata ka sa kanya ay pwede ka na niyang balahurain at di galangin. may karapatan kang ipagtanggol ang sarili mo, wei.

    wag mo lang isakatuparan yan poem mo ah. walang internet sa selda, kala mo. πŸ˜€

  3. wei vines ay nagsasabing:

    err..ate munggo,kanta lang yan… wahahaha~!! sige palitan ko na lang..hehehe…
    at ayoko rin po ng gulo ate munggo, kasi may ‘putang na loob’ kami sa kanya..kaya ayun… in time I know, papamuka ko sa kanya kung sino talaga ako (mwahahahhaa~!!)

    kung sulat.. tingin nyo ba? di nya ko ipapamalita sa buong angkan namen? hahaha! i’ll be a laughing stock at hindi lang yun, baka madamay na naman parents ko sa kalokohan ko..heheh…

    kaya ko pa ate… 1 more year to go… at makakapunta nako sa corporate world πŸ˜€

  4. anakngpiso ay nagsasabing:

    hello.. padaan lang.. grabe ha.. parang sasabog na din ang lungs ko sa galit ah (hindi puso, kungdi lungs talaga)!!! nyahaha.. wag mo na patulan.. pag sinapak mo pa ng kaboom yan mas malaking problema lang.. tulad nga ng sinabi mo magkakahiwalay-hiwalay na kayo eh di konting tiis na lang.. ayos? ayos!!!-cheers.. glesy the great;p

  5. anakngpiso ay nagsasabing:

    nyahaha.. putang na loob!!! aba mahaba ang one year ah.. pero kaya mo yan.. isama mo na lang ako sa corporate world mo kung magkataon… singit lang ulet..

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  6. batopik ay nagsasabing:

    tusukin mu na gums niyang letsugas na kamote mong tita! hahaha!!! joke lang..
    ang yabang amp! di porke’t may ‘putang na loob’ kau sa kanya eh ite-take advantage na niya yun para yurak-yurakan ka at ibang pamilya niu… hah!
    di siya ang nagpapatakbo sa buhay niyo.
    control lang, dude. makakarma din yan…doble o triple pa..
    hakhak! Gud lak sayo!

  7. prinsesamusang ay nagsasabing:

    easy ka lang. mamamatay din yun. at habang hindi pa, mag enjoy ka na lang muna sa pag imagine ng ways kung pano siya mamamatay.

  8. watusiboy ay nagsasabing:

    hmmm..mahirap yan kasi away pamilya.. sana masolve nyo din yan eventually.

  9. utakmunggo ay nagsasabing:

    wei ang pangit ng avatar ko. gusto ko pareho kay watusiboy (inggit).. hmmm makapag-open nga ng account sa wp.
    hehe..open ka nga para magka avatar ka na ^^

  10. Aling Baby ay nagsasabing:

    sa wentong mara clara, esperanza…malamang ikaw si juday. napaka-epektib ng kalaban mo ah, patok sa masa hehe.

    talagang kailangan may mga ganyan sa buhay naten wei…kasi sila yung makakapag-motivate sa atin na mas pag-igihan natin ang future para may mapatunayan sa mga tulad nila. mashadong marami ang frustrations sa buhay yang si Celina..ay este ang tita mo at sa ganyang paraan pinapakita niyang matapang siya para indi makita yung mga flaws niya na sobrang dami. ayaw niyang siya ang masisi kaya siya ang naghahanap ng butas sa ibang tao.

    intindihin mo na lang siya…kahit pa unreasonable, atlis diba indi na kayu magkakasama. indi naman sa papaboran mo rin ang side niya kasi obviously –mali siya. kung indi mo siya makakausap ng maayos, wag ka na lang magsalita kasi sa totoo lang, mas nakakaguilty talaga yun on her part pag inde mo na siya pinansin.

    cool ka lang wei…there’s alot of things to smile about. πŸ™‚

  11. eloiski ay nagsasabing:

    dapat sa ganyang mga tita, pinapalapa sa buwaya at ipinapahostage sa abu sayaff (tama ba sfelling?)!

    masyado naman siya!

    nilait at dinown na pamilya mo ah.

    may ganyan ding nangyayari sa amin noon.
    pero buti na lang at nakalipat na rin kami dito sa bahay namin.

  12. wei vines ay nagsasabing:

    wala nako masabi! bwahahahha~!! nawlaa na galit ko eh.. ni blog ko kasi..hehehe… ^^ salamat sa mga nagcomment..and yeah, konting tiis na lang…

    oi daddy, walang basagan ng trip ah? mwahahahaha~!!! kakainis naman kasi talaga..rawr!

  13. mhar ay nagsasabing:

    waah..katakot ka naman dude. anyway, konting kontrol lang… pero pag di mo na kaya pumunta ka lang sa lugar na tahimik, sa lugar na walang nakakakita, tapos sumigaw ka… ng ubod ng lakas, yong tipong may gusto kang ipasabog at isiwalat, lahat ng galit at nararmdaman mo inside, ilabas mo. ganun! tapos nun, pumunta ka sa tindahan, bili ka ng malamig na sopdrink, as in sobrang lamig… haaay… basta sundin mo yong una kong nasabi, yong pangalawa, second choice mo na lang. good luck! by the way, napadaan lang po.

  14. kamotenista ay nagsasabing:

    wei abot sa hideout ko ang inis mo!sabi nga may payback day pero hindi applicable sa lahat ng bagay. bro, lilipas din yan at mas masarap rumesbak na may kasamang pang-aasar….hehehe

    ibahin ang strategy para sa isang mas magandang all out war….hindi ito nakakasakit. may alam ako pero hwag nalang baka pagalitan ako ni mommy utakmunggo at ni fader dear..hehehe

  15. kukang sweet ay nagsasabing:

    iho, sa u n galing ung nabugbog ng asawa, kaya ganyan yan kasi inggit cguro s pagsasama ng mga erpats at ermats mo. d pera at pag aari ang batayan ng kaligayahan s mundo, pagmamahal, peace,contentment. inggit, yan ang nasa puso ng anak ng lolo mo.matuto kang magpatawad, no need sa pay back,pagdating nga ng araw n unm baka maawa ka pa sa kanya eh! at babae yan, be a gentleman ok?

  16. ifoundme ay nagsasabing:

    nawala lang ako, ganitong drama pala ang nangyayari sayo. nagkakaattitude ka na nga, dude. hehehe! hinga…. inhale… exhale…

    kada pamilya talaga may drama na pwede ng isama sa mga entries sa MMK at sa kada drama ay may kontrabida talaga.

    sali ka na lang sa resbakan blues namin ni kamotenista. i assure you, iba ang trip namin… matatawa ka rin. LOL! i hope by now, okay ka na. smillllleeeee!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s