first and last

Kagabi, di ako nakapasok ng bahay!

OO. Pwede ko na gawing excuse yun para gumala at abutin na nang madaling araw at sabihin sa kanila na: “oi, wala naman nagsabi na aalis kayong lahat di ba?? san nyo ko patutuluyin? sa pathwalk?” – – pero hindi eh. Gutom nako. Mahirap gumala ng gutom. Mahirap din makahanap ng pagkain pag wala kang pera. At lalong mahirap kung lowbat ka na kaya, habang wala ako sa sariling naglalakad, nasita naman ako ng pedicab driver kung bakit ako nauulol sa daan. Buti na lang nasita niya ko, kung hindi, hindi ako pinahiram ng limang piso pang charge ng cp sa ministop. (buti pa si kuya, may limang piso) kaya nakapagplurk pako at nakatxt sa nanay ko kung nasaan ba sila.

…after two hours, highblood nakapasok nako…

Kinabukasan..

natural, nagising si wei at kailangan na niya kumain. So, naghanap siya ng makakain sa ref and boom! may yellow fin!! wooohh!! problema lang, kung pano iluto to. Pritong isda so, bago yun sa laging nagluluto ng noodles and egg, ham and egg at egg! Bago siya nagluto, lumunok muna siya ng panis na laway para lang masimulan ang kauna unahang pagprito ng fish.

Sa kamalas malasan nga naman, first time eh, kaya nasunog yung isda. At dahil FAILED ang mark ng unang pag prito, hindi ko na i-ttry magluto. Not now. I’m not yet married.

——————————–

Syempre, may histroy yan. Trauma kasi pag nasusunog yung niluluto. Hindi lang sayang eh, nagugutom ka na tapos sunog pa yung kakainin mo? What the Fish diba? At syempre, Eto ang mga first time ko:

Magluto ng pancit canton:

Eto…eto yung time na hindi ko pa kilala si marlboro lights at redhorse nito (age: 9yrs.old) Hindi ko kasi alam na nilalagyan muna ng tubig yung pesinton kaya prinito ko sa mantika. Sorry naman, kasalanan nghousemaid namen. Nakita na nga niya kong piniprito yung pesinton, di niya pako sinaway! brr.

Magsaing:

oo.. dreaded food ito para saken. Ang dami kasing process. Nagsimula nakong magsaing nung kilala ko pa lang ang marlboro lights pero di pa kami magshota. (15 yrs.old) Nagpaiwan ako sa bahay nung halloween kasi ayoko na sa baguio. Kasawa. At para makasurvive, pinatawag ko yung mga group of friends ko na marunong magsaing. LOl. Turns out, nasunog lang namen! huhu.. kaya ayon, pancit canton na lang niluto namen. At simula din nun, di ko na ni try magsaing.

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in life. Bookmark the permalink.

27 Responses to first and last

  1. Jhaynee ay nagsasabing:

    ano to? diary ng taong di marunong magluto? pwede akong maging author dito kung ganun… hahaha…

    di rin ako nagluluto eh… di rin ako nagt-try… sabi ko kasi kay mama, di pa naman ako magpapakasal… next time na pag malapit na ang wedding date… mga…. uhmmmm… day before… hehehe…

    pero prito lang rin ang specialty ko.. pancit kanton at ilog at kahit anong pwedeng pritohin, yun lang ang alam ko…

  2. Jhaynee ay nagsasabing:

    pers ako dito! yahoo

  3. wei vines ay nagsasabing:

    hinde.. diary ng tanga. ^^

  4. anakngpating ay nagsasabing:

    wenks fritong fish ang ayokong isda ang bangus kapag piniprito nak ng pating nanakit kasi sya tatalsikan ka ng mantika tumatalon eh hek3…asar

    sinaing madalas ako magluto ng malatang kanin hek3..kaya para tuloy lugaw yung kanin namen kapag ako ang nagsasaing kaya hindi ko narin inulet pa yun..

    siguro kapag nag asawa kana matututo ka rin mag luto hehe …

    XD

    hahaha!!! ayoko pa mag asawa!!!!!

  5. malditaku ay nagsasabing:

    ahahay..try mu s rice cooker..pati ung canton s rice cooker den..hehe..yummie un!!

    yung canton??Sa rice cooker??? hmmm bago yun ah! ^^

  6. nuel ay nagsasabing:

    taena. magasawa ka na kasi. haha πŸ˜†

    ayaw!! πŸ˜†

  7. fhranz ay nagsasabing:

    aheheh yaan mo kuya wei pag naga asawa ka na..may magluluto na para sayo..hahaha nice syota mo na pla c malboro lyts at red horse ngayon..hahahaha

    yep… di niya ko maiwan iwan… kelan kaya kami mag bbreak noh? πŸ˜€

  8. aLps ay nagsasabing:

    Yan kasi. Tsk2.

    huhu

  9. jeeper ay nagsasabing:

    Ako, kaya ko lang magsaing yung iba…. nakakatakot na. Hahaha!

    buti ka pa..marunong magsaing..ako bumibili na lang sa may kanto 😦

  10. mangbadoy ay nagsasabing:

    buti ako lahat ng lalake samin marunong magluto pero ang nanay ko noodles at pag saing lang alam lutuin kahit pritong itlog di marunong magluto lumalangoy sa mantika pag sya nagluto.. magsama kayo wei ng nanay ko hahha!

    wehh??asteg!! edi lagi niyo pinagluluto nanay nyo? kaingget…

    pag nagsama kami ng nanay mo..baka ma deadz na lang kami parehas sa gutom! πŸ˜†

  11. β™‚ ay nagsasabing:

    hahaha! iba ang nagsaing, ako ang kumain dahil diet sila. lols. ang korniks. hahaha! buti nalang ako, marunong magsaing at magluto. pero takot ako mag-prito. ang sakit kaya matalsikan ng kumukulong mantika. hehehe. πŸ˜†

    waw! at least, may edge ka saken..huhuhu

  12. yhen ay nagsasabing:

    hehehehe di bale… ang mahalaga naka kain ka di ba? ang tanong nabusog ka ba? hehe

    hinde ehhh.., kaya kumain pako icecream sa ministop..haha!

  13. theCHAOSPILOT ay nagsasabing:

    lights + red horse = FTW!

    yeahhh! \m/

  14. hisnameisdencios ay nagsasabing:

    try and try until you succeed! πŸ˜‰

    madali ako sumuko pagdating sa pagluluto ^^

  15. iceyelo ay nagsasabing:

    Pohta ang tagal kong nawala sa blogworld. its good to see your site again bro.

    its good to see you again ice πŸ˜‰

  16. gudang ay nagsasabing:

    haha rehas tayo.. miski nga pagbukas ng gas range ndi ako marunong eh.. HAHAHA. :))

    ayy yun ang kaya ko! magbukas ng range! (lol)

  17. beero ay nagsasabing:

    naku po. kelangan mong matutong magluto parekoy [look who’s talking]. pinaka-importanteng bagay na dapat nating matutunan eh yung magsaing. di rin ako marunong magsaing until naging boy scout ako nung grade 5. hehe. pagkauwi ko nga ng bahay galing sa camping nagvolunteer agad akong magsaing. parang malaking achievement na para sa kin yun. wapak! marlboro lights at red horse? penge…haha πŸ˜†

    kaya ako nasibak sa boyscout kasi naguutos lang ako magluto..haha!
    yeah! lights and redhorse equals bisyo! πŸ˜†

  18. coolwaterworks ay nagsasabing:

    hehe… naalala ko tuloy nung una akong nagsaing…. grade one ako nun…. buti na lang nagtagumpay ako…. di kasi pwedeng magkamali kasi mahal ang bigas nun, kailangang magtipid… pero hindi ito ang kinatakutan ko kaya ako naging determined na maluto ng maayos ang bigas – mapupuno ng latay ang binti ko! hehehe…

    waaahh! talaga??pinapalo di marunog magluto?!! oh nosee!

  19. payatot ay nagsasabing:

    nakukuha sa praktis yan..basta bantayan mo lang lagi para di masunog..ok na yon

    pano ko mlalaman na luto na yun?

  20. eloiski ay nagsasabing:

    dyosko!
    palpak! hakhak!
    buti naman at kahit papaano eh marunonng ako magprito!
    mag-asawa ka na kasi!
    hakhak!

    ayaw! haha

  21. utakmunggo ay nagsasabing:

    wei, rice cooker lang katapat ng sinaing. hahahaha

    sos kang bata ka. prito lang eh.. sos talaga.

    eh baka naman pati pagpapakulo ng tubig eh masunog mo pa? hehe

    ayy… kaya ko naman! malalaman ko na na kumukulo yun pag umuusok..hahah

  22. hener ay nagsasabing:

    ayos lang yan dude! kapag arkitekto ka na, utusan mo nalang yung mga kusinero! HEHE

    tama tama!! hehe… great idea! ^^

  23. louka ay nagsasabing:

    ampf ka kua wei!!! uyyy… nakita ko si ruwi ahh… magsama kayo nun! pinagluto ako dati nung kayo pa.. taz… sunog.. kainis!! nyahahaha!!!

    di ka maka move on? πŸ˜†

  24. kengkay ay nagsasabing:

    wag ka mag alala. si kengkay nga magpainit lang ng tubig e nasusunog pa, hahaha

    natuto lang ako magluto nung andito na ako sa alemanya at sa kadahilanang naglilihi ako ng pinoy food. edi ayun, habang asa telepono nanay ko e may i luto ako, haha

    waw!! may pag asa pa pala ko! tnx po!~ ^^

  25. grace ay nagsasabing:

    experience din yan. πŸ™‚
    experience is the best teacher. πŸ™‚
    daan ka rin sa blog ko ha. πŸ™‚

    yeah.. if i got time..salamat po sa pagdaan! ^^

  26. flamindevil ay nagsasabing:

    sinayang mo ang yellow fin!!!yellow fin yun!!haha

    hindi nga?binigyan ka ng taxi driver ng php5?swerte mo naman.hehe

    sorry naman..hahaha! sayang nga eh.. di na tuloy masarap πŸ˜‰

  27. walongbote ay nagsasabing:

    mukang madaming di marunong magluto ah.. isama mo na ako jan.. pritong itlog at luckY me lang kaya ko.. ni magsaing di rin ako marunong..

    awww… pag tinira kaya tayo sa isang isla, tapos pinagsama sama yung hindi marunong magluto, pano na kaya tayo noh?? hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s