do you know him?

Malupit ang tatay ko totoo lang. Simula nung naaksidente siya nung grade 1 si wei, dun na nagsimula ang paghihirap ng pwet ko everytime na may nagagawa akong mali o kaya, pag may nangyaring pag aaway, iyakan, kurutan ng mga pinsan at utol ko nung mga bata pa kami. Syempre, ako ang panganay na apo sa lahat eh, kaya responsible dapat ako pag may nangyayaring iyakan nung unang panahon.

Dati naman, nung hindi pa naaksidente ang tatay ko, laging customize yung laruan kong trak trakan at bus. Mechanical Engineering ang natapos ng tatay ko kaya naman, puro scale model yung mga laruan ko nun (1:10 ata) .

Pag nag aaway kami ng erpats ko, bawal ako sumagot. Eh syempre, knowing na pag hidi ako sumagot, mapapalo din ako kaya sagot ako ng sagot sa kanya.LOL. highschool na nung natutunan na namen magmahalan. Ewan, siguro, kung hindi ako gagawa ng peace treaty eh kelan pa? Gusto ko din makilala ang tatay ko kasi ayoko matulad sa ibang anak na dinala yung mga palo ng tatay nila hanggang sa tumanda na sila.

Pang MMK ang drama ng tatay ko noon at hindi ko na lang sasabihin dito dahil hahaba na naman ang poste ko ngaun. Wag na.. tama na… dati pang kwento yun na pag binabalikan ko lagi, parang ayoko na makita yung tunay kong lolo. Basta hayun.

Malalaman mo na masama loob ng tatay ko pag nanahimik na at one liner lang yung sagot niya. Masaya naman ang tatay ko pag nakikipagbiruan sayo. Dapat nga lang, alam mo yung limits mo, ayun.

Maliit lang kaligayahan ng erpats ko kaya siguro, love na love siya ng mga sisterette niya and they stay close together. Minsan, di mo na kailangang mag pa impress pa dahil impress na siya sayo. Hehe, anyhoo.. wala pa naman sa mga barkada ko ang nakakita sa kanya kaya pag isa ka sa mga ininvite ko na makita tatay ko, It will mean that youre special. (bwahahaha!!)

Syempre, kung kilala ko tatay ko, dapat kilala din niya ko. Kaya nga wala akong tinago sa kanila eh. Im bad and they know it, wag lang nila isusumbat saken yun at makakatikim sila ng sikreto saken. Haha!

pangatlong birthday na niya ngaun na hindi namen siya kasama. To you erpats, I’m missing you na! πŸ˜€

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in family and tagged , . Bookmark the permalink.

10 Responses to do you know him?

  1. payatot ay nagsasabing:

    di mo naman sinabi kung nasaan si tatay! andito pa ba sya o kay lord na..ganyan talaga ang mga magulang, minsan may dahilan sila para gawin yung mga dapat ay di nila ginagawa sa mga anak nila..
    maaaring dahil sa kanilang paglaki ay meron silang karanasan na di nila matakasan at sa paggawa nila ng ganyan, nairaraos nila ang kanilang mga hinaing..ay, napahaba ako..

    minsan naman daan ka sa sayt ko ha..hapi balentayn..

    nasa middle east siya.. hehehe… happy valentine ^^

  2. coolwaterworks ay nagsasabing:

    Senti mode on fathers ngayon ah… πŸ™‚

    Nabasa ko somewhere na meron daw stages yung relationship ng father and son… Unang stage yung hero mo tatay mo, usually nangyayari kapag bata pa tayo… Second is kaaway mo sila (usually during teenage years), distant evolution (yung parang wala lang)…. Then later on, they become friends…. and finally, sons feel na legacy sila ng parents nila… Pasensiya, sobrang shortcut ng explanation…

    I’m glad na naabot ko na yung “friendship stage” with my father…. πŸ™‚

    ayy mukang tama ka ahh! hehehe.. yeah..hehehe..nasa friendship stage na nga kami πŸ˜‰ salamat sa pag comment ^^

    And it seems nandun ka na rin… πŸ™‚

  3. nicki ay nagsasabing:

    hmp! sakto lng un bhoi.. hehe

    hmp ka dyan! πŸ˜†

  4. fhranz ay nagsasabing:

    huwaw naman.. ang swit niyo talagang mag tatay..sabagay ganun naman talga ang mga tatay lalao na sa mga panganay nilang anak, gusto nilang maging responsable itoh bilang isang kuya o ate sa mga nakakabatang kapatid nila..well buti nalng bunso ako,hindi ako masyadong napalo ng tatay koh..hahahaha

    tska nakakainggit nga eh meron akyong connection talagang mag tatay ung bonding nio kahit magkalayo kayo ngayon eh nandun parin,,,

    hayyy..kakapagod sometimes..pero sometimes, hindi naman.. as in, hindi nako nagmumukang panganay..utol ko na nag ttake over..hehehe

  5. jeeper ay nagsasabing:

    Nakakainggit nga ang ganyang uri ng relasyon, kasi sa akin parang sikreto ang lahat. hehehe

    bat naman?? aww…

  6. anakngpating ay nagsasabing:

    same us naging close na rin kami ng tatay ko nung mag high school ako lalo na nung graduation ko sya kasi kasama ko nun at talagang sya lage ang kasama ko every time na kaylangan ng magulang..iba na rin ang bonding namen lalo na pag basketball ang palabas isama na anjan din ang kapatid kong lalaki…anyway hapi bertdey sa tatay mo 3 taon tagal na rin ano..kylan ba sya uwi hehe…hinge na rin ako pasalubong hehe joke..:) tagal nasundan ng post mo ah namiss kita eh hehe…:)

    ewan nga eh…hmm basta lam ko lagi siya online every 11pm heheh…
    namiss moko??hehe sorry naman..dami talaga ginagawa..hirap din ako mag blog hop..sorry naman.. πŸ˜€

  7. dencio ay nagsasabing:

    weivines matagl tagal kang nawala a.
    neweys maganda ang post na to. intindihin mo na lang ang mga tatay o magulang natin para din sa atin yun kung minsan napapalo tayo. ganda ng samahan nyo a pero kame ng tatay ko recently lang naging ok talaga. at least di naman nahuli ang lahat para sa amin. πŸ™‚

    hehe salamat..wala nako maisip i-post eh..kundi sila sila na lang din…
    salamat sa pagdaan uli πŸ˜‰

  8. Jhaynee ay nagsasabing:

    yey! bagong post! tagal mong nawala wei…

    ambait mo namang anak kasi kaya mong sabihin sa kanila ang lahat.. di ako ganun eh… inggit ako sayo…hehehe…

    pero friends din naman kami ng papa ko.. yun nga lang di ganun ka close..

    pi bday sa erpats mo!

    ehhh.madali lang naman… kung pano ka makipagusap sa barkada mo, ganun din sa tatay mo..hehehe… πŸ˜€

  9. hener ay nagsasabing:

    kabirthday ko erpats mo? hihi

    onga eh.. hehe.. cool! πŸ˜€

  10. kukangsweet ay nagsasabing:

    cguro babaero tatay mo no? peb 14 kc eh! dapat maging mature ka na, matuto ng responsibilidad. agawin mo s utol mo ang pagiging panganay, gets mo tol?

    ayaw… hahaha!! lagi nakong panganay when i was a kid.. lol.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s