na mafia ako?

muntikan na naman ako maholdap kahapon lang sa may lawton underpass. Sa tinagal tagal ko na sa maynila eh this yr ko nararanasan yung  nakakatraumang madukutan ng:

-cam ng  erpats ko sa  may paco

Tas,kahapon,muntikan na naman ako madukutan dahil bukod sa  gwapo eh:

-mukang tatanga  tanga  na  sumusunod sa nanay

-mukang kagagaling sa beach (??!!!)

-gutom talaga

sa walang  magawa, hinatak ko in front  ang aking bag nung nakita  kong may  braso sa  loob ng  bag ko. Sa  sobrang inis ko, sinuntok ko siya  sa may leeg  (she’s so  young) with matching  malutong  na  murang:PUTANGINAMOKAAA!!!!

bata: oh eh  bakit ka  nanununtok?

WEI:ungas ka ba?? eh  dinudukutan  moko putanginaka!

bata:gusto mo batuhin kita dyan ng kinakain ko?

wei:batuhin mo  ng  masapak  kita dyan!

susugurin ko na  talaga  yung bata,gugulpihin  ko  na eh!  kaso pinigilan  nako ng  nanay ko,tama na  daw  yun,kasi  may kasama na daw si  15 yrs oldgirl na mga ‘ate’ nya ata,tsaka  sayang  daw sa  oras. Swerte ko  pa  daw  kasi  walang nawala  saken.

hayun…

at sira  nga pala  yung  spacebarkey…kanina pako nahihirapan  magtype.di lang  halata

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in life. Bookmark the permalink.

14 Responses to na mafia ako?

  1. payatot ay nagsasabing:

    kahit naman ako e mapapamura pag ganyan ang nangyari at buti pala kasama mo si nanay mo at sya ang naging anghel mo para di ka pumatol sa mga hunghang na mandurukot na yan..ingat na lang sa susunod…

    nasapak ko siya, nung sasapakin ko uli, umawat nanay ko..heheh..yeah…sa susunod plastic bag na lang dadalhin ko..hahah

  2. kukangsweet ay nagsasabing:

    ang masasabi ko, iwasan mong manakit, tama ang mommy mo, tutal wala namang nadale sa iyo. abala lang, at mapa praktis mo ang pagpapatawad! maybe next time, makaharap nila ang kanilang katapat at next time din, tama ka, wag kang tatanga tanga. ingat lagi tol.

    err…di ko na kayang magpakabait..:lol:

  3. simplefula09 ay nagsasabing:

    aw…bad3p nga yan…..kahit cno magmumura tlga… tc na lng nextym

    yeah..salamat ^^

  4. gugmagiatay ay nagsasabing:

    Tinadyakan mo sana yung ng bonggang bongga!!! hehehehe

    oo nga noh?hahahah

  5. eloiski ay nagsasabing:

    cam ng erpats mo? nakow… baka dslr pa yan,,,
    samin din sa gate ng iskul namin may susunod sunod sayo tapos bubuksan bag mo ayun nanakawan ka na… luckily hindi pa naman ako nanakawan kasi wala naman mananakaw sa akin! hahaha!

    ayy..vidcam ^^
    grabe yun ah! dapat na report na yan sa school guard ^^

  6. blurosebluguy ay nagsasabing:

    hmmm…saklap naman ng day mo kaibigan…hirap na talaga ng layf, noh?

    sobraaa…..

  7. mangbadoy ay nagsasabing:

    ganyan na talaga kahirap ang buhay sa pinas kaya kung ayaw maisahan wag tatanga tanga… hehhe 😀

    oonga eh…sorry naman… nexttime… magmukang matalino! ^^

  8. Otakore Literantadodist ay nagsasabing:

    Saang lugar yung “kahapon” na binanggit mo sa Blog-entry na ito? Sa Lawton Underpass rin ba? Dalawa kasi yung “kahapon” sa istorya eh.

    sa paco ^^

    Ako, lagi ako dumadaan d’yan sa Lawton Underpass tuwing may pasok ako sa pamantasan.

    Dalawa yung underpass sa Lawton, yung isa – underpass bandang Post Office, papuntang Intramuros, ayun yung Underpass na hindi dinadaanan ng mga publiko, duun nag-lulungga ang mga masasamang-loob.

    Minsan nag-“trip” kami ng kaibigan ko, FEAR FACTOR = dadaan kami dun sa sinasabi kong lungga na Underpass, nahuli naming may nag-sa-shabu sa Underpass. Binilisan na lang namin yung lakad, buti hapon iyon, kung gabi yun, tepok kami.

    Wala lang. Share ko lang.

    buti hindi kayo hinabol nun? hahah!!

  9. tagamasid ay nagsasabing:

    Buti na lang napatingin ka sa bag mo..Sayang yung cam ah!! Ako hindi ko pa naranasan yan, sana wag na.

    ang alam ko..wala siya madudukot saken kundi payong lang tsaka bimpo… at sayang talaga,kasi wala pamalit eh..huhuh

  10. anakngpating ay nagsasabing:

    hehe kagagaling lang sa beach nanariwa ka pa ba kuya wei hehe..
    talagang nasapak mo buti hindi sa mukha hehe..
    ingat2 po kasi next time kuya…
    bili ka na bagong key board abah hehe,,

    pasalamat siya hindi sa muka…
    gumagana na yung space key..yey! 😀

  11. coolwaterworks ay nagsasabing:

    hehehe… natawa ako dun sa huling hirit ah!
    Ayan kasi flaunting ng kagwapuhan, nag-attract tuloy ng magnanakaw! hehehe…

    hindi ko sinasadya…haha

  12. Neex ay nagsasabing:

    Lesson daw yan kuya Wei. Wag ka na raw magmukhang tatanga-tanga. Hehe

    ahahahah!!! oo..sa susunod,magpapakagago peys naman ako 😛

  13. yhen ay nagsasabing:

    ang puso mo… hehe…

    mabuti na yun, isipin mo nalang na things wud have been worst kapag pinatulan mo pa…

    😉

    oo nga..naisip ko na din yan after 3 days..wahaha!!! ^^

  14. jun ay nagsasabing:

    Hello, I am new to your page but I find it interesting. I will read more about it. Go go Blog jud bai..TC..

    ^ ^

    okay tnx… daming post mo about scammers ah! ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s