Changing times

Naaalala mo ba to tito?

Nung nakatira pa tayo sa espana, lagi tayong naglalaro with my sister. Disco-discohan, wrestling-wrestlingan, at minsan, masaya na tayong nagbabantay sa xerox shop ni angkong. Namamasyal tayo dati sa manila zoo, tas tambay sa mga malls. Ang saya noh? Kahit nga ba icecream lang kaya mong ilibre samen/saken, masaya na ko. It was like I have a big brother. Ako nga panganay sa lahat diba? so i’m glad, may mas matanda sa pamilya na kasundo ko.

We dreamed a lot. Alam mo pa rin ba yung kasunduan naten sa grandstand? Sa mga kwento mo sa school nato, ito na ang pinakamaligayang kwento na naririnig ko sayo kaya sabi mo saken sa grandstand:

“dito ka mag aaral ng college. Pag dito ka nag aral, tutulungan kita…”

Senior highschool…

Hindi ko napagtripan ang U.P. katulad ng mga classmates ko, although sikat yun sa kanila, walang sisikat pa sa sikat ng araw ng USTe. LOL. Me and my tito waited for 4 yrs at nag feeling ako na this is the day. May mga araw na napapaisip ako sa offer ng lolo ko na sa Baguio ako mag aral ng college, at nung mga oras na mag ssign up nako ng papel para sa isang school dun, kinausap ako ni tito at sabi niya:

“akala ko ba dito ka mag aaral? diba sabi mo dati, mag aaral ka dito? sabi ko sayo tutulungan kita sa mga plates na hindi mo alam, tapos mamamasyal tayo…naaalala mo ba yun?”

at oo..naaalala ko un.

at nagulat na lang ako isang araw…na kasabay sa mga plano pala naten na mag aasawa ka na.

Pero sabi mo nun; di mo ko iiwanan. Walang magbabago.

In my college life; I feel like everyday is a dream. Natupad naten isang pangarap naten! Hindi nga lang sa building mo; pero ayos lang…kasi napupuntahan ko pa rin yung building mo…

At pagkatapos nun…

pagtapos nun…

bumagsak ako.

this is where i dream ;)

the creator of my dreams πŸ˜‰

Siguro naman, alam mo na yung pumayag ka na mag shift nako kasi feeling mo, hindi ko talaga kaya. Ikaw ba naman na nilalaglag ka na ng school mo sa dami ng failing grades eh parang balak ko na talagang takasan tong panaginip nato. Nadisappoint ako hindi lang sa mga reaksyon nila mommy nun. Mas na disappoint ako sayo. Nilaglag moko tol. Parang inadmit mo na mahina nga talaga ko.

Na bobo at ilusyon lang lahat ng mga pangarap naten…

Pero okay lang…

Nalusutan ko naman eh.

Nung mga araw na sumasama ko sayo, naniniwala pa rin ako sa isa mong promise na pag hindi ko alam yung tinuturo sa school, magtatanong ako sayo kaya lagi ako pumupunta sa bahay mo. At minsan, pag down na down na talaga ko sa kurso na to, alam kong ikaw lang yung magiinspire saken na ituloy to…

at oo… nagawa mo nga.

Pagkatapos mo kong bigyan ng inspiring words, maririnig ko na lang sa nanay ko na sabi mo, hindi daw ako magaling, na wala akong natututunan, pumepetix lang ako at nakakahiya akong ipakilala sa mga architects na pamangkin mo at masisira ang pangalan mo dyan sa company nyo…

Alam mo yung feeling na parang sinaksak ka ng bonggang bongga?? ang saket po tito.

Hanggang ngaun, masaket parin.

Kung alam mo lang kung pano ko affected sa mga sinabi mo na balak ko na nga tanungin sa mga prof ko kung magaling ba talaga ako or not…kasi kung hindi talaga, sana pala, di na lang ako naniwala sayo.

Kung alam mo lang kung pano ko magstrive sa school to be one of the best…

at kung alam lang na kahit ilang beses mo pako saktan through your words, parang utol nga kita….kaya kitang patawarin kahit di ka magsabi ng sorry.

Advertisements

About wei vines

bitching around like a boss!
This entry was posted in family. Bookmark the permalink.

27 Responses to Changing times

  1. blakenwayt ay nagsasabing:

    awww… nakakalungkot naman to tol…
    speechless yang ang reaksyon ko.

    pero apir tayo! pangarap ko din ang USTe! haybuhay!

  2. kukangsweet ay nagsasabing:

    Hu hu hu hu, tama na! tulo na sipon ko eh!

  3. Geisha ay nagsasabing:

    wei.. merry christmas…

    miss ko na tong bahay mo!

    ingat always! πŸ˜‰

  4. barrycyrus ay nagsasabing:

    Merry Christmas Wei! Haha, I just came back from blogging. :p

  5. jheiphoe ay nagsasabing:

    aww wei..
    pinagduldulan saiyo yoon?
    grabe ang lifeness naman, harsh masyado..

    hayaan mo, kung ganyan ang tingin nila, gawin mo lahat ng magagawa mo! goodluck nalang.. ^^

  6. Dorm Boy ay nagsasabing:

    Outch nga! Pero meron talagang times na ganyan sa buhay. It will make you a better person dude! Cheer up!

  7. aLps ay nagsasabing:

    :’)

    Do your best shot sa next chapter ng life mo. πŸ™‚

  8. doroastig ay nagsasabing:

    munting pahabol: HAPPY NEW YEAR SA LAHAT ! ! !

  9. aKDa ay nagsasabing:

    oy oy oy. wala na kong alam tungkol sayo ah! ano ito?!?!

    pasensya na sa ating mga kabusyhan, kelangan nating bumawi dahil alam kong sumosobra na ang pagkamiss natin sa isa’t-isa.

    anyway, masakit nga yan. pero kung kaya mo siyang patawarin, magaling kang nilalang, dahil ang pagpapatawad ang isa sa mga bagay na pinakamahirap gawin. it’s what you think that counts. it’s what you can prove that matters.

    mwahugs! πŸ™‚

    • wei vines ay nagsasabing:

      haha!! sos.. oks lang noh? kasama naman kita pag masaya ako eh! nakikipagsocialize lang ako pag masaya ko… tas maaalala ko na malungkot ako… magulo? hahaha~!! yep… at napapagalitan na nga ko ng mga barkada ko dito eh…kasi, sumasama pa rin ako sa kanya… err…mali ba? haha

      mwaaahh~ πŸ˜€

  10. neil dalanon ay nagsasabing:

    totoo ba to, tol? wait, nag-arki din ako before bago ako nagshift sa ibang kurso. the experience na iiwanan mo ung arki and the experience na magbabago ka ng carrer are both worth all the effort. ang pinagkaiba lang naten, suportado ako ng family ko while you, uhm, well. why not consider your other expertise. baka hindi ka talaga dapat sa arki. yun kasi ang nangyari sa akin. ganyan din ako dati, gusto ko magdesign ng ultra modern structures, pero hanggang pangarap lang yun. we shud stich with the reality and maybe, one reality is that u dont belong in the arki world but in another realm. malay mo, dyan sa bagong field na yan, dyan ka magsa-succeed.

    god bless. πŸ™‚

    • wei vines ay nagsasabing:

      thanks mehn~!!! naks! katuwa naman kasi may ibang side ng opinion yung nabasa ko πŸ˜€

      hmm… suportado rin naman ako ng pamilya ko at trying hard pa rin ako.. wahaha~! Akalain mo nga naman? naiintindihan ko naman si tito… he don’t want to waste what i have learned for 6yrs. Ang medyo di kami nagkakaintindihan eh, pag pumupunta ko sa kanya, dapat, alam niya na may papatulong ako sa kanya na hindi ko magets kasi yun talaga usapan namen simula pa lang eh. So ayun..kung hindi pa rin magwork out sa corporate world, o hindi talaga ko bagay dito sa field na to; i’ll let go and dont forget to let my heart beat.<ayon to sa isang kanta. lol.

      salamat sa pagdaan πŸ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s